Isang araw, bigla kong narinig na ang aking ama ay itiniwalag mula sa iglesia. Ako ay lubos na nasindak sa oras na iyon at hindi ko ito maunawaan. Sa aking puso, ang aking ama ang pinakadakilang tao sa mundo. Kahit na siya ay may mainiting ulo, siya ay lubhang nagmalasakit sa aming magkakapatid at hindi kami kailanman binugbog o pinagalitan. Sa kabila ng mga suliranin ng aming pamilya, hindi niya ipahihintulot na kami ay makaramdam ng pagkagalit kahit gaano kadami ang pagdurusa na dapat niyang tiisin. Matapos tanggapin ng aming buong pamilya ang gawain ng Diyos, ang aking ama ay lalong naging aktibo sa pagtupad sa kanyang tungkulin, at madalas na hinimok kami na tuparin ang aming mga tungkulin nang maayos.
Kahit na ang aking ama ay medyo mabagsik kung minsan, sa sandaling may tungkuling tutuparin, gaano man kalakas ang hangin at ulan o ang tindi ng kahirapan, hahanap siya ng paraan upang makumpleto ito. Paanong matitiwalag ang ganoong mabuting tao? Kung hindi siya makatatanggap ng kaligtasan, kung gayon sino ang maaari? Pinuno ng sitwasyon ang aking puso ng pagdaramdam at pagtatalo, dahil naramdaman ko na ang iglesia ay hindi pinakitunguhan ang aking ama nang patas. Bagama’t hindi ko sinabi ito, nahirapan akong kalmahin ang puso ko at naghirap ako sa pagdurusa.
Ilang araw na ang nakakaraan, nakita ko ang mga sumusunod sa mga salita ng Diyos: “Maaaring sa lahat ng mga taon ng iyong pananampalataya sa Diyos, hindi mo kailanman isinumpa ang sinuman o nakagawa ng masama, ngunit sa iyong pakikipag-ugnay kay Cristo,hindi mo...sundin ang salita ni Cristo; sinasabi ko ngayon na ikaw ang pinaka-mapanlinlang at pinakamasama sa mundo. Kung ikaw ay talagang magandang-loob at tapat sa iyong mga kamag-anak, mga kaibigan, asawang babae (o asawang lalaki), anak na lalaki at mga anak na babae, at mga magulang, at hindi kailanman nananamantala ng iba, gayunman ay hindi ka maaaring maging kaayon at makipagpayapaan kay Cristo, at kahit na...kinalinga nang mabuti ang iyong ama, ina, at kasambahay, sinasabi ko pa ring ikaw ay masama, at may katusuhan din. Huwag mong isipin na ikaw ay kaayon kay Kristo kung ikaw ay kaayon sa tao o gumagawa ng ilang mabubuting gawa. ... Sa tingin mo ba na ang mabuting gawa ay ang panghalili para sa iyong pagsunod?” (“Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Pagkatapos magbulay sa mga salita ng Diyos, unti-unti kong naintindihan: Upang makita kung ang isang tao ay matuwid o masama, huwag tingnan kung ang kanilang panlabas na pag-uugali ay mabuti o masama o kung paano ang kanilang mga relasyon sa ibang mga tao. Sa halip, tingnan ang kanilang kaugnayan sa Diyos, at kung mayroon silang totoong pagsunod at takot sa Diyos. Gaano man kahusay ang interpersonal na pakikipag-ugnayan ng isang tao, sila ay masama kung hindi sila makaayon ni Cristo at hindi masunod ang Kanyang mga salita. Sa kanyang dating denominasyon, ang aking ama ay isang lider. Matapos tanggapin ang yugtong ito ng gawain ng Diyos, hindi siya pinili ng mga kapatid sa iglesia upang maging lider dahil ang kanyang kalikasan ay masyadong mapagmataas. Bagama’t nagmukha siyang masunurin sa panlabas at ginawa ang anumang sinabi sa kanya, ang kanyang nakatagong motibo ay makaupong muli sa "trono" ng lider. Nang maglaon, nang ang kanyang hangarin ay hindi natupad, ipinakita niya ang kanyang mga tunay na kulay, palaging kumikilos nang napakayabang sa iglesia, hindi kailanman nakikinig sa sinuman, at palaging pinipilit ang mga tao na makinig sa kanya kahit na ano pa man. Kapag nakita niya ang isang manggagawa na hindi umaakma sa gusto niya, hahatulan niya, mamaliitin, at pasasamain. ... Hindi ba ito ang pag-uugali ng masama? Kung tunay na siya ay naging isang lider, hindi ba’t iyon ay pagsira sa iglesia at pagpinsala sa mga kapatid? Hindi ko alam ang kalikasan at diwa ng aking ama, at palaging nalilito sa kanyang mga salita at kilos sa panlabas at binulag ng kanyang maka-amang pag-ibig. Napakahina ko sa paghatol sa mga tao. Gaya ng sinabi ng Diyos: “Ang pamantayan kung saan ang tao ay hinahatulan ang tao ay batay sa kanyang pag-uugali; ang isa na may mabuting pag-uugali ay isang matuwid na tao, at ang isa na ang pag-uugali ay karumaldumal ay masama. Ang pamantayan kung saan hinahatulan ng Diyos ang tao ay batay sa kung ang kakanyahan ng isa ay sumusunod sa Kanya; ang isang sumusunod sa Diyos ay isang matuwid na tao, at ang hindi sumusunod sa Diyos ay isang kaaway at isang masamang tao, hindi alintana kung ang pag-uugali ng taong ito ay mabuti o masama, at hindi alintana kung ang pagsasalita ng taong ito ay tama o mali” (“Ang Diyos at Tao ay Papasok sa Kapahingahan na Magkasama” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ayon sa mga salita ng Diyos, ang pag-uugali ng aking ama ay hindi pagsunod sa pagsasaayos at pagkakaayos ng Diyos, nagdudulot din ito ng pagkagambala. Ang ganitong diwa ay lumalaban sa Diyos. Ngunit ginamit ko ang kanyang panlabas na pag-uugali, tulad ng pag-aalaga sa akin at pag-aasikaso sa akin, sa pagiging nakatutupad sa kanyang tungkulin, upang hatulan siya na isang mabuting tao, na iniisip na hindi siya dapat itiniwalag ng iglesia. Gayunpaman, ang kanyang mabuting gawa sa panlabas ay hindi tumutumbas sa pagsunod sa Diyos, at lalong hindi matatawag na matuwid. Tanging ang mga tunay na sumusunod sa pagsasaayos ng Diyos at maluwag sa loob na tinatanggap ang pagkastigo at paghatol ng Diyos at naghahangad ng pagbabago ng disposisyon, ang makatatanggap ng kaligtasan. Tanging ang kaniyang sarili ang masisisi ng aking ama sa pagbagsak sa kanyang kalagayan ngayon. Siya ang lumikha nito sa kanyang hindi paghahanap ng katotohanan, at wala na siyang iba pang masisisi. Bukod pa rito, isa itong patunay ng matuwid na disposisyon ng Diyos.
O Diyos! Salamat sa paggamit mo sa kapaligirang ito at sa pagbibigay sa akin ng ganitong aspeto ng katotohanan upang baliktarin ang aking mga maling pananaw, at sa pagpapakita sa akin na ang Iyong kabanalan at ang Iyong matuwid at marilag na disposisyon ay hindi dapat pagkasalahan ng sinuman. Ito ay nagpaunawa sa akin na hindi ko makikilala o mauunawaan ang mga bagay nang wala ang katotohanan. Mula ngayon, anuman ang mangyari sa akin, hindi ko na hahatulan ang isang tao batay sa kaniyang panlabas na anyo. Kailangan kong gamitin ang pananaw ng katotohanan at tanggapin ang lahat ng bagay na Iyong ginagawa. Kahit na hindi ko maunawaan ang mga bagay na Iyong ginagawa, paniniwalaan ko na ang lahat ng ginagawa Mo ay tama. Hindi na ako mag-aanalisa at magsusuri mula sa pananaw ng isang tao. Maninindigan ako sa panig ng katotohanan, na patuloy na iniingatan ang aking sarili upang tumayong saksi para sa Iyo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento