Kidlat ng Silanganan | Salita ng Diyos | Yaong Mga Sumusunod sa Diyos na Mayroong Isang Tunay na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos
Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagbabago sa araw-araw, pataas nang pataas sa bawat hakbang; ang pagbubunyag ng bukas ay nagiging mas mataas kaysa sa ngayon, bawat hakbang ay umaakyat nang mas mataas. Ganoon ang gawain kung saan ginagawang perpekto ng Diyos ang tao. Kung hindi kaya ng taong makipagsabayan, kung gayon ay maaari siyang pabayaan sa anumang oras. Kung ang tao ay walang masunuring puso, kung gayon ay hindi siya makasusunod hanggang sa katapusan. Ang lumang kapanahunan ay lumipas na; ngayon ay isang bagong kapanahunan. At sa isang bagong kapanahunan, ang bagong gawain ay dapat gawin. Lalo na sa huling kapanahunan kung saan ang tao ay gagawing perpekto, gagampanan ng Diyos ang bagong gawain nang mas mabilis. Samakatuwid, kung walang pagsunod sa kanyang puso, mahihirapan ang tao na sumunod sa mga yapak ng Diyos. Ang Diyos ay nananahan hindi sa pamamagitan ng mga tuntunin, ni hindi rin Niya itinuturing ang anumang yugto ng Kanyang gawain bilang hindi nagbabago. Sa halip, ang gawain na ginawa ng Diyos ay laging mas bago at laging mas mataas. Ang Kanyang gawain ay nagiging higit pang praktikal sa bawat hakbang, higit pang ayon sa aktuwal na mga pangangailangan ng tao. Pagkatapos lamang maranasan ng tao ang ganitong uri ng gawain na maaari niyang makamit ang pangwakas na pagbabagong-anyo ng kanyang disposisyon. Ang kaalaman ng tao sa buhay ay lumalagong mas mataas, kaya gayon din ang gawain ng Diyos na nagiging mas mataas. Tanging sa paraang ito magagawa ng tao na maabot ang pagka-perpekto at maging karapat-dapat para gamitin ng Diyos. Sa isang dako, ang Diyos ay kumikilos sa ganitong paraan upang kontrahin at baligtarin ang mga paniwala ng tao, at sa kabilang banda upang akayin ang tao patungo sa isang mas mataas at higit na makatotohanang kalagayan, sa pinakamataas na antas ng paniniwala sa Diyos, upang sa bandang katapusan, ang kalooban ng Diyos ay matapos. Ang lahat yaong may isang suwail na kalikasan at may isang pusong mapanlaban ay pababayaan ng mabilis at makapangyarihang gawaing ito; tanging ang mga may masunuring puso lamang at gustong magpakumbaba ang susulong sa dulo ng daan. Sa ganoong gawain, ang lahat sa inyo ay dapat matutong pasailalim at isantabi ang iyong mga paniwala. Ang bawat hakbang ay dapat isagawa nang may pag-iingat. Kung kayo ay hindi maingat, tiyak na ikaw ay magiging isang taong itatakwil ng Banal na Espiritu at isang sumisira sa gawain ng Diyos. Bago sumailalim sa yugto ng gawaing ito, ang lumang mga tuntunin at mga kautusan ng tao ay hindi na mabilang at sila ay nadala, at bilang resulta, sila ay naging mayabang at nakalimutan ang kanilang mga lugar. Ang lahat ng ito ay mga balakid sa daan ng tao na tumatanggap sa bagong gawain ng Diyos at mga salungat sa tao na lumalapit upang makilala ang Diyos. Kung ang isang tao ay walang pagkamasunurin sa kanyang puso ni isang pananabik para sa katotohanan, kung gayon siya ay manganganib. Kung susundin mo lamang ang gawain at angkaraniwang mga salita, at hindi kayang tanggapin ang alinman sa isang mas malalim na sidhi, kung gayon ikaw ay isa sa nananatili sa lumang mga pamamaraan at hindi magawang sumabay sa gawain ng Banal na Espiritu. Ang gawain na ginawa ng Diyos ay naiiba sa lahat ng mga yugto ng panahon. Kung magpapakita ka ng mahusay na pagsunod sa isang bahagi, ngunit sa susunod na bahagi ay magpakita ng mas mababa o halos wala, kung gayon ay dapat kang talikdan ng Diyos. Kung patuloy kang sasabay sa Diyos habang Siya’y umaakyat sa hakbang na ito, kung gayon ay kailangan mong ipagpatuloy ang pagsabay kapag Siya ay aakyat sa susunod. Tanging gayong mga tao ang masunurin sa Banal na Espiritu. Dahil naniniwala ka sa Diyos, dapat kang manatiling tapat sa iyong pagsunod. Hindi maaaring basta ka lamang susunod kapag gusto mo at susuway kapag ayaw mo. Ang ganitong paraan ng pagsunod ay hindi inaayunan ng Diyos. Kung hindi mo kayang makasabay sa bagong gawain na Aking pinagsamahan at patuloy na hahawak sa dating kasabihan, gayon papaano magkakaroon ng paglago sa iyong buhay? Ang gawain ng Diyos ay ang tustusan ka sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Kapag sinunod at tinanggap mo ang Kanyang salita, kung gayon ang Banal na Espiritu ay siguradong kikilos sa iyo. Ang Banal na Espiritu ay kumikilos nang eksakto sa paraan ng Aking pagsasalita. Gawin mo ang aking sinabi, at ang Banal na Espiritu ay agad na kikilos sa iyo. Ilalabas Ko ang isang bagong liwanag para makita ninyo at dadalhin kayo sa kasalukuyang liwanag. Kapag lumakad ka sa liwanag na ito, ang Banal na Espiritu ay agad na kikilos sa iyo. Ang ilan ay maaaring ayaw sumunod at sasabihin, “Hindi ko gagawin ang tulad ng sinasabi mo.” Kung gayon ay sasabihin Ko sa iyo ngayon na ito na ang dulo ng daan. Ikaw ay natuyo na at wala ng buhay. Samakatuwid, sa pagkaranas ng pagbabago ng iyong disposisyon, napakahalaga na makasabay sa kasalukuyang liwanag. Ang Banal na Espiritu ay hindi lamang kumikilos sa ilang mga tao na ginamit ng Diyos, ngunit mas higit pa sa iglesia. Siya ay maaaring kumikilos sa sinuman. Siya ay maaaring kumilos sa iyo ngayon, at pagkatapos mong maranasan ito, Siya ay maaaring sunod na kumilos sa iba. Sumunod ng maigi; mas sinusunod mo ang kasalukuyang liwanag, mas lalago ang iyong buhay. Sundin sila kung saan ang Banal na Espiritu ay kumikilos, kahit anumang uri ng tao siya. Kunin ang kanyang mga karanasan sa iyong sarili, at makatatanggap ka ng mas mataas pang mga bagay. Sa paggawa nito ay makikita mo ang mas mabilis na pag-unlad. Ito ay ang landas ng pagiging perpekto para sa tao at paraan para lumago ang buhay. Ang landas tungo sa pagiging perpekto ay maaabot sa pamamagitan ng iyong pagsunod sa mga gawain ng Banal na Espiritu. Hindi mo alam kung anong uri ng tao ang gagamitin ng Diyos upang gawin kang perpekto, ni sa pamamagitan ng kung anong tao, pangyayari, o bagay Papangyayariin Niyang makapasok ka sa pangangalaga at upang magkamit ng ilang pananaw. Kung magagawa mong lumakad sa tamang daan na ito, ito ay nagpapakita na may dakilang pag-asa para sa iyo upang gawing perpekto ng Diyos. Kung hindi mo ito magagawa, ito ay nagpapakita na ang iyong hinaharap ay kapanglawan at isang kadiliman. Kapag lumakad ka sa tamang daan, mabibigyan ka ng pagbubunyag sa lahat ng mga bagay. Hindi alintana kung ano ang maaaring ibunyag ng Banal na Espiritu sa iba, kung magpapatuloy ka sa batayan ng kanilang kaalaman upang maranasan ang mga bagay sa iyong sarili, kung gayon ay magiging buhay mo ito, at magagawa mong tustusan ang iba dahil sa karanasang ito. Ang mga magtutustos sa iba sa pamamagitan ng ginayang mga salita ay mga walang karanasan; dapat matutunan mo ang paghahanap, sa pamamagitan ng pagliliwanag at paglilinaw sa iba, isang paraan ng pagsasagawa bago magsalita ng iyong sariling aktuwal na karanasan at kaalaman. Ito ay magiging malaking pakinabang sa iyong sariling buhay. Dapat mong maranasan sa paraang ito, sumusunod sa lahat na nanggagaling sa Diyos. Dapat mong hanapin ang isip ng Diyos sa lahat ng mga bagay at matuto ng mga leksiyon sa lahat ng mga bagay, na lumilikha ng paglago sa iyong buhay. Ang ganitong pagsasagawa ang magdudulot ng pinakamabilis na paglago.
Liliwanagan ka ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng iyong praktikal na mga karanasan at gagawin kang perpekto sa pamamagitan ng iyong pananalig. Ikaw ba ay tunay na handang gawing perpekto? Kung ikaw ay tunay na handang gawing perpekto sa pamamagitan ng Diyos, kung gayon ay mayroon kang lakas ng loob upang isantabi ang iyong laman, at makakaya mong gawin ang sinasabi ng Diyos at hindi maging balintiyak o mahina. Magagawa mong sundin ang lahat na nanggagaling sa Diyos, at ang lahat ng iyong mga kilos, kung ginawa o hindi sa Kanyang presensya, ay magiging katanggap-tanggap sa Diyos. Kung ikaw ay isang tapat na tao, at isinasagawa ang katotohanan sa lahat ng mga bagay, ikaw ay gagawing perpekto. Yaong mga taong mapanlinlang na kumikilos sa isang paraan sa harap ng iba at isa pang paraan nang hindi nila nalalaman ay hindi nakahandang maging perpekto. Lahat sila ay mga anak ng kapahamakan at pagkawasak; hindi sila pag-aari ng Diyos kundi ni Satanas. Hindi sila ang uri ng tao na pinili ng Diyos! Kung ang iyong mga kilos at pag-uugali ay hindi maaaring itanghal sa harapan ng Diyos o maaring makita ng Espiritu ng Diyos, kung gayon ito ay naglalarawan ng isang problema sa iyo. Tanging kung tanggapin mo ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, at bigyan ng kahalagahan ang pagbabago ng iyong disposisyon, ikaw ay nakatakda sa daan patungo sa pagiging perpekto. Kung ikaw ay tunay na handang gawing perpekto sa pamamagitan ng Diyos at upang isakatuparan ang kalooban ng Diyos, kung gayon ay dapat mong sundin ang lahat ng gawain ng Diyos at huwag magbigay ng salita ng reklamo, nang hindi mapangahas na sinusuri o hinahatulan ang gawain ng Diyos. Ito ang mga tunay na pangunahing mga kondisyon para gawing perpekto ng Diyos. Ang kinakailangan para sa mga taong naghahanap upang gawing perpekto sa pamamagitan ng Diyos ay ito: gawin ang lahat ng mga bagay sa batayan ng iyong pag-ibig para sa Diyos. Ano ang ibig-sabihin ng sa batayan ng pag-ibig para sa Diyos? Ibig sabihin nito na ang lahat ng iyong mga kilos at pag-uugali ay maaaring itanghal sa harap ng Diyos. Habang hawak mo ang tamang mga intensyon, kahit na ang iyong mga kilos ay tama o mali, hindi ka matatakot na ipakita sa Diyos ang mga iyon o sa iyong mga kapatid; may lakas-loob kang sumumpa sa Diyos. Ang iyong bawat intensyon, pag-iisip, at ideya ay maaaring itanghal sa harap ng Diyos upang masuri. Kung isasagawa mo at papasok sa ganitong paraan, kung gayon ang pag-unlad sa iyong buhay ay magiging mabilis.
Dahil naniniwala ka sa Diyos, kung gayon ay kailangan mong ilagay ang pananampalataya sa lahat ng mga salita at gawain ng Diyos. Iyon ay upang sabihin, dahil naniniwala ka sa Diyos, dapat kang sumunod sa Kanya. Kung hindi mo kayang gawin ito, samakatuwid ay walang halaga kung naniniwala ka sa Diyos o hindi. Kung ikaw ay naniniwala sa Diyos sa loob ng maraming taon, ngunit hindi ka kailanman sumunod sa Kanya o tinanggap ang lahat ng Kanyang mga salita, at sa halip ay hiniling sa Diyos na sumailalim Siya sa iyo at sundin ang iyong mga paniwala, kung gayon ikaw ang pinaka-mapaghimagsik sa lahat, at ikaw ay hindi mananampalataya. Paanong ang isang kagaya nito ay magagawang sumunod sa gawain at mga salita ng Diyos na hindi sumusunod sa mga paniwala ng tao? Ang pinaka-suwail na tao ay isa na sadyang sinasalungat at tinatanggihan ang Diyos. Siya ay kaaway ng Diyos at isang anti-kristo. Ang gayong tao ay laging nagpapanatili ng poot laban sa bagong gawa ng Diyos, nagpapakita ng walang layuning sumailalim, at kailanman ay hindi naging masayang sumunod o nagpakababa ang sarili. Itinataas niya ang kanyang sarili sa harap ng iba at kailanman ay hindi sumailalim sa iba. Sa harap ng Diyos, itinuturing niya ang kanyang sarili na pinaka-marunong sa pangangaral ng “salita” at pinaka-bihasa sa paggawa sa iba. Kailanman ay hindi siya nagtapon ng kayamanan na nasa kaniyang pag-aari, ngunit itinuring ang mga ito bilang mga pamana ng pamilya na dapat sambahin, na ipangaral sa iba, at ginagamit upang turuan ang mga hangal na sumasamba sa kanya. Mayroon talagang iilang ganoong mga tao sa iglesia. Maaaring sabihin na sila ay “matigas na mga bayani,” sali’t salinlahing nakikipamayan sa bahay ng Diyos. Iniisip nila na ang pangangaral sa “salita” (doktrina) ang kanilang pinakamataas na tungkulin. Isang taon pagkatapos ng isa pa at isang henerasyon pagkatapos ng isa pa, isinasagawa nila ang kanilang mga banal at sagradong tungkulin. Walang naglalakas-loob na hawakan sila at walang naglalakas-loob na lantarang sisihin sila. Sila ay naging “hari” sa bahay ng Diyos, na kumikilos ng napakalupit sa mga kapanahunan. Ang pangkat na ito ng mga demonyo ay naglalayong magtulungan at winawasak ang Aking gawain; paano Ko mapahihintulutan ang mga buhay na demonyong ito na umiiral sa harap Ko? Kahit na ang mga taong mayroon lamang isang kalahating pusong masunurin ay hindi magawang lumakad hanggang sa katapusan, lalo na itong mga malulupit na walang kahit kaunting pagsunod sa kanilang mga puso. Ang gawain ng Diyos ay hindi madaling nakakamit ng tao. Kahit gamitin ng tao ang lahat ng kanyang lakas, makakukuha lamang siya ng isang bahagi at makakamit ang pagiging perpekto sa huli. Paano pa kaya ang mga anak ng arkanghel na naghahangad wasakin ang gawain ng Diyos? Wala ba silang kahit konting pag-asa na makamit ng Diyos? Ang layunin ng Aking gawain upang lupigin ay hindi lamang para sa kapakanan ng panlulupig, kundi manlupig upang sa gayon ay ibunyag ang pagkamatuwid at kalikuan, upang makakuha ng patunay para sa parusa ng tao, upang sumpain ang masama, at higit pa, upang lumupig para sa kapakanan ng pagka-perpekto sa yaong mga nakahandang sumunod. Sa huli, ang lahat ay paghihiwalayin ayon sa uri, at lahat ng mga ginawang perpekto ay puno ang kanilang mga pag-iisip ng pagsunod. Ito ang huling gawain na ginawa. Ang mga puno ng paghihimagsik ay parurusahan, ipadadala upang sunugin sa mga apoy at susumpain magpakailanman. Kapag dumating ang panahon na iyon, ang mga dating “dakila at matitigas na bayani” ay magiging ang pinakamababa at pinaka-lalayuan “mahina at walang silbing mga duwag.” Tanging ito ang nakakapaglarawan sa bawat aspeto ng pagkamatuwid ng Diyos at nakapaglalantad sa Kanyang disposisyon na hindi nakasasakit sa tao. Tanging ito ang makapagpapahupa sa galit sa Aking puso. Hindi ba kayo sang-ayon na ito ay napaka-makatwiran?
Hindi lahat ng mga taong nakararanas sa gawain ng Banal na Espiritu ay makatatanggap ng buhay, at hindi lahat sa daloy na ito ay maaaring makatanggap ng buhay. Ang buhay ay hindi isang karaniwang ari-arian na pinagsasaluhan ng lahat, at ang pagbabago ng disposisyon ay hindi madaling makamit ng lahat. Ang pagpapasakop sa gawa ng Diyos ay dapat na makita at dapat na isabuhay. Ang pagpapasakop sa isang mababaw na antas ay hindi maaaring tumanggap ng pagsang-ayon ng Diyos, at basta na lamang susundin ang mabababaw na mga aspeto ng salita ng Diyos, nang hindi naghahanap ng pagbabagong-anyo sa disposisyon ng isang tao, ay hindi makalulugod sa puso ng Diyos. Ang pagsunod sa Diyos at pagpapasakop sa gawain ng Diyos ay iisa at pareho. Yaong mga sumailalim lamang sa Diyos ngunit hindi sa gawain ng Diyos ay hindi maaaring ituring na masunurin, at tiyak na wala rin naman sa mga hindi tunay na nagpailalim at mga nagpapakitang sunud-sunuran. Yaong mga tunay na sumailalim sa Diyos ay magagawang makinabang mula sa gawain at maabot ang pang-unawa sa disposisyon at gawain ng Diyos. Ang mga ganitong tao lamang ang tunay na sumailalim sa Diyos. Ang ganitong mga tao ay magagawang magkamit ng bagong kaalaman mula sa mga bagong gawain at makararanas ng bagong mga pagbabago mula doon din. Tanging ang ganoong mga tao ang may pag-sang-ayon ng Diyos; ang ganitong uri ng tao lamang ang ginawang perpekto at sumailalim sa pagbabagong-anyo ng kanyang disposisyon. Ang mga sinang-ayunan ng Diyos ay ang mga masayang sumailalim sa Diyos, pati na rin sa Kanyang gawa at salita. Tanging ang ganitong uri ng tao ang nasa tama; tanging ang ganitong uri ng tao ang tunay na nagnanasa at naghahanap sa Diyos. At ang mga nagsasabi lamang ng kanilang pananampalataya sa Diyos, ngunit sa totoo ay sinusumpa Siya ay yaong mga nagbabalat-kayo. Sila ay makamandag, ang pinaka-taksil na tao. Isang araw ang mga karima-rimarim na maskara ng mga tampalasan ay pupunitin. Hindi ba iyan ang gawain na ginagawa ngayon? Yaong mga masasama ay mananatiling masama at hindi makatatakas sa araw ng parusa. Yaong mga mabubuti ay mananatiling mabuti at mabubunyag kapag ang gawain ay dumating sa pagtatapos. Wala ni isa man sa masasama ang maituturing na matuwid, o ang sinuman sa mga matuwid ay maituturing na masama. Hahayaan Ko ba ang sinuman na tumayo at maakusahan nang hindi tama?
Habang umuusad ang iyong buhay, dapat lagi kang mayroong bagong pagpasok at bago at mas mataas na pananaw, na lumalago nang mas malalim sa bawat hakbang. Ito ang dapat pasukan ng lahat ng tao. Sa pamamagitan ng pakikipagniig, pakikinig sa isang mensahe, pagbabasa ng salita ng Diyos, o paghawak ng isang bagay, ikaw ay magkakamit ng bagong pananaw at bagong pagliliwanag. Hindi ka nabubuhay sa loob ng lumang mga alituntunin at lumang panahon. Palagi kang nabubuhay sa loob ng bagong liwanag, at hindi ka maliligaw mula sa salita ng Diyos. Ito ang itinuturing na pagtakda sa tamang daan. Hindi sapat na bayaran lamang nito ang halaga sa mababaw na antas. Ang salita ng Diyos ay nagiging mas mataas at ang bagong mga bagay ay magpapakita sa bawat araw. Kinakailangan din para sa tao na magkaroon ng bagong pagpasok sa bawat araw. Gumagawang perpekto ang Diyos hanggang sa punto na Kanyang sinabi; kung hindi ka makasasabay, kung gayon ay maiiwan ka. Ang iyong mga panalangin ay dapat maging mas malalim; kailangan mong kainin at inumin nang higit pa ang mga salita ng Diyos, palalimin ang mga pagbubunyag na natatanggap mo, at bawasan ang pagka-negatibo. Kailangan mong palakasin ang iyong paghatol upang sa gayon ay magagawa mong magkamit ng pananaw, at sa pamamagitan ng pag-unawa kung ano ang nasa espiritu, nagkakamit ng pananaw sa panlabas na mga bagay at nauunawaan ang pinakabuod ng anumang usapin. Kung wala ka ng gayong mga katangian, paano mo maaaring pamunuan ang iglesia? Kung ikaw ay nagsasalita lamang ng mga liham at mga doktrina nang walang anumang katotohanan at kung walang paraan ng pagsasagawa, maaari ka lamang manatili sa maikling panahon. Maaaring ito ay katanggap-tanggap lamang para sa bagong mga mananampalataya, ngunit makalipas ang ilang panahon, kapag ang bagong mga mananampalataya ay nagkamit ng aktuwal na karanasan, gayon ay hindi mo na magagawang matustusan ang mga ito. At paano ka naaangkop para sa paggamit ng Diyos? Hindi ka maaaring gumawa ng gawain na walang bagong pagliliwanag. Ang mga walang bagong pagliliwanag ay mga bigo na makaranas, at ang gayong mga tao ay hindi kailanman magkakamit ng bagong kaalaman o karanasan. At, sa usapin ukol sa pagtustos ng buhay, hindi nila kailanman magagampanan ang tungkulin nila, ni hindi naaangkop para sa paggamit ng Diyos. Ang ganitong uri ng tao ay naaksaya at walang silbi. Sa katunayan, ang mga gayong tao ay lubos na walang kakayahan na gampanan ang kanilang gampanin sa gawain at lahat ay mga walang kabuluhan. Hindi lamang sila mabibigo sa pagsasagawa ng kanilang tungkulin, sila ay talagang naglalagay ng isang hindi kailangang kaigtingan sa iglesia. Pinangangaralan Ko ang mga “matatandang tao” na ito na magmadali at iwan ang iglesia upang hindi na kayo makita ng iba. Ang ganitong mga tao ay walang pag-unawa sa bagong gawain ngunit puno ng mga paniwala. Sila ay walang silbi sa iglesia; sa halip, sila ay gumagawa ng panunulsol at nagkakalat ng mga pagka-negatibo, nakikibahagi pa sa lahat ng paraan ng masamang asal at kaguluhan sa iglesia, at sa gayon ay nililito at tinataranta ang mga taong walang mga pagtatangi. Ang mga buhay na demonyong ito, ang mga masasamang espiritung ito ay dapat lisanin ang iglesia sa lalong madaling panahon, dahil baka pahirapan ang iglesia bilang resulta. Maaaring hindi ka natatakot sa gawain sa ngayon, ngunit hindi ka ba natatakot sa matuwid na parusa ng bukas? Maraming mga tao sa iglesia na mga manghuhuthot, pati na rin ang malaking bilang ng mga lobo na naghahanap upang gambalain ang likas na gawain ng Diyos. Ang lahat ng mga ito ay mga demonyo na ipinadala ng Diablo at mababagsik na mga lobo na naghahanap upang silain ang tapat walang katusuhang mga kordero. Kung ang mga tinatawag na mga taong ito ay hindi mapatalsik, kung gayon sila ay magiging mga linta sa iglesia at mga gamu-gamo na kumakain ng mga handog. Itong mga kasuklam-suklam, mangmang, mahalay, at karima-rimarim na uod ay malapit nang maparusahan!
Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Ang pinagmulan: Ang Tunay na Masunurin ay Tiyak na Makakamit ng Diyos
Rekomendasyon:
Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento