Zixin Lungsod ng Wuhan, Lalawigan ng Hubei
Sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos at pakikinig sa pangangaral, naunawaan ko ang kahalagahan ng pagiging isang matapat na tao at kaya nagsimula akong magsanay na maging isang matapat na tao. Pagkalipas ng ilang panahon, nalaman ko na natamo ko ang ilang daan sa pagiging isang matapat na tao. Halimbawa: Habang nananalangin o nakikipag-usap sa isang tao, nagagawa kong sabihin ang totoo at mula sa puso; nagagawa ko ring isakatuparan ang aking tungkulin nang seryoso, at kapag ibinunyag ko ang katiwalian nabubuksan ko ang aking sarili sa ibang tao. Dahil dito, akala ko na ang pagiging isang matapat na tao ay medyo madaling gawin, at hindi talaga kasing hirap tulad ng inilalarawan ng mga salita ng Diyos: “Karamihan ay mas nanaising maparusahan sa impiyerno kaysa magsalita at kumilos nang buong katapatan.” Kailan ko lang napahalagahan sa pamamagitan ng karanasan na hindi talaga madali para sa tiwaling tao na maging isang matapat na tao. Talagang ang mga salita ng Diyos ay lubos na totoo at ganap na hindi pinagrabe.
Nang ako ay nag-e-edit ng mga artikulo isang araw, nakita ko na ang isang kapatid na babae mula sa pangkat na nag-e-edit mula sa isang distrito ay mas mahusay kaysa sa akin, hindi mahalaga kung ito man ay sa pagsulat o pag-edit ng mga artikulo. Noon ay naisip ko: Dapat akong maging mas mahigpit sa mga artikulong inedit niya, kung sakaling makita ng mga lider na mas mahusay siyang mag-edit ng mga artikulo kaysa sa akin at itaas ang kanyang ranggo, na ilalagay sa peligro ang aking sariling posisyon. Pagkatapos lumabas ng layunin na ito, nadama ko ang pag-akusa sa kalooban. Pagkatapos ng pagsusuri at pag-aaral, nakilala ko na ito ay pagpapakita ng pagsusumikap para sa katanyagan at pakinabang, pagiging inggit sa tunay na talino, at pagbubukod sa mga taong iba sa akin. Sa isang pagpupulong, sa simula ay gusto kong lantaran na ipahayag ang aking katiwalian, ngunit naisip ko: Kung sabihin ko ang aking masasamang layunin, paano ako titingnan ng aking kapareha at ng kapatid na babae ng kumukupkop na pamilya? Sasabihin ba nilang masyadong malisyoso ang aking puso at napakasama ng aking kalikasan? Huwag na lang, mas mabuting hindi ko sabihin ito. Ito ay pag-iisip lang, at hindi ito parang talagang ginawa ko rin ito. At kagaya lang niyon, basta binabanggit ko lang kung gaano ako sobrang ninerbiyos na ako ay papalitan nang makita ko na mahusay na mag-edit ang ibang tao, habang itinatago ang tunay kong madilim na panig. Pagkatapos nito, nadagdagan nang malaki ang paninisi sa aking puso. Kaya nangako ako sa harap ng Diyos na mangyayari lang ito nang isang beses, at sa susunod na pagkakataon tiyak na isasagawa ko ang pagiging isang tapat na tao.
Pagkatapos ng ilang araw, habang nakikipagkuwentuhan ako, narinig kong sinabi ng kapatid na babae ng kumukupkop na pamilya kung gaano kabuti ng dalawang kapatid na babae na dating nakatira sa kanyang bahay (kilala ko sila), ngunit hindi kailanman nagsabi ng isang salita tungkol sa kung ako ay mabuti o hindi, kaya naging napakalungkot ng aking kalooban. Upang pataasin ang tingin niya sa akin, inilista ko nang paisa-isa ang mga kapintasan ng dalawang kapatid na babae na iyon, ipinapahiwatig na hindi sila kasing buti tulad ko. Pagkatapos sabihin ito, napagtanto ko rin na hindi tama ang kung ano ang sinabi ko, at na ang aking intensiyon at layunin ay upang siraan ang ibang tao para itaas ang sarili ko. Ngunit labis akong nahiya na magpahayag sa kanila, kaya sinabi ko sa kapatid na babae ng kumukupkop na pamilya: “Nang marinig kong pinuri mo ang dalawang kapatid na babaeng iyon, nadama ko na mayroon kang ilang iniidolo sa puso mo, at kaya dapat kong sirain ang kanilang imahe nang kaunti upang hindi mo na titingalain ang mga tao.” Sa sandaling humupa ang aking tinig, sinabi ng kapatid na babae na ipinareha sa akin: “Depende ito sa kung mayroon kang anumang lihim na motibo. Kung gayon, napakataksil niyon. Kung hindi, maaari lang sabihin ito na naging isang paghahayag ng katiwalian.” Pagkarinig sa kanyang sabihin ito, naging labis akong natakot na magkakaroon sila ng masamang palagay sa akin, kaya mabilis kong sinubukan na ipaliwanag ang aking sarili: “Wala akong anumang lihim na motibo. Hindi ko lang naipahayag ito sa tamang paraan….” Pagkatapos nitong mababaw na pangangatuwiran, naging sobrang balisa ang aking kalooban, at nang manalangin ako nadama ko na lalo pang inakusahan: Sobra kang tuso. Nagsasalita ka sa hindi tuwirang paraan, gumagawa ng mga kasinungalingan, at tinatakpan ang katotohanan, laging itinatago at ikinukubli ang iyong masasamang intensiyon at mga mapagmataas na ambisyon. Hindi ba’t ito ay panlilinlang sa Diyos? Gayunman, hindi pa rin ako nagsisi at nagmakaawa lang sa Diyos na patawarin ako. Ngunit ang disposisyon ng Diyos ay hindi dapat saktan, at ang pagdisiplina ng Diyos ay malapit nang ipataw sa akin.
Nang sumunod na araw, bigla akong nagkaroon ng mataas na lagnat, sumakit lahat ng kasu-kasuan ng aking katawan. Una kong naisip na nagkasipon ako habang natutulog sa gabi at na gagaling ako kung iinom lang ako ng ilang gamot. Ngunit sino ang nakakaalam na hindi makakatulong ang pag-inom ng gamot, at pagkaraan ng dalawang araw hindi na rin ako makatayo mula sa higaan. Higit pa, namaga at nanigas ang aking dila, at namaga rin nang masakit ang aking lalamunan, lubos na masakit kaya hindi ako makapagsalita. Kung napakahirap ng paglunok ng laway, lalo na ang pagkain. Sa harap nitong biglang pagkakasakit, natakot ako, at paulit-ulit na nanalangin sa Diyos sa aking puso. Sa sandaling iyon, biglang umusbong sa aking kalooban ang isang malinaw na pagkaunawa: Sino ang pumayag na magsinungaling ka? Kung nagsisinungaling ka dapat kang disiplinahin. Sa paraang ito, hindi magkakasala ang iyong dila. Noon ko lang napagtanto na nangyari sa akin ang pagdisiplina ng Diyos. Kaagad akong humingi ng tawad sa Diyos sa aking puso: “O Diyos, alam ko na mali ako. Mangyaring patawarin ako. Sa oras na ito tiyak na magtatapat ako.” Pagkatapos manalangin, napansin ko na ang sakit sa aking lalamunan ay naging kapansin-pansing mas magaling na. Gayunman, nang ang aking kapareha at ang kapatid na babae ng kumukupkop na pamilya ay lumapit upang tanungin kung bakit ako biglang nagkasakit, sa una ay gusto kong sabihin ang buong katotohanan, ngunit naisip ko: “Sa sandaling magpahayag ako, marami sa mga bagay na dati kong sinabi ang mapapasinungalingan. Sasabihin ba nilang napakatuso ko? Paano kami magkakasundo sa hinaharap?” Pagkatapos maisip ang mga bagay na ito, wala pa rin akong lakas ng loob na ibunyag ang katotohanan, at sinabi na lang nang magiliw na nagkasakit ako dahil ako ay nangungulila. Nang umalis sila, ang pakiramdam ng kahirapan sa aking puso ay tulad ng pumuputol na talim. Hindi ko kailanman naisip na mabilis na darating at hindi kinukusa ang aking panloloko. Nahiga ako sa kama, nadarama ang sikip sa aking dibdib at hirap na huminga, na parang mamamatay na ako. Natakot ako na maghabol ng hininga, kaya sa kabila ng lahat hinila ko ang sarili ko upang buksan ang pinto ng silid at hinayaang umikot ang hangin. Sino ang nakakaalam na nang makarating ako sa pinto, naramdaman kong umikot ang mundo. Nagdilim ang aking paningin habang nanghina ang aking mga binti at pinawisan ng malamig ang buo kong katawan. Dinala ng lakas, sumandal ako sa hamba ng pinto. Sa sandaling ito, kumislap sa aking puso ang isang linya ng salita ng Diyos: “Paano Ko pahihintulutan ang mga tao na dayain Ako sa ganyang paraan?” (“Ang Inyong Pagkatao ay Napakababa!” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa mukha ng makahari at mabagsik na mga salita ng Diyos, nadama ko ang galit ng Diyos sa akin, at walang magawa ang aking puso kundi manginig sa takot. Hindi dapat saktan ang disposisyon ng Diyos, ngunit alang-alang sa aking sariling reputasyon, katayuan, at kapalaluan, pinagtaksilan ko ang aking pangako nang paulit-ulit, walang hiyang nililinlang ang Diyos. Paanong pahihintulutan ako ng Diyos na tratuhin Siya nang ganito? Labis akong hiningal at patuloy na sinasabi sa Diyos sa aking puso: “Sa oras na ito ay tiyak na magsasalita na ako, tiyak na magsasalita na ako …” Sa ilalim ng pagdisiplina at parusa ng Diyos, sa wakas ay wala na akong pagpipilian kundi ibunyag ang buong kuwento sa mga kapatid na babae.
Sa pamamagitan lang ng karanasang ito na sa wakas ay naunawaan ko ang mga salita ng Diyos na “Karamihan ay mas nanaising maparusahan sa impiyerno kaysa magsalita at kumilos nang buong katapatan.” ay talagang totoo at pinupuntirya ang mga tusong tao na tulad ko. Dahil ang tuso kong kalikasan ay malalim na nakaugat sa aking kalooban at naging buhay ko, ang pagiging matapat na tao para sa akin ay mas mahirap kaysa sa pag-akyat sa langit. Iniisip ko dati na ang pagiging matapat na tao ay madali, ngunit iyon ay dahil ang aking pagsasagawa ay hindi talaga nagsasangkot ng mga bagay sa kaibuturan ng aking kaluluwa at basta lang ilang panlabas na pag-uugali sa ilalim ng paunang kondisyon na walang maaapektuhang personal na interes. Kung ngayon ay naapektuhan nito ang aking mahahalagang interes o naapektuhan ang aking mga pag-asa at destinasyon, ang aking katayuan at mukha, ibubunyag ng luma kong kalikasan ang sarili nito at hindi ako magiging isang matapat na tao. Sa katotohanang nasa harap ko, nagsimula kong pahalagahan nang labis na talagang hindi madaling maging isang matapat na tao. Lalo na sa isang tusong tao na tulad ko, hindi ako kailanman magiging matapat na tao nang hindi inaalis lahat ng pagkukunwari at nang walang pagdisiplina at parusa ng Diyos. Mula ngayon, matapat kong sisikaping matamo ang katotohanan, tanggapin lahat ng salita ng Diyos, unawain ang sarili kong tusong kalikasan nang mas malalim pa, at alisin ang lahat ng pagkukunwari at maging isang matapat na tao, upang maisabuhay ko ang tunay na anyo ng isang tao.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento