Kidlat ng Silanganan | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Landas... (8)
Kapag ang Diyos ay dumarating sa lupa upang makihalo sa
sangkatauhan, mamuhay kasama nila, ito ay hindi lamang sa loob ng isa o
dalawang araw. Marahil sa buong panahong ito ay nakilala na
humigit-kumulang ng mga tao ang Diyos, at marahil ay nakatamo sila ng
mahahalagang mga kabatiran hinggil sa paglilingkod sa Diyos, at sanay
na sanay na sa kanilang paniniwala sa Diyos. Anuman ang kalagayan,
nauunawaan ng mga tao ang disposisyon ng Diyos, at ang mga pagpapahayag
ng lahat ng uri ng pantaong mga disposisyon ay totoong iba-iba. Sa
tingin Ko rito, ang sari-saring pagpapahayag ng mga tao ay sapat para
magamit ng Diyos bilang mga halimbawa, at ang kanilang mga gawaing
pang-isipan ay sapat para sa Kanya upang sanggunian. Marahil ito ay
isang aspeto kung saan ang sangkatauhan ay nakikipagtulungan sa Diyos,
ito ay di-nalalamang pakikipagtulungan ng sangkatauhan sa Diyos, kaya’t
ang pagganap na ito na idinirekta ng Diyos ay makulay at parang buhay,
napakalinaw. Sinasabi Ko ang mga bagay na ito sa Aking mga kapatirang
lalaki at babae bilang ang pangkalahatang direktor ng palabas na
ito—maaaring magsalita ang bawa’t isa sa atin sa ating mga iniisip at
nararamdaman pagkatapos isagawa ito, at pag-usapan ang tungkol sa kung
paano dinaranas ng bawa’t isa sa atin ang ating mga buhay sa loob ng
palabas na ito. Maaari din tayong magkaroon ng isang lubos na bagong uri
ng talakayan upang buksan ang ating mga puso at magsalita tungkol sa
ating sining ng pagganap, tingnan kung paano ginagabayan ng Diyos ang
bawa’t indibidwal upang sa susunod na pagganap kaya nating ihayag ang
isang mas mataas na antas ng ating sining at bawa’t isa ay gagampanan
ang ating sariling papel sa pinakamagaling nating kakayahan, hindi
binibigo ang Diyos. Ako ay umaasa na ang Aking mga kapatirang lalaki at
babae ay makakayang seryosohin ito—walang hindi makakapansin dito dahil
ang pagganap nang mabuti sa isang papel ay hindi isang bagay na
makakamit sa loob ng isa o dalawang araw. Kinakailangan nito na
maranasan natin ang buhay at lumalim sa ating mga tunay na buhay sa mas
matagal na panahon, at magkaroon ng praktikal na karanasan sa
sari-saring uri ng mga pamumuhay. Doon lamang tayo maaaring umakyat sa
tanghalan. Ako ay puno ng pag-asa para sa Aking mga kapatirang lalaki at
babae, at Ako ay naniniwala na kayo ay hindi pinanghihinaan ng loob o
nawawalan ng pag-asa, at anuman ang gawin ng Diyos, kayo ay tulad ng
isang palayok ng apoy—kayo ay hindi kailanman malahininga at kaya
ninyong manatili hanggang sa katapusan, hanggang sa ang gawain ng Diyos
ay lubos na mabunyag, at hanggang ang palabas na nais ng Diyos na
patnugutan ay dumating sa huling konklusyon nito. Wala Akong iba pang
mga kinakailangan sa inyo. Ang inaasahan Ko lamang ay makakaya ninyong
ipagpatuloy na humawak, na hindi kayo nababahala sa mga kalalabasan, na
kayo ay makikipagtulungan sa Akin upang ang gawain na dapat Kong gawin
ay magawa nang mabuti, at walang sinumang lumilikha ng mga pag-antala o
mga paggambala. Kapag ang bahaging ito ng gawain ay natapos, ibubunyag
ng Diyos ang lahat sa inyo. Pagkaraan na ang Aking gawain ay matapos,
ihaharap Ko ang inyong bahaging ginampanan sa harap ng Diyos upang
magsulit sa Kanya. Hindi ba’t mas mabuti iyan? Tayo ay maaaring
magtulungan sa isa’t isa na makamit ang ating sariling mga layunin.
Hindi ba’t ito ay isang perpektong solusyon para sa bawa’t isa? Ito ay
isang mahirap na panahon na nangangailangan sa inyo na magbayad ng
halaga. Sapagka’t Ako ang kasalukuyang direktor, umaasa Ako na wala sa
inyo ang naiinis. Ito ang gawain na Aking ginagawa. Marahil ay
magkakaroon ng isang araw kung kailan lilipat Ako sa isang mas akmang
“sangay ng gawain” at hindi Ko na pinahihirap ang mga bagay-bagay para
sa inyo. Ipakikita Ko sa inyo kung anuman ang handa kayong makita, at
bibigyan Ko rin kayo ng katuparan kung anuman ang nahahanda kayong
marinig. Subali’t hindi ngayon—ito ang gawain para sa ngayon at hindi Ko
maaaring malayang rendahan ang inyong mga papel na ginagampanan at
hayaan kayong gawin kung anuman ang nais ninyo. Sa paraang iyan, ang
Aking gawain ay hindi magiging madaling gawin. Sa totoo lang, iyan ay
hindi magbubunga ng anuman at hindi ito magiging kapaki-pakinabang para
sa inyo. Kaya ngayon kailangan ninyong “makaranas ng mga kahirapan”, at
kapag ang araw ay dumating na ang yugtong ito ng Aking gawain ay natapos
na Ako ay magiging malaya. Hindi na Ako magdadala ng gayong kabigat na
pasanin, at sasang-ayon Ako sa anumang hingin ninyo mula sa Akin;
hangga’t kapaki-pakinabang ito para sa inyong mga buhay tutuparin Ko ang
inyong mga kahilingan. Nakuha Ko na ngayon ang isang mabigat na
pananagutan. Hindi Ko maaaring salungatin ang mga utos ng Diyos Ama, at
hindi Ko maaaring sirain ang mga plano para sa Aking gawain. Hindi Ko
maaaring pamahalaan ang Aking pansariling mga alalahanin sa pamamagitan
ng Aking pangnegosyong mga alalahanin. Ako ay umaasa na Ako ay
nauunawaan ninyong lahat at patatawarin Ako sapagka’t ang lahat ng Aking
ginagawa ay ayon sa hangarin ng Diyos Ama. Aking ginagawa anuman ang
ipinagagawa Niya sa Akin anuman ang nais Niya, at Ako ay hindi handang
pukawin ang Kanyang galit o Kanyang poot. Ginagawa Ko lamang ang dapat
Kong gawin. Kaya sa ngalan ng Diyos Ama, ipinapayo Ko sa inyo na magtiis
ng kaunti pang panahon. Walang sinuman ang kailangang mag-alala.
Pagkaraang matapos Ko ang kailangan Kong gawin, maaari ninyong gawin
anuman ang inyong nais at makita anuman ang nais ninyo, nguni’t
kailangan Kong tapusin ang gawaing kailangan Ko.
Sa yugtong ito ng
gawain malakas na pananampalataya at dakilang pag-ibig ang
kinakailangan sa atin. Maaari tayong matisod mula sa pinakabahagyang
kapabayaan dahil ang yugtong ito ng gawain ay kaiba mula sa lahat ng mga
sinusundan nito. Ang pineperpekto ng Diyos ay ang pananampalataya ng
sangkatauhan—hindi ito maaaring makita o mahipo ninuman. Ang ginagawa ng
Diyos ay halinhan ang mga salita sa pananampalataya, sa pag-ibig, at sa
buhay. Dapat makarating ang mga tao sa punto kung saan sila ay
nakapagtiis ng daan-daang mga pagpipino at nakakapagtaglay ng
pananampalatayang mas dakila kaysa kay Job. Kailangan nilang magtiis ng
di-masukat na pagdurusa at lahat ng mga uri ng pagpapahirap nang hindi
humihiwalay sa Diyos anumang oras. Kapag sila ay masunurin hanggang sa
kamatayan, at may dakilang pananampalataya sa Diyos, kung gayon ang
yugtong ito ng gawain ng Diyos ay tapos na. Ang gawaing ito ang Aking
kinuha, kaya Ako ay umaasa na makakayang unawain ng Aking mga kapatirang
lalaki at babae ang Aking mga paghihirap at wala ng ibang mga
pangangailangan sa Akin. Ito ang kinakailangan ng Diyos Ama sa Akin at
hindi Ako makatatakas mula sa realidad na ito. Dapat Kong gawin ang
gawaing nararapat Kong gawin. Ang inaasahan Ko lamang ay na hindi kayo
walang-katuwiran, na kayo ay nakakatamo ng higit na mga kabatiran at
hindi tinitingnan ang mga usápín nang masyadong payak. Ang inyong
pag-iisip ay masyadong parang-bata, napakawalang-muwang. Ang gawain ng
Diyos ay hindi kasing simple ng inyong maaaring naguguni-guni, na
ginagawa lamang Niya kung anuman ang nais Niyang gawin. Kung ganyan ang
kalagayan ang Kanyang plano ay mawawasak. Hindi ba ninyo masasabi ang
ganoon? Ginagawa Ko ang gawain ng Diyos. Hindi lamang Ako gumagawa ng
mga di-pangkaraniwang gawain para sa mga tao, ginagawa kung ano ang
maisipan Kong gawin at personal na nagsasaayos kung gagawin Ko o hindi
ang isang bagay. Hindi ito ganyang kasimple sa ngayon. Ako ay sinugo ng
Ama upang gumanap bilang direktor—palagay ba ninyo Ako ang nagsaayos at
pumili nito sa Aking Sarili? Laging ginagambala ng pag-iisip ng mga tao
ang gawain ng Diyos. Kaya, matapos Akong gumawa sa loob ng isang sakop
ng panahon, maraming mga kahilingan mula sa mga tao na hindi Ko nakayang
tuparin at nabago ang isipan ng lahat ng mga tao tungkol sa Akin. Dapat
kayong maging malinaw tungkol sa mga ideya ninyong ito—hindi Ko na
kailangang tukuyin ang bawa’t isa sa mga iyon. Wala Akong magagawa kundi
ipaliwanag ang gawaing Aking ginagawa; ang Aking damdamin ay hindi
nasasaktan sa mga ito kahit kaunti. Sa sandaling naunawaan na ninyo
iyan, maaari ninyo itong makita sa paano mang paraang nais ninyo. Hindi
Ako maglalabas ng anumang di-pagsang-ayon dahil ganito kung paano gumawa
ang Diyos. Hindi Ako obligadong ipaliwanag ang lahat ng ito. Naparito
lamang Ako upang makumpleto ang gawain ng mga salita, gumawa at gumanap
ayon sa pagdidirekta ng mga salita. Hindi Ko kailangang magsalita nang
marami tungkol sa nalalabi sa mga ito, at hindi Ko kayang gumawa ng
anumang iba pa. Naipaliwanag Ko na ang lahat ng dapat Kong sabihin.
Anuman ang isipin ninyo tungkol dito ay ayos lamang, at ito ay walang
kaso sa Akin. Nguni’t nais Ko pa ring ipaalala sa inyo na ang gawain ng
Diyos ay hindi kasing simple ng naguguni-guni ninyo rito. Mas hindi ito
nakaayon sa mga paniwala ng mga tao mas malalim ang kabuluhan, at mas
nakaayon ito sa mga paniwala ng mga tao, mas kaunti ang kahalagahan
nito, at walang tunay na kabuluhan. Pag-isipan ninyo ang mga salitang
ito nang maingat—ito lamang bagay na ito ang sasabihin Ko tungkol diyan,
at kayo sa inyong mga sarili ay maaaring magsuri sa natitira. Hindi Ako
gagawa ng anumang pagpapaliwanag.
Naguguni-guni ng mga tao na ang
Diyos ay gumagawa ng mga bagay-bagay sa isang tiyak na paraan, nguni’t
sa nakaraang taóng ito o higit pa, ang nakita ba natin at naranasan sa
gawain ng Diyos ay tunay na naaayon sa pantaong mga paniwala? Mula sa
paglikha ng mundo hanggang sa ngayon, walang sinumang tao ang nakatukoy
sa mga yugto o mga panuntunan ng gawain ng Diyos. Kung nakaya nila,
bakit hindi nakikilala ng mga relihiyosong tagapangunang yaon na ang
Diyos ay kasalukuyang gumagawa sa paraang ito? Bakit napakakaunti ang
mga tao na nakakaunawa sa realidad ng kasalukuyan? Mula rito ay makikita
natin na walang nakakaunawa sa gawain ng Diyos—ang mga tao ay maaari
lamang gumawa ng mga bagay-bagay ayon sa paggabay ng Kanyang Espiritu,
subali’t hindi sila maaaring basta mahigpit na maglapat ng mga tuntunin
sa Kanyang gawain. Kung iyong kukuhanin ang larawan at ang gawain ni
Jesus at ikukumpara ito sa kasalukuyang gawain ng Diyos, ito ay gaya
lamang ng mga taong Judio na itinataas si Jesus sa ideya ni[a] Jehova.
Hindi ba ang pagdurusang ito ay isang kawalan? Kahit si Jesus ay hindi
nakaalam kung ano ang magiging gawain ng Diyos sa mga huling araw; ang
tanging nalaman Niya ay na ang kailangan Niyang tapusin ay ang gawain ng
pagiging napako sa krus, kaya paano malalaman ng iba? Paano nila
malalaman kung anong gawain ang gagawin ng Diyos sa hinaharap? Paano
bubuksan ng Diyos ang Kanyang plano sa mga tao, na nasakop ni Satanas?
Hindi ba iyan ay kahangalan? Ang tinutulutan ng Diyos na malaman mo at
maunawaan ay ang Kanyang kalooban. Hindi Niya tinutulutan na pag-isipan
mo ang Kanyang panghinaharap na gawain. Ang kailangan lamang nating
gawin ay paniwalaan ang Diyos at paggawa ng mga bagay-bagay ayon sa
Kanyang paggabay, praktikal na pagtangan sa tunay na mga kahirapan,
hindi pinahihirap ang mga bagay-bagay para sa Diyos o nagsasanhi ng
kaguluhan para sa Kanya. Dapat lamang tayong sumulong at gawin ang dapat
nating gawin—hangga’t nakakapanatili tayo sa loob ng kasalukuyang
gawain ng Diyos sapat na iyon! Ito ang landas kung saan kayo ay Aking
ginagabayan. Tayo ay dapat magpatuloy sa pagsulong, at hindi
pakikitunguhan nang di-nararapat ng Diyos ang isa man sa atin. Sa huling
taóng ito ng inyong kagila-gilalas na mga karanasan kayo ay nakatamo ng
maraming dakilang mga bagay; Ako ay naniniwala na hindi ninyo ito
masyadong didibdibin. Ang landas kung saan kayo ay Aking pinangungunahan
ay ang Aking gawain, Aking panánagutan, at ito ay itinalaga ng Diyos
matagal nang panahon upang tayo ay maitadhanang makarating sa ganito
kaláyò, hanggang sa ngayon—na nakaya nating gawin ito ay ating malaking
pagpapala, at kahit na hindi naging madali ang daan, ang ating
pagkakaibigan ay walang-hanggan, at ito ay magpapasalin-salin sa mga
kapanahunan. Kung ang mga iyon man ay katuwaan at tawanan o kalungkutan
at mga luha, lahat ng mga iyon ay bumubuo sa ating magagandang mga
alaala! Marahil ay dapat ninyong malaman na wala Akong maraming araw
para sa Aking gawain. Napakarami Kong mga proyektong gawain, at hindi Ko
kayo masasamahan nang madalas. Ako ay umaasa na mauunawaan ninyo
Ako—dahil ang ating orihinal na pagkakaibigan ay pareho pa rin. Marahil
isang araw Ako ay muling magpapakita sa harap ninyo, at Ako ay umaasa na
hindi ninyo pahihirapin ang mga bagay-bagay para sa Akin. Matapos ang
lahat, Ako ay naiiba sa inyo. Naglalakbay Ako sa palibot para sa Aking
gawain, at hindi Ko ginugugol ang Aking buhay sa pag-aaksaya ng oras o
panahon lamang sa mga hotel. Kung paanuman sa inyo, basta ginagawa Ko
ang dapat Kong gawin. Ako ay umaasa na ang mga bagay-bagay na ating
pinagsamahan sa nakaraan ay nawa’y maging bulaklak ng ating
pagkakaibigan.
Maaaring masabi na ang landas na ito ay Ako ang
nagbukas, at mapait man o matamis, napangunahan Ko ang daan. Na nakaya
nating magpatuloy hanggang sa kasalukuyan ay sanhi lahat ng biyaya ng
Diyos. Maaaring may mga nagpapasalamat sa Akin, at maaaring may mga
dumaraing laban sa Akin, nguni’t wala sa mga iyan ang mahalaga. Ang nais
Ko lamang makita ay na makamit kung ano ang dapat makamit sa grupong
ito ng mga tao. Ito ay nararapat na ipagdiwang. Kaya, Ako ay walang
hinanakit laban sa mga dumaraing laban sa Akin; ang tanging nais Ko ay
matapos ang Aking gawain sa pinakamabilis na paraang posible upang ang
puso ng Diyos ay makapahinga sa lalong madaling panahon. Sa sandaling
iyon wala na Akong dadalhing anumang mabigat na pasanin, at mawawala na
ang mga alalahanin sa puso ng Diyos. Kayo ba ay handang makipagtulungan
sa isang mas mabuting paraan? Hindi ba’t ang paggawa sa gawain ng Diyos
ay mas mabuting layunin para sa ating mga pakikibaka? Tunay na maaaring
masabi na tayo ay sumasailalim sa di-mabilang na mga paghihirap at
dumanas ng lahat ng mga kagalakan at mga kalungkutan sa loob ng sakop ng
panahong ito, at sa pangkalahatan, ang pagganap ng bawa’t isang tao ay
naging halos pasado. Marahil sa hinaharap ay mayroong mas nakasisiyang
gawain na kinakailangan sa inyo, subali’t huwag mananahan sa mga iniisip
tungkol sa Akin; basta gawin ang dapat ninyong gawin. Ang kailangan
Kong gawin ay halos naroon na, at Ako ay umaasa na kayo ay magiging
tapat sa lahat ng sandali at na kayo ay hindi mangungulila kaugnay sa
Aking gawain. Dapat ninyong malaman na naparito lamang Ako upang tapusin
ang isang yugto ng gawain, tiyak na hindi para gawin ang buong gawain
ng Diyos. Ito ay isang bagay na kailangan ninyong unawain. Huwag
magkakaroon ng anumang iba pang mga palagay tungkol dito. Ang gawain ng
Diyos ay nangangailangan ng marami pang mga daanan upang matapos; hindi
kayo maaaring laging umaasa sa Akin. Marahil ay nakita ninyo matagal na
noon na ang Aking ginagawa ay isang bahagi lamang ng gawain; hindi nito
kinakatawan si Jehova o si Jesus. Ang gawain ng Diyos ay nahahati sa
maraming yugto, kaya huwag maging masyadong mahigpit. Habang Ako ay
gumagawa dapat kayong makinig sa Akin. Ang gawain ng Diyos ay naging iba
sa bawa’t isang kapanahunan; hindi ito nananatiling pareho, at hindi
ito katulad ng parehong lumang awitin na inaawit. Mayroon Siyang gawain
na akma sa bawa’t yugto at ito ay nagbabago kasabay ng mga kapanahunan.
Kaya yamang ikaw ay naipanganak sa kapanahunang ito, dapat kang kumain
at uminom sa mga salita ng Diyos at basahin ang Kanyang mga salita. Ang
araw ay maaaring dumating kung kailan ang Aking gawain ay nagbabago at
kayo ay dapat na magpatuloy ayon sa nararapat ninyong gawin. Hindi
maaaring magkaroon ng mga mali sa gawain ng Diyos. Kung paano man
nagbabago ang mundo sa labas, ang Diyos ay hindi maaaring magkamali at
ang Kanyang gawain ay hindi maaaring magkamali. Ito ay ganito lamang na
kung minsan ang lumang gawain ng Diyos ay lumilipas at ang Kanyang
bagong gawain ay nagsisimula; gayunpaman, hindi maaaring masabi na dahil
ang bagong gawain ay sumapit ang lumang gawain ay mali.Iyan ay isang
kamalian! Ang gawain ng Diyos ay hindi masasabing tama o mali, maaari
lamang sabihin na ito ay nauuna o nahuhuli. Ito ang gabay para sa
paniniwala ng mga tao sa Diyos at ito ay walang-pasubaling hindi
maaaring ipagwalang-bahala.
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Mga talababa:
a.Hindi kasama sa orihinal na teksto ang “sa ideya ni.”
Ang pinagmulan:Ang Landas... (8)
Rekomendasyon:
Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento