Dumarating ang Diyos upang iligtas ang sangkatauhan
'di sa Espiritu o bilang Espiritu,
na 'di nakikita o nahahawakan ninuman,
na 'di malalapitan ng tao.
Kung nililigtas ng Diyos ang tao bilang Espiritu't
hindi isang tao ng paglikha,
walang makakakuha ng kaligtasan N'ya.
Oo, walang sinumang maliligtas.
Nagiging 'sang nilikhang tao ang Diyos,
nilalagay N'ya salita N'ya sa katawang-tao.
Para Kanyang maibibigay ang Kanyang salita
sa lahat ng sumusunod sa Kanya.
Kaya't makaririnig at makakakita't
makakatanggap ang tao ng salita N'ya.
Sa pamamagitan nito tao'y
tunay na maliligtas sa kasalanan n'ya.
II
Kung 'di nagkatawang-tao ang Diyos,
walang taong may laman ang maliligtas,
at walang sinumang makakatanggap
ng dakilang kaligtasan ng Diyos.
Kung gumawa sa gitna ng tao ang Espiritu ng Diyos,
masasaktan silang lahat,
o binihag ni Satanas,
dahil 'di nila mahahawakan ang Espiritu ng Diyos.
Nagiging 'sang nilikhang tao ang Diyos,
nilalagay N'ya salita N'ya sa katawang-tao.
Para Kanyang maibibigay ang Kanyang salita
sa lahat ng sumusunod sa Kanya.
Kaya't makaririnig at makakakita't
makakatanggap ang tao ng salita N'ya.
Sa pamamagitan nito tao'y
tunay na maliligtas sa kasalanan n'ya.
III
Kaligtasa'y tinatanggap ng tao 'di
mula sa mga panalangin sa langit,
ngunit mula sa pagkakatawang-tao ng Diyos,
dahil sila'y laman lahat.
Di nila makikita o malalapitan
ang Espiritu ng Diyos.
Tanging Diyos na nagkatawang-tao'y ang Isa
na ma'ari nilang makaugnayan.
Sa pamamagitan Niya,
nauunawaan nila lahat ng katotohana't
nakukuha lubos na kaligtasan.
Nagiging 'sang nilikhang tao ang Diyos,
nilalagay N'ya salita N'ya sa katawang-tao.
Para Kanyang maibibigay ang Kanyang salita
sa lahat ng sumusunod sa Kanya.
Kaya't makaririnig at makakakita't
makakatanggap ang tao ng salita N'ya.
Sa pamamagitan nito tao'y
tunay na maliligtas sa kasalanan n'ya,
tunay na maliligtas sa kasalanan n'ya.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
————————————————————
Malaman ang higit pa: Ikalawang Pagparito ni Jesucristo
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento