Kidlat ng Silanganan

菜單

Mar 15, 2020

Tagalog Christian Worship Song | "Isang Panaghoy para sa Kalunos-lunos na Mundo"



Tagalog Christian Songs | "Isang Panaghoy para sa Kalunos-lunos na Mundo"


I
Nagpapaanod sa panahon, lumilipas na buhay.
Ang mga taon ay parang panaginip.
Nagdudumali sa paghabol ng katanyagan at yaman.
Ginugugol ang mga buhay para sa mga bagay ng laman.
Walang ibinigay sa katotohanan.
At tulad nito, pinalipas nila ang kanilang kabataan.
Walang iniisip tungkol sa mga paghihirap ng Diyos
o sa Kanyang dakilang pagiging kaibig-ibig.
Pinalilipas lamang ang mga hungkag na araw.
Wala ni isang araw na ipinamuhay para sa Diyos.
Di pinangiti ang mga labi ng Diyos.
Hungkag at walang anumang halaga.
Sino ang nakaunawa sa puso ng Diyos?
Sino ang maaaring makihati 
sa buhay at kamatayan ng Diyos?
Sino ang nagbigay-halaga 
sa lahat ng Kanyang mga salita?
Sino ang naglaan ng lahat nila para sa Diyos?
Kailan titigil ang mga bulaklak ng tagsibol
sa kanilang pamumukadkad?
Narito sa mundo ang tunay na pag-ibig.
Lungkot at saya, pagtaas at pagbaba. 
Ang ikot ng panahon, patuloy at patuloy.
Diyos tinatalikuran bawat taon.
Tunay na mundong kalunos-lunos!
II
May tahanan ang tao, isang lugar ng kaginhawahan.
Nguni’t ang Diyos ay walang 
mapagpahingahan ng Kanyang ulo.
Ilan ang nag-aalay ng kanilang sarili?
Napuno na Siya sa kanilang panlalamig,
tiniis ang paghihirap ng buong mundo —
isang mahirap na daan tungo sa simpatiya.
Nag-aalala para sa tao,
nagpapakasipag ang Diyos sa piling nila
at gumagawa nang walang kapaguran.
Kahit dumadaan ang panahon,
ibinibigay Niya ang lahat sa sangkatauhan.
Sino ang nagmamalasakit sa Kanyang kaligtasan?
Sino ang humihingi ng Kanyang kaginhawahan?
Gaano na lang humingi ang tao sa Diyos!
Hindi kailanman iniisip ang Kanyang kagustuhan.
Tamasahin ang masayang buhay pamilya,
nguni’t bakit Siya'y pinaiiyak nila?
Kailan titigil ang mga bulaklak ng tagsibol
sa kanilang pamumukadkad?
Narito sa mundo ang tunay na pag-ibig.
Lungkot at saya, pagtaas at pagbaba.
Ang ikot ng panahon, patuloy at patuloy.
Diyos tinatalikuran bawat taon.
Tunay na mundong kalunos-lunos!

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

________________________________________________________

Manood ng higit pa: Tagalog praise and worship Songs


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...