Ibinibigay ng Diyos sa Tao ang Kailangan Nila Ayon
sa Kanilang mga Pagsamo
I
Matapos likhain ng Diyos ang tao,
pinagkalooban Niya sila ng mga espiritu,
at sinabi sa kanila na kung hindi sila tatawag sa Kanya,
sila'y malalayo sa Kanyang Espiritu,
at ang “makalangit na pagsasahimpapawid”
ay hindi matatanggap sa lupa.
Sa mga pagsamo ng sangkatauhan,
ibinibigay sa kanila ng Diyos ang kanilang kailangan.
Dati'y 'di Siya "naninirahan" sa kanila,
pero sa pagsamo nila'y tinutulungan sila.
Sila'y nagiging malakas dahil sa tibay ng kalooban,
at 'di nangangahas lumapit dito si Satanas
para maglaro ayon sa gusto nito.