Bisaya worship songs list 1
Tanging Ang Lumikha ang May Awa sa Sangkatauhang Ito
Tanging ang Lumikha ang may matibay na awa't pag-ibig.
Siya lang ang nagmamahal sa Kanyang mga nilikha,
sa Kanyang mga nilikha.
Bawa't isipin Niya'y para sa kabutihan ng tao.
Bawa't damdamin Niya'y kapulupot ng kanilang pag-iral.
Kapahayagan ng kung ano at mayroon Siya ay para sa tao.
Lahat ay para sa tao.
II
Sa puso Niya'y ramdam ang bawat kilos ng tao.
Sala nila'y pumupukaw sa poot N'ya't kalungkutan.
Ngunit pag sila'y nagsisisi, pinatatawad Niya, nagagalak S'ya.
Siya ay laging nagmamadali, nasa bawa't dako bawat sandali.
Bawat damdamin Niya'y iniaalay; ang buong buhay Niya,
ito ay tahimik Niyang iniaalay sa bawat segundo.
Lahat ay para sa tao.
III
Walang awa sa sariling buhay, ngunit tao'y minamahal.
Gamit ang Kanyang kamay, hinubog ang sangkatauhan.
Pagdamay at pagpaparaya'y ipinadarama Niya,
na walang kundisyon o kapalit,
nang tao'y mabuhay sa ilalim ng Kanyang pagtitig,
na isang araw, sila'y magpapasakop at kilalanin
na Siya ang isa na nagtutustos,
at kilalanin na Siya lamang.
Ah…
Siya ang nagtutustos ng buhay ng sangnilikha,
buhay ng buong sangnilikha.
Bawa't isipin Niya'y para sa kabutihan ng tao.
Bawa't damdamin Niya'y kapulupot ng kanilang pag-iral.
Kapahayagan ng kung ano at mayroon Siya ay para sa tao.
Lahat ay para sa tao. Lahat ay para sa tao.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Bisaya worship songs list 2
Tinuturing ng Diyos ang Tao Bilang Kanyang Pinakamamahal
Nilikha ng Diyos ang tao;
naging masama man ito o sumunod man sa Kanya,
Itinatanging nilikha,
pinakamamahal pa rin ng Diyos.
Ang tao'y 'di laruan para sa Kanya.
II
Diyos ang Tagapaglikha at ang tao'y Kanyang nilikha.
Tila iba ang hanay,
ngunit lahat ng gawa ng Diyos ay higit pa sa kanilang ugnayan.
Mahal ng Diyos ang tao, laging alaga't malasakit binibigay.
Walang kapaguran, Siya'y nagbibigay,
hindi ramdam ang kalabisan,
o na kailangan Niya ng pagkilala.
III
Di Niya dama pagligtas ng sangkatauhan,
tustusan sila at ibigay ang lahat
ay dakilang parangal sa kanila.
Ganyan lang ang Kanyang paraan,
Kanyang diwa, kung ano Siya't mayroon Siya,
Nagbibigay ng tahimik at walang ingay.
Kahit magkano pa ang nakukuha ng tao, hindi Siya humihingi ng pagkilala.
Ito'y natutukoy sa Kanyang diwa; Totoo sa kanyang disposisyon.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Bisaya worship songs list 3
Gaano Kahalaga Ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao
Ang Pag-ibig ng Diyos sa tao
Nakakamangha at kahanga-hanga
Unang naipakita sa Bibliya
Sa istorya ni Adan at Eba
Nakaka-antig at madamdamin
Ang Pag-ibig ng Diyos sa tao
II
Ang umaapaw na pag-ibig ng Diyos malayang ibinigay sa tao.
Inosente at puro, hindi nababagabag,
puno ng biyaya sa buhay.
Alaga siya ng Diyos, at laging sakop ng Kanyang pakpak.
Lahat ng ating salita't gawa,
ay kaugnay ng Diyos at di mai-wawalay.
III
Mula nang unang likhain ang sangkatauhan,
nasa isip ng Diyos, protektahan at laging bantayan
Nais Niyang manalig ang tao sa Kanya (ang tao sa Kanya).
At sundin ang Kanyang Salita,
ito ang inasahan ng Diyos sa Sangkatauhan.
IV
Dala ang pag-asang ito, sinabi ng Diyos:
''Bawat puno sa hardin, Malaya kang kumain,
maliban lang sa puno ng kaalaman ng mabuti't masama (mabuti't masama).
'Pagkat sa araw na kinain mo 'yon,
tiyak kang mamamatay.''
Mga simpleng salita, sumasagisag ng nais Niya,
nagpapakita ng malasakit ng Diyos para sa atin.
V
Sa mga simpleng salita, laman ng puso Niya'y nakita.
May pag-ibig ba? Malasakit at Kalinga?
Ito ay nadarama, pag-ibig Niya at alaga.
Ng taong may konsensya at may pagkatao,
may kasiyahang dala ng Kanyang biyaya.
VI
Dahil sa 'yong nadarama(nadarama), ano ngayon ang tugon mo sa Diyos?
Kakapit ka ba sa Kanya?
Mapitagang pag-ibig lalago sa puso?
At sa Diyos ay mas lalapit pa?
Mahalaga ang pag-ibig ng Diyos,
ngunit mas mahalaga na dama't unawa ng tao.
Mahalaga ang pag-ibig ng Diyos,
ngunit mas mahalaga na dama't unawa ng tao.
mula sa Pagpapatuloy ng ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Magrekomenda nang higit pa:Tagalog Christian Songs with Lyrics
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento