Kidlat ng Silanganan

菜單

Hun 24, 2018

Kidlat ng Silanganan | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Tagumpay o Pagkabigo ay Depende sa Daan na Tinatahak ng Tao

Ebanghelyo, Diyos, pananampalataya sa diyos, pagmamahal sa diyos, Kaharian
Karamihan sa mga tao ay naniniwala sa Diyos alang-alang sa kanilang hantungan sa hinaharap, o para sa pansamantalang kaluguran. Para sa mga hindi sumasailalim sa kahit anong pakikitungo, ang paniniwala sa Diyos ay alang-alang sa pagpasok sa langit, upang magkamit ng mga gantimpala. Ito ay hindi upang magawang perpekto, o para gampanan ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos. Na ang ibig sabihin, karamihan sa mga tao ay hindi naniniwala sa Diyos upang tuparin ang kanilang responsibilidad, o para ganapin ang kanilang tungkulin. Bihira na ang mga tao ay naniniwala sa Diyos upang magkaroon ng makabuluhang mga buhay, ni mayroong mga naniniwalang sapagka’t ang tao ay buháy, dapat niyang mahalin ang Diyos dahil ito ay batas ng langit at panuntunan ng daigdig na gawin ang gayon, at ito ay ang likas na tungkulin ng tao. Sa ganitong paraan, kahit na ang iba’t ibang mga tao ay hinahabol ang kanya-kanyang sariling mga nilalayon, ang layunin ng kanilang paghahabol at ang pangganyak sa likod nito ay magkakaparehong lahat, at, higit pa rito, para sa karamihan sa kanila, ang mga layon ng kanilang pagsamba ay malaki ang pagkakapareho. Sa loob ng lumipas na ilang libong taon, maraming mananampalataya ang nangamatay na, at marami na ang nangamatay at muling isinilang. Hindi lamang ito isa o dalawang tao na naghahanap sa Diyos, ni hindi isa o dalawang libo, nguni’t ang paghahabol ng karamihan sa mga taong ito ay para sa kapakanan ng kanilang sariling inaasam o ng kaluwalhatiang kanilang inaasahan para sa kinabukasan. Iilan lamang at madalang ang mga tapat kay Cristo. Maraming debotong mananampalataya ang nangamatay na ring nabitag sa kanilang mga sariling lambat, at ang bilang ng mga tao na nagtagumpay, higit pa rito, ay kahabag-habag sa kaliitan. Hanggang sa kasalukuyan, ang mga dahilan kung bakit ang mga tao ay nabibigo, o ang mga lihim ng kanilang tagumpay, ay hindi pa rin batid. Ang mga nahuhumaling sa paghahanap kay Cristo ay hindi pa nakakaranas ng kanilang sandali ng biglang pagkakita, hindi pa nila nararating ang kailaliman ng mga misteryong ito, dahil lamang sa hindi nila nalalaman. Kahit na maingat silang nagsusumikap sa kanilang paghahabol, ang landas na kanilang tinatahak ay ang landas ng kabiguan na minsan nang tinahak ng kanilang mga ninuno, at hindi isa ng tagumpay. Sa ganitong paraan, hindi alintana kung paano sila naghahanap, hindi ba nila tinatahak ang landas na patungo sa kadiliman? Hindi ba ang kanilang nakakamit ay mapait na bunga? Mahirap na ngang hulaan kung ang mga taong tumutulad sa mga nagtagumpay sa nakalipas na panahon ay hahantong sa mabuting kapalaran o kapahamakan sa kahuli-hulihan. Gaano pa kayang mas masahol ang mga pagkakataon, kung gayon, para sa mga taong nais makasumpong sa pamamagitan ng pagsunod sa mga yapak ng mga nagkamali? Hindi ba sila magkakaroon ng higit na mas malaking pagkakataon para magkamali? Anong halaga ang naroroon sa landas na kanilang tinatahak? Hindi ba nila inaaksaya ang kanilang oras? Kung ang mga tao man ay magtatagumpay o mabibigo sa kanilang paghahabol, sa madaling salita, mayroong dahilan kaya nila ito ginagawa, at hindi ito ang kalagayan na ang kanilang tagumpay o kabiguan ay malalaman sa pamamagitan ng paghahanap kung paano man nila gusto.

Ang pinakasaligang kinakailangan ng pananampalataya ng tao sa Diyos ay ang mayroon siyang tapat na puso, at na buo niyang inilalaan ang kanyang sarili, at tunay siyang sumusunod. Ang pinakamahirap sa tao ay ibigay ang kanyang buong buhay kapalit ng tunay na pananampalataya, kung saan sa pamamagitan nito ay maaari niyang makamit ang buong katotohanan, at isakatuparan ang kanyang tungkulin bilang isang nilalang ng Diyos. Ito ang hindi matatamo ng mga nagkakamali, at higit pang mas hindi matatamo ng mga hindi makatagpo kay Cristo. Dahil ang tao ay hindi magaling sa buong paglalaan ng kanyang sarili sa Diyos, dahil ang tao ay hindi handang gampanan ang kanyang tungkulin sa Lumikha, dahil nakita na ng tao ang katotohanan nguni’t iniiwasan ito at tumatahak ng kanyang sariling landas, dahil laging naghahanap ang tao sa pamamagitan ng pagsunod sa landas ng mga nagkamali, dahil laging sinasalungat ng tao ang Langit, sa gayon, laging nagkakamali ang tao, laging nadádalá ng panlilinlang ni Satanas, at nabibitag sa sarili niyang lambat. Dahil hindi kilala ng tao si Cristo, dahil ang tao ay hindi sanáy sa pag-unawa at pagdanas ng katotohanan, dahil ang tao ay labis na mapagsamba kay Pablo at masyadong mapag-imbot sa langit, dahil laging hinihingi ng tao na si Cristo ay sumunod sa kanya at nag-uutos sa Diyos, kaya yaong mga dakilang pinuno at yaong mga nakaranas ng mga di-inaasahang pangyayari sa mundo ay may kamatayan pa rin, at namamatay pa rin sa gitna ng pagkastigo ng Diyos. Ang masasabi ko lamang sa mga ganoong tao ay na namamatay sila sa kalunus-lunos na kamatayan, at ang bunga nito para sa kanila—ang kanilang kamatayan—ay hindi nang walang katarungan. Hindi ba ang kanilang kabiguan ay lalong hindi matitiis ng batas ng Langit? Nanggagaling ang katotohanan mula sa mundo ng tao, nguni’t ang katotohanan sa gitna ng tao ay ipinamamana ni Cristo. Ito ay nagmumula kay Cristo, alalaon baga’y, mula sa Diyos Mismo, at hindi matatamo ng tao. Nguni’t ibinibigay lamang ni Cristo ang katotohanan; hindi Siya nakapagpapasya kung ang tao ay magiging matagumpay sa kanyang paghahabol sa katotohanan. Kaya nangangahulugan lamang ito na ang tagumpay o kabiguan sa katotohanan ay nakasalalay sa paghahabol ng tao. Ang tagumpay o kabiguan ng tao sa katotohanan ay hindi kailanman nagkaroon ng kinalaman kay Cristo, bagkus ay nalalaman sa pamamagitan ng kanyang paghahabol. Ang hantungan ng tao at ang kanyang tagumpay o kabiguan ay hindi maaaring ibunton sa Diyos, upang ang Diyos Mismo ay pagpasanin nito, dahil hindi ito isang bagay na para sa Diyos Mismo, kundi ito ay direktang kaugnay ng tungkuling dapat gampanan ng mga nilalang ng Diyos. Karamihan sa mga tao ay mayroon talagang kaunting kaalaman tungkol sa paghahabol at hantungan nina Pablo at Pedro, nguni’t walang alam ang mga tao bukod sa kinalabasan para kina Pedro at Pablo, at mangmang sila sa sikreto sa likod ng tagumpay ni Pedro, o sa mga kakulangan na humantong sa pagkabigo ni Pablo. Kaya’t, kung kayo ay tunay na walang kakayahang makakita sa substansya ng kanilang paghahabol, kung gayon ang paghahabol ng karamihan sa inyo ay mabibigo pa rin, at kahit na may kaunti sa inyo na magtatagumpay, hindi pa rin sila magiging kapantay ni Pedro. Kung ang landas ng iyong paghahabol ay ang nararapat, kung gayon ikaw ay mayroong pag-asang magtagumpay; kung ang landas na iyong tinatahak sa paghahabol ng katotohanan ay mali, kung gayon ay habambuhay mong hindi makakayanang magtagumpay, at hahantong sa katapusang gaya ng kay Pablo.

Si Pedro ay isang taong ginawang perpekto. Pagkatapos lamang niyang maranasan ang pagkastigo at paghatol, sa gayon ay natamo ang busilak na pagmamahal sa Diyos, saka siya lubos na nagawang perpekto; ang landas na kanyang tinahak ay ang landas ng pagiging perpekto. Ibig sabihin, mula noong kauna-unahan, ang landas na tinahak ni Pedro ay ang tamang landas, at ang kanyang pangganyak para manampalataya sa Diyos ay siyang tama, kaya’t siya ay naging isang taong ginawang perpekto. Tumahak siya sa isang bagong landas na hindi pa kailanman natatahak ng tao, samantalang ang landas na natáhak ni Pablo mula sa simula ay ang landas ng pagsalungat kay Cristo, at ito ay dahil lamang sa ninais siyang gamitin ng Banal na Espiritu, at upang samantalahin ang kanyang mga talento at lahat ng kanyang mga kakayahan para sa Kanyang gawain, kaya siya ay gumawa para kay Cristo sa loob ng maraming dekada. Siya ay isa lamang sa kinasangkapan ng Banal na Espiritu, at hindi siya ginamit dahil pinapaboran ni Jesus ang kanyang pagkatao, kundi dahil sa kanyang mga talento. Kinaya niyang gumawa para kay Jesus dahil siya ay pinabagsak, hindi dahil siya ay masayang gawin ito. Kinaya niyang gawin ang gayong gawain dahil sa pagliliwanag at paggabay ng Banal na Espiritu, at ang gawain na kanyang ginawa ay hindi kumakatawan sa anumang paraan sa kanyang paghahabol, o sa kanyang pagkatao. Ang gawain ni Pablo ay kumakatawan sa gawain ng isang alipin, na ang ibig sabihin ay ginawa niya ang gawain ng isang apostol. Si Pedro, gayunpaman, ay kaiba: Gumawa rin siya ng ilang gawain, datapwa’t ito ay hindi kasing-dakila ng gawain ni Pablo; gumawa siya sa gitna ng paghahabol sa kanyang sariling pagpasok, at ang kanyang gawain ay kaiba mula sa gawain ni Pablo. Ang gawain ni Pedro ay ang pagganap sa tungkulin ng isang nilalang ng Diyos. Hindi siya gumanap sa papel ng isang apostol, kundi sa panahon ng kanyang paghahabol ng pagmamahal sa Diyos. Ang daan ng gawain ni Pablo ay naglalaman din ng kanyang pansariling paghahabol: Ang kanyang paghahabol ay para sa kapakanan ng walang iba kundi ng kanyang mga inaasahan para sa kinabukasan, at ng kanyang pagnanais para sa isang magandang hantungan. Hindi niya tinanggap ang pagpipino sa panahon ng kanyang gawain, ni tinanggap niya ang pagpupungos at pakikitungo. Naniwala siya na hangga’t ang gawaing kanyang ginagawa ay kumakatagpo sa ninanasa ng Diyos, at ang lahat ng kanyang ginagawa ay nakalulugod sa Diyos, kung gayon ay isang gantimpala ang naghihintay sa kanya sa kahuli-hulihan. Walang personal na mga karanasan sa kanyang gawain—lahat ito ay para lamang sa sariling kapakanan nito, at hindi isinakatuparan sa gitna ng paghahabol ng pagbabago. Ang lahat sa kanyang gawain ay isang transaksyon, ito ay hindi naglalaman ng tungkulin o pagpapasakop ng isang nilalang ng Diyos. Noong panahon ng kanyang gawain, walang nangyaring pagbabago sa dating disposisyon ni Pablo. Ang kanyang gawain ay para lamang sa paglilingkod sa iba, at hindi kayang magdulot ng mga pagbabago sa kanyang disposisyon. Isinakatuparan ni Pablo ang kanyang gawain nang direkta, nang hindi nagáwáng perpekto o napakitunguhan, at siya ay nagaganyak ng gantimpala. Si Pedro ay iba: Siya ay isang tao na napasailalim sa pagpupungos, at napasailalim sa pakikitungo at pagpipino. Ang layunin at pangganyak ng gawain ni Pedro ay pansaligang naiiba roon kay Pablo. Kahit na hindi gumawa si Pedro ng malakihang gawain, ang kanyang disposisyon ay sumailalim sa maraming pagbabago, at ang kanyang hinanap ay yaong katotohanan, at totoong pagbabago. Ang kanyang gawain ay hindi isinakatuparan lamang para sa kapakanan ng mismong gawaing ito. Kahit na gumawa si Pablo ng maraming gawain, ito ay gawaing lahat ng Banal na Espiritu, at kahit na nakipagtulungan si Pablo sa gawaing ito, hindi niya naranasan ito. Na si Pedro ay gumawa lamang ng kakaunting gawain ay dahil lamang sa ang Banal na Espiritu ay hindi gumawa ng maraming gawain sa pamamagitan niya.

Ang dami ng kanilang gawain ay hindi nakakapagsabi kung sila ay ginawang perpekto; ang paghahabol niyong isa ay upang tumanggap ng mga gantimpala, at niyong ikalawa ay upang magtamo ng sukdulang pagmamahal sa Diyos, at tuparin ang kanyang tungkulin bilang isang nilalang ng Diyos, hanggang sa puntong kaya niyang isabuhay ang isang kaibig-ibig na anyo para makatagpo ang ninánasà ng Diyos. Sa panlabas na anyo sila ay magkaiba, at gayundin ang kanilang mga diwa ay magkaiba. Hindi mo matutukoy kung sino sa kanila ang ginawang perpekto salig sa kung gaano karami ang ginampanan nilang gawain. Hinangad ni Pedro na isabuhay ang anyo ng isang nagmamahal sa Diyos, maging isang tao na sumusunod sa Diyos, maging isang tao na tinanggap ang pakikitungo at pagpupungos, at maging isang tao na tumupad sa kanyang tungkulin bilang isang nilalang ng Diyos. Kinaya niyang ialay ang kanyang sarili sa Diyos, upang ilagay ang kabuuan ng kanyang sarili sa kamay ng Diyos, at sundin Siya hanggang kamatayan. Iyon ang kanyang pinagpasyahang gawin at, higit pa rito, iyon ang kanyang nakamit. Ito ang pansaligang dahilan kaya ang kanyang kinahantungan ay kaiba roon kay Pablo. Ang gawain na ginawa ng Banal na Espiritu kay Pedro ay upang gawin siyang perpekto, at ang gawain na ginawa ng Banal na Espiritu kay Pablo ay upang gamitin siya. Ito ay dahil ang kanilang mga kalikasan at kanilang mga pananaw tungo sa paghahabol ay hindi parehas. Pareho silang nagkaroon ng gawain ng Banal na Espiritu. Ginamit ni Pedro ang gawaing ito sa kanyang sarili, at ipinagkaloob din ito sa iba; si Pablo, samantala, ay nagkaloob lamang ng kabuuan ng gawain ng Banal na Espiritu sa iba, at walang tinamo mula rito para sa kanyang sarili. Sa ganitong paraan, matapos niyang maranasan ang gawain ng Banal na Espiritu sa loob ng maraming taon, ang mga pagbabago kay Pablo ay halos wala. Siya ay nanatili pa rin halos sa kanyang likas na katayuan, at siya pa rin ang Pablo noon. Iyon nga lamang, pagkatapos ng pagtitiis ng paghihirap sa maraming taon ng paggawa, natutunan na niya kung paano gumawa, at natutunan na ang pagiging matibay, nguni’t ang kanyang dating kalikasan—ang kanyang pagkahilig sa pakikipagpaligsahan at sakim na kalikasan—ay nanatili pa rin. Matapos gumawa sa loob ng napakaraming taon, hindi niya nalaman ang kanyang tiwaling disposisyon, ni naalis niya sa kanyang sarili ang kanyang dating disposisyon, at ito ay malinaw pa ring nakikita sa kanyang gawa. Sa kanya ay mayroon lamang higit na karanasan sa paggawa, nguni’t hindi siya kayang mapagbago ng gayong kaunti lamang na karanasan, at hindi kayang ibahin ang kanyang mga pananaw tungkol sa pag-iral o sa kahalagahan ng kanyang paghahabol. Kahit na gumawa siya sa loob ng maraming taon para kay Cristo, at hindi na kailanman muling inusig ang Panginoong Jesus, sa kanyang puso ay walang pagbabago sa kanyang pagkakakilala sa Diyos. Ibig sabihin, na hindi siya gumawa para ialay ang kanyang sarili sa Diyos, bagkus, siya ay napilitang gumawa para sa kapakanan ng kanyang hantungan sa hinaharap. Dahil, sa pasimula, inusig niya si Cristo, at hindi nagpasakop kay Cristo; siya ay likas na isang rebelde na sinasadyang tumaliwas kay Cristo, at isang tao na walang kaalaman sa gawain ng Banal na Espiritu. Sa konklusyon ng kanyang gawain, hindi pa rin niya alam ang gawain ng Banal na Espiritu, at kumilos lamang ayon sa kanyang sariling kusa batay sa kanyang sariling kalikasan, nang hindi nagbibigay ng kahit kaunting pansin sa kalooban ng Banal na Espiritu. At kaya ang kanyang kalikasan ay laban kay Cristo at hindi sumunod sa katotohanan. Isang taong kagaya nito, na tinalikdan ng gawa ng Banal na Espiritu, na hindi alam ang gawa ng Banal na Espiritu, at tumaliwas din kay Cristo—paano kayang maliligtas ang taong iyon? Kung maaaring maligtas o hindi ang isang tao ay hindi nakasalalay sa kung gaano karami ang gawaing kanyang ginagawa, o kung gaano karami ang kanyang inilalaan, bagkus ito ay nalalaman sa pamamagitan ng kung alam niya o hindi ang gawa ng Banal na Espiritu, sa kung kaya niya o hindi na isagawa ang katotohanan, at kung ang kanyang mga pananaw tungo sa paghahabol ay nakaayon sa katotohanan o hindi. Kahit na ang mga likas na pagbubunyag ay naganap matapos simulang sundan ni Pedro si Jesus, sa kalikasan siya ay, mula noong pinakasimula, isang tao na handang magpasakop sa Banal na Espiritu at hanapin si Cristo. Ang kanyang pagsunod sa Banal na Espiritu ay dalisay: Hindi niya hinanap ang kasikatan at kayamanan, bagkus ay naganyak ng pagsunod sa katotohanan. Kahit na mayroong tatlong beses kung kailan itinanggi ni Pedro ang pagkakilala niya kay Cristo, at kahit na kanyang tinukso ang Panginoong Jesus, ang gayong maliit na kahinaang pantao ay walang kinalaman sa kanyang kalikasan, at hindi nito naapektuhan ang kanyang paghahabol sa hinaharap, at hindi kayang sapat na mapatunayan na ang kanyang panunukso ay isang kilos ng anticristo. Ang normal na kahinaan ng tao ay isang bagay na karaniwan sa lahat ng tao sa mundo—inaasahan mo bang si Pedro ay magiging iba sa kahit anong paraan? Hindi ba pinanghahawakan ng mga tao ang ilang mga pananaw tungkol kay Pedro dahil gumawa siya ng maraming hangal na pagkakamali? At hindi ba labis na hinahangaan ng mga tao si Pablo dahil sa lahat ng gawang kanyang ginawa, at lahat ng mga liham na kanyang isinulat? Paano kayang makakaya ng tao na maaninag ang kakanyahan ng tao? Tiyak na yaong totoong may katinuan ay kayang makita ang isang bagay na may ganoong kawalang-kabuluhan?

Kahit na ang maraming taon ng masasakit na karanasan ni Pedro ay hindi naisulat sa Biblia, hindi nito pinatutunayan na si Pedro ay hindi nagkaroon ng mga totoong karanasan, o na si Pedro ay hindi ginawang perpekto. Paano kayang ang gawa ng Diyos ay maaarok nang buo ng tao? Ang mga nasusulat sa Biblia ay hindi personal na pinili ni Jesus, kundi pinagsama-sama ng mga sumunod na henerasyon. Sa ganitong paraan, hindi ba ang lahat ng naisulat sa Biblia ay napili ayon sa mga ideya ng tao? Higit pa rito, ang mga kapalaran nina Pedro at Pablo ay hindi lubos na naipahayag sa mga liham, kaya hinuhusgahan ng tao sina Pedro at Pablo ayon sa kanyang sariling pananaw, at ayon sa kanyang sariling kagustuhan. At dahil napakaraming ginawa si Pablo, dahil ang kanyang mga “ambag” ay lubos na dakila, nakuha niya ang tiwala ng mga masa. Hindi ba pinagtutuunan lamang ng pansin ng tao ang mga kababawan? Paano kayang makakaya ng tao na maaninag ang kakanyahan ng tao? Bukod pa rito, kung ganoong si Pablo ay naging layon ng pagsamba sa loob ng ilang libong taon, sino ang mangangahas na padalus-dalos na itanggi ang kanyang gawa? Si Pedro ay isa lamang mangingisda, kaya paano kaya ang kanyang ambag ay magiging kasing-dakila ng kay Pablo? Batay sa ambag, si Pablo ay dapat na ginantimpalaan bago si Pedro, at siya dapat ang higit na karapat-dapat na magtamo ng pagsang-ayon ng Diyos. Sino ang maaring mag-akala na, sa Kanyang pagtrato kay Pablo, pinagawa lamang siya ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang mga talento, datapwa’t ginawang perpekto ng Diyos si Pedro. Hindi ito ang kalagayang ang Panginoong Jesus ay nakágáwâ ng mga plano para kina Pedro at Pablo mula noong kauna-unahan: Sila ay, sa halip, ginawang perpekto o pinagawa ayon sa kanilang mga kalikasan. At kaya naman, ang nakikita ng tao ay iyon lamang panlabas na mga ambag ng tao, samantalang ang nakikita ng Diyos ay ang kakanyahan ng tao, gayon na rin ang landas na tinatahak ng tao mula noong una, at ang pangganyak sa likod ng paghahabol ng tao. Sinusukat ng mga tao ang isang tao ayon sa kanilang mga pagkaintindi, at ayon sa kanilang mga sariling pandama, nguni’t ang pinakakatapusan ng isang tao ay hindi nalalaman ayon sa kanyang mga panlabas na katangian. At kaya sinasabi ko na kung ang landas na iyong tinatahak mula sa simula ay ang landas ng tagumpay, at ang iyong pananaw tungo sa paghahabol ay siyang tama mula sa pasimula, kung gayon ikaw ay parang si Pedro; kung ang landas na iyong tinatahak ay ang landas ng kamalian, kung gayon anuman ang halagang iyong binabayaran, ang iyong katapusan ay mananatili pa ring katulad ng kay Pablo. Anuman ang kalagayan, ang iyong hantungan, at kung ikaw ay magtatagumpay o mabibigo, ay parehong nalalaman sa pamamagitan ng kung ang landas na iyong hinahanap ay siyang tama o hindi, sa halip na sa iyong pag-aalay, o sa halaga na iyong binabayaran. Ang mga substansya nina Pedro at Pablo, at ang mga layunin na kanilang hinabol, ay magkaiba; hindi kaya ng tao na tuklasin ang mga bagay na ito, at ang Diyos lamang ang maaaring makaalam ng mga iyon sa kabuuan niyaon. Sapagka’t ang nakikita ng Diyos ay ang kakanyahan ng tao, datapwa’t walang alam ang tao tungkol sa kanyang sariling substansya. Hindi kaya ng tao na makita ang substansya sa loob ng tao o ang kanyang totoong tayog, at sa gayon ay hindi kayang tukuyin ang mga dahilan ng kabiguan at tagumpay nina Pablo at Pedro. Ang dahilan kung bakit karamihan ng tao ay sinasamba si Pablo at hindi si Pedro ay dahil si Pablo ay ginamit para sa gawaing-bayan, at kaya ng tao na matalos ang gawaing ito, kaya’t kinikilala ng tao ang mga “tagumpay” ni Pablo. Ang mga karanasan ni Pedro, samantala, ay hindi nakikita ng tao, at yaong kanyang hinanap ay hindi kayang abutin ng tao, kaya’t walang interes ang tao kay Pedro.

Ginawang perpekto si Pedro sa pamamagitan ng pagdanas ng pakikitungo at pagpipino. Sinabi niya, “Kailangan kong bigyang kasiyahan ang kagustuhan ng Diyos sa lahat ng pagkakataon. Sa lahat ng aking ginagawa, ang hangad ko lamang ay upang mapasaya ang kalooban ng Diyos, at kung ako man ay kinakastigo o hinahatulan, masaya pa rin akong gagawin ito.” Ibinigay ni Pedro ang kanyang lahat sa Diyos, at ang kanyang gawa, mga salita, at buong buhay ay lahat para sa kapakanan ng pag-ibig sa Diyos. Siya ay isang tao na naghanap sa kabanalan, at kung gaano karami ang kanyang naranasan, ganoon kadakila ang kanyang pag-ibig sa Diyos sa kaibuturan ng kanyang puso. Si Pablo, samantala, ay gumawa lamang ng panlabas na gawain, at kahit na nagtrabaho rin siya nang matindi, ang kanyang mga pagpapagal ay para sa kapakanan ng paggawa ng kanyang gawain nang wasto at sa gayon ay magtamo ng gantimpala. Kung nalaman niya na hindi siya makatatanggap ng gantimpala, isinuko na niya sana ang kanyang gawain. Ang pinahalagahan ni Pedro ay ang tunay pag-ibig sa kanyang puso, at yaong praktikal at kayang makamit. Wala siyang pakialam kung siya ba ay makatatanggap ng gantimpala, bagkus ay kung ang kanyang disposisyon kaya ay mababago. Pinahalagahan ni Pablo ang paggawa nang mas mahirap, pinahalagahan niya ang panlabas na paggawa at pag-aalay, at ang mga doktrina na hindi naranasan ng mga karaniwang tao. Wala siyang pagpapahalaga sa mga pagbabago sa kanyang kaloob-looban at sa tunay na pag-ibig sa Diyos. Ang mga karanasan ni Pedro ay upang makamit ang tunay na pag-ibig at totoong pagkakilala. Ang kanyang mga karanasan ay upang magkamit ng isang mas malapit na relasyon sa Diyos, at upang magkaroon ng isang praktikal na pagsasabuhay. Ang gawain ni Pablo ay dahil doon sa ipinagkatiwala sa kanya ni Jesus, at upang makamit ang mga bagay na kanyang inasam, nguni’t ang mga ito ay hindi kaugnay ng kanyang pagkakilala sa kanyang sarili at sa Diyos. Ang kanyang gawain ay para lamang sa kapakanan ng pagtakas sa pagkastigo at paghatol. Ang hinanap ni Pedro ay busilak na pag-ibig, at ang hinanap naman ni Pablo ay ang korona ng pagkamatuwid. Naranasan ni Pedro ang maraming taon ng gawa ng Banal na Espiritu, at nagkaroon ng isang praktikal na pagkakakilala kay Cristo, gayundin ang isang malalim na pagkakakilala sa kanyang sarili. At kaya naman, ang kanyang pag-ibig sa Diyos ay busilak. Ang maraming taon ng pagpipino ay nagpayaman sa kanyang pagkakakilala kay Jesus at sa buhay, at ang kanyang pag-ibig ay isang pag-ibig na walang kundisyon, ito ay isang pag-ibig na kusang-loob, at wala siyang hiniling na kahit ano bilang kapalit, ni hindi siya umasa sa kahit anong mga benepisyo. Gumawa si Pablo sa loob ng maraming taon, nguni’t hindi siya nagkaroon ng matinding pagkakilala kay Cristo, at ang kanyang pagkakilala sa kanyang sarili ay kahabag-habag sa kaliitan. Wala siyang pagmamahal para kay Cristo, at ang kanyang gawain at ang daang kanyang tinahak ay upang magkamit ng huling putong. Ang kanyang hinanap ay ang pinakamagandang korona, hindi ang pinakabusilak na pag-ibig. Hindi siya aktibong naghanap, kundi ginawa niya ang gayon nang walang-kibo; hindi niya ginagampanan ang kanyang tungkulin, kundi napilitan sa kanyang paghahabol matapos na mahuli ng gawa ng Banal na Espiritu. At kaya naman, ang kanyang paghahabol ay hindi nagpapatunay na siya ay karapat-dapat na nilalang ng Diyos; si Pedro ang siyang karapat-dapat na nilalang ng Diyos na gumanap ng kanyang tungkulin. Iniisip ng tao na lahat niyaong gumagawa ng ambag sa Diyos ay marapat na tumanggap ng gantimpala, at kung mas malaki ang ambag, mas higit ding inaasahan na sila ay dapat na makatanggap ng paglingap ng Diyos. Sa kakanyahan, nakikita ng tao ang mga ambag na iyon bilang isang transaksyon, at hindi aktibong naghahanap na gampanan ang kanyang tungkulin bilang nilalang ng Diyos. Para sa Diyos, kung mas naghahanap ang mga tao ng tunay na pag-ibig sa Diyos at buong pagsunod sa Diyos, na nangangahulugan ding paghahanap na gampanan ang kanilang tungkulin bilang nilalang ng Diyos, mas higit na kaya nilang makamit ang pagsang-ayon ng Diyos. Ang pananaw ng Diyos ay upang hingin na mabawi ng tao ang kanyang orihinal na tungkulin at katayuan. Ang tao ay isang nilalang ng Diyos, at kaya hindi dapat lampasan ng tao ang kanyang sarili sa pamamagitan ng paghingi ng kahit ano mula sa Diyos, at dapat na walang ibang gawin maliban sa pagganap ng kanyang tungkulin bilang isang nilalang ng Diyos. Ang mga hantungan nina Pablo at Pedro ay nasukat ayon sa kung kaya nilang gampanan ang kanilang tungkulin bilang mga nilalang ng Diyos, at hindi ayon sa laki ng kanilang ambag; ang kanilang mga hantungan ay nalaman ayon doon sa kanilang hinanap mula sa pasimula, hindi ayon sa kung gaano kalaki ang gawaing kanilang ginawa, o sa pagtantya ng ibang tao sa mga iyon. Kaya’t, ang paghahanap na aktibong magampanan ang tungkulin ng isa bilang isang nilalang ng Diyos ay ang landas patungo sa tagumpay; ang paghahanap sa landas ng tunay na pag-ibig sa Diyos ay ang pinakatamang landas; ang paghahanap ng pagbabago sa dating disposisyon ng isa, at ang isang busilak na pag-ibig sa Diyos, ay ang landas tungo sa tagumpay. Ang gayong landas tungo sa tagumpay ay ang landas ng pagbabawi ng orihinal na tungkulin gayon na rin ang orihinal na anyo ng isang nilalang ng Diyos. Ito ay ang landas ng pagbabawi, at ito rin ang layunin ng lahat ng gawain ng Diyos mula simula hanggang katapusan. Kung ang paghahabol ng tao ay nabahiran ng personal na maluhong mga hinihingi at hindi makatwirang mga pag-asam, kung gayon ang epekto na natatamo ay hindi magiging ang pagbabago sa disposiyon ng tao. Ito ay salungat sa gawain ng pagbabawi. Walang duda na ito ay hindi gawaing ginawa ng Banal na Espiritu, at pinatutunayan lamang na ang ganitong klase ng paghahabol ay hindi sinang-ayunan ng Diyos. Anong halaga mayroon ang isang paghahabol na hindi sinang-ayunan ng Diyos?

Ang gawaing ginawa ni Pablo ay ipinakita sa tao, nguni’t kung gaano kabusilak ang kanyang pag-ibig para sa Diyos, kung gaano kalaki ang kanyang pag-ibig para sa Diyos sa kaibuturan ng kanyang puso—ang mga ito ay hindi kayang makita ng tao. Namamasdan lamang ng tao ang gawaing kanyang ginawa, kung saan alam ng tao na siya ay tiyak na kinasangkapan ng Banal na Espiritu, kaya’t iniisip ng tao na si Pablo ay mas magaling kaysa kay Pedro, na ang kanyang gawain ay mas dakila, dahil kinaya niyang magbigay sa mga iglesia. Ang tiningnan lamang ni Pedro ay ang kanyang mga personal na karanasan, at nakatamo lamang ng kaunting tao sa paminsan-minsan niyang gawain. Mula sa kanya ay mayroong mga kaunting di-gaanong-kilalang mga liham, nguni’t sino ang nakakaalam kung gaano kadakila ang kanyang pag-ibig sa Diyos sa kaibuturan ng kanyang puso? Mula umaga hanggang gabi, gumawa si Pablo para sa Diyos: Hangga’t mayroong gawain na dapat gawin, ginawa niya ito. Naramdaman niya na sa ganitong paraan ay makakayanan niyang makamit ang korona, at makakayanang mapasaya ang Diyos, nguni’t hindi niya hinanap ang mga paraan upang baguhin ang kanyang sarili sa pamamagitan ng kanyang mga gawa. Ang kahit anong bagay sa buhay ni Pedro na hindi nagbibigay-kasiyahan sa kalooban ng Diyos ay bumabagabag sa kanya. Kung hindi nito natugunan ang kagustuhan ng Diyos, kung gayon makakaramdam siya ng taos na pagsisisi, at maghahanap ng isang angkop na paraan kung paano niya mapagsusumikapan na mapasaya ang puso ng Diyos. Sa kahit na pinakamaliit at pinaka-walang-kabuluhang aspeto ng kanyang buhay, kinailangan niya pa rin sa kanyang sarili na katagpuin ang ninanasa ng Diyos. Ganoon din siya katindi pagdating sa kanyang dating disposisyon, laging mahigpit sa kanyang mga kinakailangan sa kanyang sarili upang umusad nang mas malalim pa sa katotohanan. Hinangad lamang ni Pablo ang mababaw na reputasyon at estado. Hinangad niyang ipagyabang ang kanyang sarili sa harap ng tao, at hindi naghanap na sumulong nang mas malalim sa kanyang pagpasok sa buhay. Ang kanyang pinahalagahan ay ang doktrina, hindi ang pagkatotoo. Ani ng ibang tao, gumawa ng napakaraming gawain si Pablo para sa Diyos, bakit hindi siya ginunita ng Diyos? Gumawa lamang si Pedro ng kakaunting gawain para sa Diyos, at hindi nagbigay ng malaking ambag sa mga iglesia, pero bakit siya ginawang perpekto? Minahal ni Pedro ang Diyos hanggang sa isang tiyak na punto, na siyang kinakailangan ng Diyos; ang mga ganoong klase lamang ng tao ang mayroong testimonya. At ano naman ang kay Pablo? Hanggang saang antas minahal ni Pablo ang Diyos, alam mo ba? Para sa kapakanan ng ano ang gawa ni Pablo? At para sa kapakanan ng ano ang gawa ni Pedro? Hindi masyadong gumawa ng gawain si Pedro, pero alam mo ba kung ano ang nasa kaibuturan ng kanyang puso? Ang gawain ni Pablo ay may kaugnayan sa pagtutustos sa mga iglesia, at sa pagtulong ng mga iglesia. Ang naranasan ni Pedro ay mga pagbabago sa kanyang disposisyon sa buhay; naranasan niya ang pagmamahal ng Diyos. Ngayong alam mo na ang mga pagkakaiba sa kanilang mga katangian, nakikita mo kung sino, sa kahuli-hulihan, ang totoong naniwala sa Diyos, at sino ang hindi tunay na naniwala sa Diyos. Ang isa sa kanila ay totoong nagmahal sa Diyos, at ang isa ay hindi tunay na nagmahal sa Diyos; ang isa ay sumailalim sa mga pagbabago sa kanyang disposisyon, at ang isa ay hindi; ang isa ay sinamba ng mga tao, at naging dakila sa paningin ng mga tao, at ang isa naman ay mapagpakumbabang naglingkod, at hindi madaling napansin ng mga tao; ang isa ay naghanap ng kabanalan, at ang isa ay hindi, at kahit na hindi siya marumi, hindi siya nag-angkin ng isang busilak na pagmamahal; ang isa ay nag-angkin ng totoong pagkatao, at ang isa ay hindi; ang isa ay nag-angkin ng katinuan ng isang nilalang ng Diyos, at ang isa ay hindi. Ang mga iyon ay ang mga pagkakaiba sa mga substansya nina Pablo at Pedro. Ang landas na tinahak ni Pedro ay ang landas ng tagumpay, na siya ring landas ng pagkakamit ng pagbabawi sa normal na pagkatao at tungkulin ng isang nilalang ng Diyos. Kinakatawan ni Pedro ang lahat niyaong mga matagumpay. Ang landas na tinahak ni Pablo ay ang landas ng kabiguan, at kinakatawan niya ang lahat niyaong nagpapasakop lamang at ginugugol ang kanilang sarili nang paimbabaw, at hindi tunay na nagmamahal sa Diyos. Kinakatawan ni Pablo ang lahat niyaong hindi nag-aangkin ng katotohanan. Sa kanyang pananampalataya sa Diyos, hinanap ni Pedro na mapasaya ang Diyos sa lahat ng bagay, at hinanap na sundin ang lahat ng nagmula sa Diyos. Nang wala ni katiting na reklamo, kinaya niyang tanggapin ang pagkastigo at paghatol, pati na rin ang pagpipino, kapighatian at kakulangan sa kanyang buhay, kung saan wala sa mga nabanggit ang makapagbabago ng kanyang pag-ibig sa Diyos. Hindi ba ito ang sukdulang pag-ibig sa Diyos? Hindi ba ito ang katuparan ng tungkulin ng isang nilalang ng Diyos? Ang pagkastigo, paghatol, at kapighatian—may kakayanan kang makamit ang pagsunod hanggang kamatayan, at ito ay ang dapat na makamit ng isang nilalang ng Diyos, ito ang pagiging-busilak ng pagmamahal ng Diyos. Kung kaya ng tao na magkamit ng ganito kahigit, kung gayon siya ay isang angkop na nilalang ng Diyos, at walang mas makapagpapasaya sa kalooban ng Lumikha. Ipagpalagay mo na kaya mong gumawa para sa Diyos, nguni’t hindi ka sumusunod sa Diyos, at hindi ninyo kayang tunay na magmahal sa Diyos. Sa ganitong paraan, hindi mo lamang hindi natupad ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos, kung hindi maisusumpa pa ng Diyos, dahil ikaw ay isang taong hindi nagtataglay ng katotohanan, na hindi kayang sumunod sa Diyos, at isang suwail sa Diyos. Pinahahalagahan mo lamang ang paggawa para sa Diyos, at hindi pinahahalagahan ang pagsasagawa ng katotohanan, o pagkilala sa iyong sarili. Hindi mo naiintindihan o nakikilala ang Lumikha, at hindi sumusunod o nagmamahal sa Lumikha. Ikaw ay taong likas na suwail sa Diyos, at kaya ang mga taong ganoon ay hindi mahal ng Lumikha.

Ani ng ibang tao, “Gumawa si Pablo ng napakaraming gawain, at bumalikat siya ng mabibigat na pasanin para sa mga iglesia at nag-ambag nang malaki sa mga iyon. Pinagtibay ng labintatlong kasulatan ni Pablo ang 2,000 taon ng Kapanahunan ng Biyaya, at ang mga ito ay pangalawa lamang sa Apat na Ebanghelyo. Sino ang maihahambing sa kanya? Walang sinuman ang makakaintindi ng Pagbubunyag ni Juan, datapwa’t ang mga sulat ni Pablo ay nagbibigay-buhay, at ang gawaing kanyang ginawa ay kapaki-pakinabang sa mga iglesia. Sino pa ang maaring makagawa ng mga ganoong bagay? At ano ang gawaing ginawa ni Pedro?” Kapag sinusukat ng tao ang kanyang kapwa, ito ay ayon sa kanilang naging ambag. Kapag sinusukat ng Diyos ang tao, ito ay ayon sa kanyang kalikasan. Sa gitna niyaong mga naghahanap ng buhay, si Pablo ay isang tao na hindi alam ang kanyang sariling kakanyahan. Siya ay, sa kahit anong paraan, hindi mapagpakumbaba o masunurin, ni nalalaman niya ang kanyang substansya, na kasalungat sa Diyos. Kaya naman, siya ay isang taong hindi sumailalim sa mga detalyadong karanasan, at isang taong hindi nagsagawa ng katotohanan. Kaiba si Pedro. Alam niya ang kanyang mga kakulangan, mga kahinaan, at ang kanyang tiwaling disposisyon bilang isang nilalang ng Diyos, kaya’t nagkaroon siya ng landas ng pagsasagawa kung saan sa pamamagitan nito ay mababago ang kanyang disposisyon; hindi siya isa roon sa mga mayroon lamang ng doktrina nguni’t hindi nagtaglay ng katotohanan. Yaong mga nagbago ay mga bagong tao na nailigtas na, sila yaong mga may kakayahan sa paghahabol sa katotohanan. Ang mga tao na hindi nagbabago ay kabilang sa mga likas na nilipasan na; sila ay ang mga hindi nailigtas, iyon ay, yaong mga kinamuhian at itinakwil ng Diyos. Sila ay hindi gugunitain ng Diyos kahit gaano pa kadakila ang kanilang gawa. Kapag iyo itong ikinumpara sa iyong sariling paghahabol, kung ikaw sa kahuli-hulihan ay kapareho ng uri ng pagkatao ni Pedro o ni Pablo ay dapat na kitang-kita. Kung wala pa ring katotohanan sa bagay na iyong hinahanap, at kung kahit ngayon mayabang ka pa rin at walang-galang gaya ni Pablo, at bihasa pa ring magmalaki na gaya niya, kung gayon walang duda na ikaw ay isang hamak na nabibigo. Kung naghahanap ka ng kaparehas ng kay Pedro, kung naghahanap ka ng mga pagsasagawa at mga totoong pagbabago, at hindi mayabang o matigas ang ulo, nguni’t naghahanap na gampanan ang iyong tungkulin, kung gayon ikaw ay magiging nilalang ng Diyos na kayang magkamit ng tagumpay. Hindi alam ni Pablo ang kanyang sariling substansya o katiwalian, lalong hindi niya alam ang kanyang sariling pagka-suwail. Hindi niya kailanman nabanggit ang kanyang kasuklam-suklam na paglaban kay Cristo, ni labis siyang nagsisi. Nag-alay lamang siya ng maiksing paliwanag, at, sa kaibuturan ng kanyang puso, hindi siya buong nagpasakop sa Diyos. Kahit na nahulog siya sa daan tungong Damasko, hindi siya tumingin sa kaibuturan ng kanyang sarili. Siya ay kuntento na lamang na manatiling gumagawa, at hindi ipinalagay ang pagkakilala sa kanyang sarili at pagbabago ng kanyang dating disposisyon na pinakamahalaga sa lahat ng mga usapin. Siya ay nasiyahan na lamang sa pagsasalita ng katotohanan, sa pagbibigay sa iba bilang isang pampalubag para sa kanyang sariling konsensya, at sa hindi na pang-uusig sa mga disipulo ni Jesus upang aliwin ang kanyang sarili at patawarin ang kanyang sarili para sa kanyang mga kasalanan noon. Ang layon na kanyang hinabol ay walang iba kung hindi isang korona sa hinaharap at panandaliang gawain, ang layon na kanyang hinabol ay masaganang biyaya. Hindi niya hinanap ang sapat na katotohanan, ni hindi siya naghanap upang umunlad nang mas malalim sa katotohanan na hindi niya naunawaan noon. At kaya ang kanyang pagkakakilala sa kanyang sarili ay masasabing mali, at hindi niya tinanggap ang pagkastigo o paghatol. Na kinaya niyang gumawa ay hindi nangangahulugang nag-angkin siya ng pagkakakilala sa kanyang sariling kalikasan o substansya; ang kanyang tuon ay sa panlabas na pagsasagawa lamang. Ang kanyang pinagsumikapan, higit pa rito, ay hindi ang pagbabago, kundi ang kaalaman. Ang kanyang gawain ay ang kabuuang resulta ng pagpapakita ni Jesus sa daan tungo sa Damasko. Ito ay hindi isang bagay na kanyang orihinal na pinagpasyahang gawin, ni hindi ito ang gawain na naganap matapos niyang tanggapin ang pagpupungos ng kanyang dating disposisyon. Kung paano man siya gumawa, ang kanyang dating disposisyon ay hindi nagbago, kaya’t ang kanyang gawain ay hindi naging pantakip para sa kanyang mga dating kasalanan kundi gumanap lamang ng isang tiyak na papel sa gitna ng mga simbahan noong panahong iyon. Para sa isang taong gaya nito, na ang dating disposisyon ay hindi nagbago—na ang ibig sabihin, siyang hindi nagkamit ng kaligtasan, at higit pa ay walang taglay na katotohanan—siya ay lubos na walang kakayahang maging isa sa mga tinanggap ng Panginoong Jesus. Hindi siya isang taong puno ng pagmamahal at paggalang para kay JesuCristo, ni hindi rin siya isang bihasa sa paghahanap ng katotohanan, lalong hindi siya isa na naghanap sa misteryo ng pagkakatawang-tao. Siya ay isa lamang tao na sanáy sa panlilinlang, at isa na hindi susuko sa kahit ano na higit sa kanya o nagtaglay ng katotohanan. Kinainggitan niya ang mga tao o ang mga katotohanan na taliwas sa kanya, o laban sa kanya, at higit na gusto yaong mga biniyayaang mga tao na kilala at nagtataglay ng malalim na kaalaman. Hindi niya gustong makipagkapwa sa mga mahihirap na taong naghahanap ng tunay na daan at walang ibang pinahalagahan kung hindi ang katotohanan, at sa halip ay pinag-abalahan lamang niya ang mga nakatatandang mga tao mula sa mga relihiyosong samahan na nagsasalita lamang tungkol sa mga doktrina, at nagtataglay ng masaganang kaalaman. Wala siyang pagmamahal sa bagong gawain ng Banal na Espiritu, at hindi pinahalagahan ang pagkilos ng bagong gawain ng Banal na Espiritu. Sa halip, kanyang pinaburan yaong mga regulasyon at mga doktrina na mas higit kaysa pangkalahatang mga katotohanan. Sa kanyang likas na kakanyahan at sa kabuuan ng kanyang hinanap, hindi siya karapat-dapat na matawag na isang Kristiyano na naghahabol sa katotohanan, lalong hindi isang tapat na lingkod sa bahay ng Diyos, dahil ang kanyang pagbabalatkayo ay labis-labis, at ang kanyang pagkasuwail ay napakatindi. Kahit na siya ay kilala bilang isang lingkod ng Panginoong Jesus, hindi siya kahit kailan karapat-dapat na pumasok sa tarangkahan ng kaharian ng langit, dahil ang kanyang mga kilos mula sa simula hanggang katapusan ay hindi maaaring matawag na matuwid. Maaari lamang siyang makita bilang isang mapagpaimbabaw, at gumagawa ng di-pagkamatuwid, datapwa’t gumagawa rin para ay Cristo. Kahit na hindi siya matatawag na masama, maaaring angkop sa kanyang matawag na isang tao na gumagawa ng di-pagkamatuwid. Gumawa siya ng maraming gawain, nguni’t hindi siya dapat na hatulan sa dami ng gawain na kanyang ginawa, kundi sa kalidad nito at nilalaman lamang. Sa paraang ito lamang posibleng malaman ang pinakaugat ng bagay na ito. Parati siyang naniniwala: Kaya kong gumawa, ako ay mas magaling kaysa karamihan sa mga tao; ako ay may pagsasaalang-alang sa pasanin ng Panginoon nang higit kaninuman, at walang sinuman ang nagsisisi nang lubos kagaya ko, sapagka’t ang dakilang liwanag ay sumikat sa akin, at nakita ko ang dakilang liwanag, kaya’t ang aking pagsisisi ay mas malalim kaysa kaninuman. Sa panahong iyon, ito ay ang kanyang inisip sa kaibuturan ng kanyang puso. Sa katapusan ng kanyang gawain, sinabi ni Pablo: “Inilaban ko ang laban, natapos ko ang aking lakbayin, at mayroong nakalaan para sa akin na korona ng pagkamatuwid.” Ang kanyang laban, gawain, at lakbayin ay buong para lamang sa kapakanan ng korona ng pagkamatuwid, at hindi siya aktibong sumulong; kahit na hindi siya napipilitan lamang sa kanyang gawain, masasabi na ang kanyang gawain ay para lamang punuan ang kanyang mga pagkakamali, upang punuan ang mga panunumbat ng kanyang konsensya. Umasa lamang siyang tapusin ang kanyang gawain, tapusin ang kanyang lakbayin, at ilaban ang kanyang laban sa lalong madaling panahon, upang makaya niyang makamit ang kanyang inaasam na korona ng pagkamatuwid nang mas maaga. Ang kanyang inasam ay hindi upang makilala ang Panginoong Jesus sa kanyang mga karanasan at tunay na kaalaman, kundi upang tapusin ang kanyang gawain sa lalong madaling panahon, upang kanyang matanggap ang mga gantimpala na nakamit ng kanyang gawain para sa kanya nang makilala niya ang Panginoong Jesus. Ginamit niya ang kanyang gawain upang aliwin ang kanyang sarili, at upang gumawa ng isang kasunduan kapalit ng isang korona sa hinaharap. Ang kanyang hinanap ay hindi ang katotohanan o ang Diyos, kundi ang korona lamang. Paano bang makaaabot sa pamantayan ang nasabing gawain? Ang kanyang pangganyak, ang kanyang gawain, ang halagang kanyang binayaran, at ang lahat ng kanyang mga pagsisikap—lumaganap sa lahat ng mga iyon ang kanyang kahanga-hangang mga pantasya, at siya ay gumawa nang buo ayon sa kanyang sariling mga kagustuhan. Sa kabuuan ng kanyang gawain, walang kahit katiting na pagkukusa sa halagang kanyang binayaran; siya ay pumapasok lamang sa isang kasunduan. Ang kanyang mga pagsisikap ay hindi ginawa nang kusa upang ganapin ang kanyang tungkulin, kundi ginawa nang kusa upang makamit ang layon ng kasunduan. Mayroon bang anumang saysay sa nasabing mga pagsisikap? Sino ang pupuri sa kanyang hindi-dalisay na mga pagsisikap? Sino ang may interes sa nasabing mga pagsisikap? Ang kanyang gawain ay puno ng mga pangarap para sa hinaharap, puno ng mga kahanga-hangang plano, at hindi naglalaman ng landas para baguhin ang disposisyon ng tao. Napakalaki sa kanyang kabaitan ay pagpapanggap; ang kanyang gawain ay hindi nagkaloob ng buhay, kundi isang paimbabaw na pagiging-magalang; ito ay ang kagagawan ng isang kasunduan. Paano maaakay ng isang gawaing gaya nito ang tao tungo sa landas ng pagpapanumbalik ng kanyang orihinal na tungkulin?

Ang lahat ng hinanap ni Pedro ay ayon sa kalooban ng Diyos. Hinanap niyang maisakatuparan ang nais ng Diyos, at hindi alintana ang paghihirap at kasawian, maluwag pa rin sa loob niyang tuparin ang nais ng Diyos. Wala nang hihigit pang paghahabol ng isang mananampalataya ng Diyos. Ang hinanap ni Pablo ay nabahiran ng kanyang sariling laman, ng kanyang sariling mga pagkaintindi, at ng kanyang sariling mga plano at pakánâ. Hindi siya sa kahit anong paraan isang karapat-dapat na nilalang ng Diyos, hindi isang tao na naghanap upang tuparin ang nais ng Diyos. Hinanap ni Pedro na magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos, at kahit na ang gawaing kanyang ginawa ay hindi malaki, ang pangganyak sa likod ng kanyang paghahabol at ang landas na kanyang tinahak ay tama; kahit hindi siya nakatamo ng maraming tao, nahanap niya ang landas ng katotohanan. Dahil dito maaaring sabihin na siya ay isang karapat-dapat na nilalang ng Diyos. Sa ngayon, kahit na hindi ka isang manggagawa, dapat mong makayang gampanan ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos, at hanapin na magpasakop sa lahat ng mga pagsasaayos ng Diyos. Dapat ay makaya mong sundin ang anumang sinasabi ng Diyos, at maranasan ang lahat ng anyo ng mga kapighatian at pagpipino, at kahit na ikaw ay mahina, sa iyong puso ay dapat mo pa ring makayang mahalin ang Diyos. Sila na nanánagót para sa kanilang sariling buhay ay malugod na ginagampanan ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos, at ang pananaw ng ganoong mga tao tungo sa paghahabol ay siyang tama. Ang mga ito ang mga taong kailangan ng Diyos. Kung ikaw ay gumawa ng maraming gawain, at nakamit ng iba ang iyong mga itinuro, nguni’t ikaw mismo ay hindi nagbago, at hindi nagtaglay ng kahit anong patotoo, o nagkaroon ng anumang totoong karanasan, anupa’t sa katapusan ng iyong buhay, wala pa rin sa iyong mga nagawa ang nagtataglay ng patotoo, kung gayon ikaw ba ay isang tao na nagbago na? Ikaw ba ay isang taong naghahabol ng katotohanan? Sa pahanong iyon, kinasangkapan ka ng Banal na Espiritu, nguni’t nang kinasangkapan ka Niya, ginamit Niya ang iyong bahagi na kayang gumawa, at hindi Niya ginamit ang iyong bahagi na hindi kayang gumawa. Kung iyong hinanap na magbago, kung gayon unti-unti kang magagawang perpekto habang nasa proseso ng paggamit sa iyo. Datapwa’t ang Banal na Espiritu ay hindi tumatanggap ng responsibilidad para sa kung makakamit ka o hindi sa kahuli-hulihan, at ito ay depende sa pamamaraan ng iyong paghahabol. Kung walang mga pagbabago sa iyong personal na disposisyon, kung gayon ito ay dahil ang iyong pananaw tungo sa paghahabol ay mali. Kung ikaw ay hindi pinagkalooban ng gantimpala, kung gayon ito ay iyong sariling suliranin, at dahil ikaw mismo ay hindi nagsagawa ng katotohanan, at hindi kinayang tuparin ang nais ng Diyos. At kaya, walang mas mahalaga pa kaysa iyong mga personal na karanasan, at walang mas mahalaga kaysa iyong personal na pagpasok! Sasabihin ng ilang tao, “Nakagawa na ako ng napakaraming gawa para sa Iyo, at kahit na maaaring walang tanyag na mga nagawa, naging masigasig pa rin ako sa aking mga pagsisikap. Hindi Mo ba ako maaaring basta papasukin sa langit upang kainin ang bunga ng buhay?” Dapat mong malaman kung anong uri ng mga tao ang Aking nais; yaong mga hindi dalisay ay hindi pinapayagang makapasok tungo sa kaharian, yaong mga hindi dalisay ay hindi pinahihintulutang dungisan ang banal na lupain. Kahit na marami ka pang nagawa, at nakágáwâ sa loob ng maraming mga taon, sa katapusan kung ikaw pa rin ay kalunos-lunos na marumi—hindi katanggap-tanggap sa batas ng Langit na nais mong pumasok sa Aking kaharian! Mula sa pundasyon ng mundo hanggang ngayon, hindi kailanman Ako nag-alok ng madaling daan sa Aking kaharian para sa mga nanunuyo ng pabor sa Akin. Ito ay isang panlangit na alituntunin, at walang sinuman ang makababali nito! Dapat mong hanapin ang buhay. Ngayon, yaong mga gagawing perpekto ay katulad ng uri ni Pedro: Sila ay yaong mga naghahanap ng mga pagbabago sa kanilang sariling disposisyon, at handang magpasan ng patotoo sa Diyos at gampanan ang kanilang tungkulin bilang nilalang ng Diyos. Ang mga tao lamang na gaya nito ang magagawang perpekto. Kung ikaw ay tumitingin lamang sa mga gantimpala, at hindi hinahanap na baguhin ang iyong sariling disposisyon sa buhay, kung gayon lahat ng iyong mga pagsisikap ay magiging walang saysay—at ito ay isang katotohanang hindi na mababago!

Mula sa pagkakaiba sa mga substansya nina Pedro at Pablo dapat mong maunawaan na ang lahat niyaong hindi naghahabol ng buhay ay gumagawa nang walang saysay! Nananampalataya ka sa Diyos at sumusunod sa Kanya, at kaya sa iyong puso ay dapat mong mahalin ang Diyos. Dapat mong isantabi ang iyong tiwaling disposisyon, dapat hanaping tuparin ang nais ng Diyos, at dapat na gampanan ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos. Dahil ikaw ay nananampalataya at sumusunod sa Diyos, dapat mong ialay ang lahat sa Kanya, at hindi dapat na gumawa ng mga personal na pagpili o paghingi, at dapat mong makamit ang pagsasakatuparan ng nais ng Diyos. Dahil ikaw ay nilikha, dapat mong sundin ang Panginoon na lumikha sa iyo, sapagka’t ikaw ay likas na walang dominyon sa iyong sarili, at walang kakayahan na kontrolin ang iyong tadhana. Dahil ikaw ay isang tao na nananampalataya sa Diyos, dapat mong hanapin ang kabanalan at pagbabago. Yamang ikaw ay isang nilalang ng Diyos, dapat kang manangan sa iyong tungkulin, at panatilihin ang iyong kinalalagyan, at hindi dapat lumampas sa iyong tungkulin. Ito ay hindi upang pilitin ka, o supilin ka sa pamamagitan ng doktrina, kundi ang landas kung saan sa pamamagitan nito ay magagampanan mo ang iyong tungkulin, at maaaring makamit—at dapat na makamit—ng lahat niyaong gumagawa ng pagkamatuwid. Kung iyong pagkukumparahin ang mga substansya nina Pedro at Pablo, kung gayon malalaman mo kung paano kayo dapat maghanap. Sa mga landas na tinahak nina Pedro at Pablo, ang isa ay ang landas ng pagiging ginagawang perpekto, at ang isa ay ang landas ng pag-aalis; sina Pedro at Pablo ay kumakatawan sa dalawang magkaibang landas. Kahit ang bawa’t isa ay tumanggap ng gawa ng Banal na Espiritu, at ang bawa’t isa ay nakatamo ng kaliwanagan at pag-iilaw ng Banal na Espiritu, at bawa’t isa ay tumanggap doon sa ipinagkatiwala sa kanila ng Panginoong Jesus, ang naging bunga sa bawa’t isa ay hindi magkatulad: Ang isa ay tunay na nagtaglay ng bunga, at ang isa ay hindi. Mula sa kanilang mga substansya, sa gawain na kanilang ginawa, na siyang panlabas na naihayag nila, at sa kanilang mga naging katapusan, dapat mong maunawaan kung aling landas ang dapat mong tahakin, aling landas ang dapat mong piliin upang lakaran. Lumakad sila sa dalawang malinaw na magkaibang mga landas. Sina Pablo at Pedro, sila ay mga perpektong-pagsasakatawan ng bawa’t landas, kaya’t mula pa sa kasimu-simulaan sila ay itinalaga upang maging sagisag ng dalawang landas na ito. Ano ang mga susing punto ng mga karanasan ni Pablo, at bakit hindi siya nagtagumpay? Ano ang mga susing punto ng mga karanasan ni Pedro, at paano niya naranasan ang pagiging ginagawang perpekto? Kung iyong pagkukumparahin kung ano ang kanilang mga pinahahalagahan, kung gayon malalaman mo kung ano ang eksaktong uri ng tao ang kinakailangan ng Diyos, kung ano ang kalooban ng Diyos, ano ang disposisyon ng Diyos, anong uri ng tao ang gagawing perpekto sa kahuli-hulihan, at ganoon din, kung ano ang uri ng tao na hindi gagawing perpekto, kung ano ang disposisyon niyaong mga gagawing perpekto, at kung ano ang disposisyon niyaong mga hindi gagawing perpekto—ang mga paksang ito ng substansya ay maaaring makita sa mga karanasan nina Pedro at Pablo. Nilikha ng Diyos ang lahat ng mga bagay, kaya’t isinasailalim Niya ang lahat ng paglikha sa Kanyang dominyon, at magpasakop sa Kanyang dominyon; Siya ang mag-uutos sa lahat ng bagay, upang ang lahat ng bagay ay nasa Kanyang mga kamay. Ang lahat ng nilikha ng Diyos, kasama ang mga hayop, halaman, sangkatauhan, mga bundok at mga ilog, at ang mga lawa—lahat ay dapat sumailalim sa Kanyang dominyon. Ang lahat ng bagay sa mga papawirin at sa lupa ay dapat sumailalim sa Kanyang dominyon. Hindi sila maaaring magkaroon ng kahit anong pagpili, at lahat ay dapat magpasakop sa Kanyang mga pagsasaayos. Ito ay iniutos ng Diyos, at ito ang awtoridad ng Diyos. Inuutusan ng Diyos ang lahat, at inaayos at inihahanay ang lahat ng bagay, na ang bawa’t isa ay ibinukod ayon sa uri, at pinaglaanan ng kanilang sariling posisyon, ayon sa kagustuhan ng Diyos. Kahit gaano pa ito kalaki, walang kahit anong bagay ang makakahigit sa Diyos, at lahat ng bagay ay nagsisilbi sa sangkatauhan na nilikha ng Diyos, at walang bagay ang nangangahas na hindi sumunod sa Diyos o humingi ng kahit ano sa Diyos. At kaya ang tao, bilang isang nilalang ng Diyos, ay dapat ding gumanap ng tungkulin ng tao. Hindi alintana kung siya ay panginoon o pinuno ng lahat ng bagay, gaano man kataas ang estado ng tao sa gitna ng lahat ng mga bagay, siya pa rin ay isang maliit na tao sa ilalim ng pagkasakop ng Diyos, at hindi higit kaysa isang karaniwang tao, isang nilalang ng Diyos, at siya ay hindi kailanman magiging higit sa Diyos. Bilang isang nilalang ng Diyos, dapat hanapin ng tao na gampanan ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos, at hanapin na mahalin ang Diyos nang walang ibang mga pinipili, dahil ang Diyos ay karapat-dapat sa pag-ibig ng tao. Yaong mga naghahanap na magmahal sa Diyos ay hindi dapat maghanap ng kahit anong personal na mga pakinabang o niyaong kanilang personal na inaasam; ito ay ang pinakatamang paraan ng paghahabol. Kung ang iyong hinahanap ay ang katotohanan, ang iyong isinasagawa ay ang katotohanan, at kung ang iyong natatamo ay pagbabago sa iyong disposisyon, kung gayon ang landas na iyong tinatahak ay ang tamang landas. Kung ang iyong hinahanap ay ang mga biyaya ng laman, at ang isinasagawa mo ay ang katotohanan ng iyong sariling mga pagkaintindi, at kung walang pagbabago sa iyong disposisyon, at ikaw ay hindi kahit kailan masunurin sa Diyos na nasa katawang-tao, at nabubuhay ka pa rin sa kalabuan, kung gayon ang iyong hinahanap ay siguradong magdadala sa iyo sa impiyerno, dahil ang landas na iyong tinatahak ay ang landas ng kabiguan. Kung kayo man ay gagawing perpekto o aalisin ay depende sa iyong sariling paghahabol, na ang ibig ding sabihin ay ang tagumpay o pagkabigo ay depende sa landas na tinatahak ng tao.

Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...