Kidlat ng Silanganan

菜單

Hul 31, 2020

"Pagpalain ng Diyos" | Being saved from disasters



"Pagpalain ng Diyos" | Being saved from disasters

Madalas sabihin ng mga tao na "Ang mga bagyo ay namumuo nang walang babala at ang kasawian ay sumasapit sa mga tao sa magdamag." Sa panahon natin ngayon na mabilis na umuunlad ang siyensya, modernong transportasyon at materyal na yaman, dumarami ang mga sakunang nangyayari sa buong paligid natin bawat araw. Kapag binuklat natin ang pahayagan o binuksan ang TV, ang pangunahing nakikita natin ay: mga digmaan, lindol, tsunami, bagyo, sunog, baha, pagbagsak ng mga eroplano, sakuna sa minahan, kaguluhan sa lipunan, matitinding alitan, pag-atake ng mga terorista, atbp.Lahat ng nakikita natin ay mga likas na kalamidad at mga sakunang dulot ng tao. Ang mga sakunang ito ay madalas mangyari at mas tumitindi. Ang masidhing pagdami ng sakuna ay may kasamang pagdurusa, dugo, pagkabalda at kamatayan. Nangyayari ang mga kasawian sa ating paligid sa lahat ng oras, na nagbibigay-diin na maikli at marupok ang buhay. Wala tayong paraan para mahulaan kung anong klaseng mga sakuna ang mararanasan natin sa hinaharap. Bukod pa rito, hindi natin alam kung ano ang dapat nating gawin. Bilang bahagi ng sangkatauhan, ano ang dapat nating gawin upang makalaya sa mga sakunang ito? Sa programang ito, malalaman mo ang sagot. Malalaman mo ang tanging paraan para matanggap ang proteksyon ng Diyos upang makaligtas ka sa nakaambang mga sakuna.
_________________________________________________


Hul 30, 2020

Ang Malupit na Pag-uusig ng Pamahalaang CCP ay Pinatitibay Lamang ang Aking Pagmamahal sa Diyos


Ni Li Zhi, Lalawigan ng Liaoning

Noong taong 2000, lubos akong pinalad na marinig ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos. Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko ang misteryo ng mga pangalan ng Diyos, ang misteryo ng mga pagkakatawang-tao ng Diyos, at ang mga katotohanan hinggil sa mga bagay na tulad ng kung paano iniligtas ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos ang sangkatauhan, at kung paano sila lubos na nagbabago, nadadalisay at nagiging perpektong tao.Nakatitiyak ako na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, at masaya kong tinanggap ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos. Pagkatapos niyan, aktibo akong nakibahagi sa mga gawain sa iglesia, at sa pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagpapatotoo para sa Diyos. Noong 2002, nakilala ako sa buong lugar namin dahil sa pangangaral ng ebanghelyo at palaging nanganganib na madakip ng mga pulis ng CCP. Wala akong nagawa kundi lisanin ang aking tahanan upang maaari akong magpatuloy na magampanan ang aking tungkulin.

Hul 29, 2020

Yaon Lamang mga Umaasam at Naghahanap sa Katotohanan ang Makakakita sa Diyos



Bagong nagawa ng Diyos ngayon;
baka 'di mo tanggapin.
Kaiba, ngunit hiling Ko
'wag ipakita likas na ugali mo.
Wala kang mapapala
sa pakikipagtalo,
kundi sa mahinahong usapan lamang.

Hul 26, 2020

"Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao" (Sipi V)


Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol.

Hul 25, 2020

Ang Kaharian ng Langit ay Aktwal na Nasa Lupa Na


Ni Chen Bo, Tsina

Ang pinakamalaking inaasam nating mga nananampalataya ay ang makapasok sa kaharian ng langit, at matamasa ang walang-hanggang kaligayahang bigay ng Panginoon sa tao. Sa tuwing naririnig ko ang pastor na sinasabi sa kanyang sermon na ang lugar na ihahanda ng Panginoon para sa atin sa hinaharap ay nasa kalangitan sa itaas, na mayroong mga bukid ng ginto at mga pader na gawa sa jade, maraming nagkalat na hiyas na kumikinang, makakatikim tayo ng prutas mula sa puno ng buhay, at makakainom ng tubig mula sa ilog ng buhay, at mawawala nang lahat ng sakit, luha, at pighati, at ang lahat ay magiging malaya at pinakawalan na, nadarama ko ang matinding pagdaluyong ng damdamin at kaligayahan.

Ginabayan Ako ng Makapangyarihang Diyos sa Landas ng Pagkamit ng Paglilinis


Ni Gangqiang, USA

Noong 2007, dahil sa maraming kagipitan sa buhay ko, pumunta ako sa Singapore nang mag-isa para maghanap-buhay. Buong taon, napakainit ng klima sa Singapore, kaya araw-araw tumatagaktak ang pawis ko kapag nagtratrabaho. Napakahirap nito kaya nagdusa ako sa hindi mabigkas na paraan, at bukod pa riyan di-pamilyar na buhay iyon na walang sinumang kamag-anak o kaibigan, kaya inakala kong kabagot-bagot at nakapapagod ito. Isang araw ng Agosto, nakatanggap ako ng polyeto ng ebanghelyo habang pauwi sa bahay galing sa trabaho na nagsasaad: “At ang Dios ng buong biyaya na sa inyo’y tumawag sa kaniyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo, pagkatapos na kayo’y makapagbatang sangdaling panahon, ay siya rin ang magpapasakdal, magpapatibay, at magpapalakas sa inyo” (1 Pedro 5:10).

Hul 24, 2020

Bakit Babalik ang Panginoon upang Gawin ang Gawaing Paghatol sa mga Huling Araw?


Maraming mga tao ang naniniwalang napatawad na ang ating mga kasalanan at natamo na ang kaligtasan dahil ihinayag natin ang ating pananampalataya sa Panginoon, kaya bakit hindi dumarating ang Panginoon upang dalhin tayo nang direkta sa makalangit na kaharian? Bakit kailangan pa rin Niyang hatulan at dalisayin ang mga ito? Ang paghatol ba ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw ay pagdalisay at kaligtasan, o paggawad ng parusa at pagkawasak ng sangkatauhan? Ibubunyag ng clip na ito ang mga hiwaga sa iyo.

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...