Kidlat ng Silanganan

菜單

May 8, 2019

Tagalog Christian Songs| Ang Kahalagahan ng Pangalan ng Diyos




Tagalog Christian Songs|Ang Kahalagahan ng Pangalan ng Diyos


Ang pangalan ng Diyos sa bawat panahon
at yugto ng gawain ay may halaga.
Sumasagisag ito ng isang kapanahunan.
I
Kumakatawan lahat ang Jehova,
Jesus at Mesias sa Espiritu ng Diyos.
Ngunit mga kapanahunan lang
sa pamamahala ng Diyos ang kinakatawan,
hindi ang Kanyang kabuuan.
Mga bansag ng tao sa Diyos ay di sapat
upang ipahayag kabuuan ng disposisyon Niya,
di maihayag kalahatan Niya.
Tanging mga pangalan ng Diyos sa iba’t ibang kapanahunan.
Kaya sa pagdating ng huling kapanahunan,
muling magbabago ang Kanyang pangalan.
Di na Siya tatawaging Jehova, Jesus o Mesias.
at sa pangalang ito ay tatapusin Niya ang kapanahunan.
II
Tinawag Siyang Jehova. Tinawag rin na Mesias.
At sa pag-ibig
at galang ng tao tinawag Siyang Jesus ang Tagapagligtas.
Ang Diyos ngayo’y di na Jehova o Jesus
na nakilala sa nakaraan.
Siya ang nagbalik na Diyos sa mga huling araw,
ang Diyos na tatapos sa kapanahunang ito.
Puspos ng Kanyang buong disposisyon,
awtoridad, dangal at luwalhati.
Siya ang Mismong Diyos na umaangat sa mga dulo ng lupa.
III
Mga bansa’y mapagpapala sa wakas,
mapagpapala at dudurugin ng mga salita ng Diyos.
Makikita sa mga huling araw
na nagbalik na ang Tagapagligtas na Diyos.
na lumulupig sa buong sangkatauhan.
Ipapakita Niyang minsan Siyang inalay
para sa kasalanan ng sangkatauhan.
Ngunit sa mga huling araw
Siya ang apoy ng araw na tumutupok sa lahat,
ang araw ng katuwiran na nagbubunyag sa lahat.
Ito ang gawain ng Diyos sa mga huling araw.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...