Tagalog worship songs playlist 1
Awit ng Pagsamba|Walang Kapangyarihan ang Makakapigil sa Nais ng Diyos na Makamit
I
Diyos muling dumating ngayon sa mundo
upang gawain N’ya’y gawin.
Unang hinto ng gawain N’ya’y
engrandeng pagtitipon ng mga diktador:
Tsina—ang matatag na balwarte,
ang balwarte ng ateismo.
Sa karunungan N’ya’t kapangyarihan,
Sa kasalukuyan,
tinutugis Siya ng namumunong partido ng Tsina
sa bawat paraan.
Nagdurusa S’ya nang matindi,
walang mapahingahan o masilungan.
Gayunman,
Diyos patuloy pa rin sa gawaing dapat N’yang gawin,
sa gawaing dapat N’yang gawin: binibigkas tinig N’ya,
ebanghelyo’y pinalalaganap.
II
Walang nakaaarok sa pagka-makapangyarihan ng Diyos.
Sa bansang gaya ng Tsina na tingin sa Diyos ay kaaway,
Diyos kailanma’y di tumitigil na gawain N’ya’y isakatuparan.
Sa halip,
taong tumatanggap sa gawai’t salita N’ya’y dumarami,
lahat ginagawa N’ya upang sagipin bawa’t isang tao, bawa’t tao.
Ang nais ng Diyos na makamit ay bagay
na di mapigilan ng kahit anong bansa’t kapangyarihan.
At y’ong humahadlang, lumalaban sa gawai’t salita ng Diyos,
gumugulo’t sumisira sa mga plano
N’ya’y parurusahan ng Diyos sa katapusan.
III
Kung may lumalaban, lumalaban sa gawain ng Diyos,
itatapon ng Diyos ang taong yan sa impiyerno;
kung nilalabanan ng isang bansa ang gawain ng Diyos,
sisirain ng Diyos ang bansang ito;
kung titindig ang isang bansa’t
sasalungatin gawain ng Diyos,
paglalahuin ng Diyos ang bansang ito’t titigil sa pag-iral.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Tagalog worship songs playlist 2
Awit ng Pagsamba
Si Satanas ay Walang Maaaring Mabago sa Ilalim ng Awtoridad ng Diyos
I
Sa maraming taon, libu-libong taon,
na ang tao'y ginagawang tiwali ni Satanas,
gumawa ng higit na kasamaan.
Mga salinlahi, isa-isang nalinlang nito.
Oh, maraming krimen, kakila-kilabot na krimen
na ginawa ni Satanas sa buong mundong 'to.
Ang tao'y pinukaw na labanan ang Diyos,
inabuso, dinaya ang tao,
hinanap upang wasakin ang plano sa pamamahala ng Diyos.
Bagaman si Satanas ay lumalakad sa mga bagay
na nilikha ng Diyos,
hindi nito, kahit kaunti, mababago ang tao o mga bagay.
Bagaman si Satanas ay lumalakad sa mga bagay
na nilikha ng Diyos,
wala 'tong mababago.
Walang nagbabago sa ilalim ng mga utos ng Diyos.
Walang ni isang bagay itong mababago.
Walang nagbabago sa ilalim ng mga utos ng Diyos.
II
Sa ilalim ng awtoridad ng Diyos, nananatili pa rin
ang lahat ng bagay sa Kanyang mga tuntunin.
Lahat ng buhay na nilalang ay sumusunod pa rin
sa batas na inilatag ng Diyos.
Kumpara sa dakilang awtoridad ng Diyos,
ang masamang kalikasan ni Satanas ay hamak,
laganap at pangit, kasuklam-suklam,
lubhang maliit at lubhang mahina.
Bagaman si Satanas ay lumalakad sa mga bagay
na nilikha ng Diyos,
hindi nito, kahit kaunti, mababago ang tao o mga bagay.
Bagaman si Satanas ay lumalakad sa mga bagay
na nilikha ng Diyos,
wala 'tong mababago.
Walang nagbabago sa ilalim ng mga utos ng Diyos.
Walang ni isang bagay itong mababago.
Walang nagbabago sa ilalim ng mga utos ng Diyos.
Walang nagbabago sa ilalim ng mga utos ng Diyos.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Tagalog worship songs playlist 3
Ang Lahat ng Nilikha ng Diyos
ay Dapat Mapasailalim sa Kanyang Kapamahalaan
I
Lahat ng bagay nilikha ng Diyos,
kaya ginagawa Niya lahat ng nilalang
mapasailalim ng Kanyang paghahari,
at pasakop sa Kanyang kapamahalaan.
Inuutusan N'ya lahat ng bagay,
kinokontrol sila sa mga kamay N'ya.
Mga buhay na nilalang, kabundukan,
mga ilog at tao dapat sumailalim sa Kanyang paghahari.
Lahat ng bagay sa himpapawid at sa lupa
dapat sumailalim sa Kanyang kapamahalaan.
Lahat kailangan magpailalim na walang pagpili.
Ito ang atas ng Diyos at Kanyang awtoridad, awtoridad.
II
Lahat ng bagay nilikha ng Diyos,
kaya ginagawa Niya lahat ng nilalang
mapasailalim ng Kanyang paghahari,
at pasakop sa Kanyang kapamahalaan.
Lahat ay inuutusan ng Diyos,
Inaayos at hinahanay Niya ang lahat ng bagay,
bawat klase ayon sa kanyang uri
at sa kalooban ng Diyos binigyan sila ng posisyon.
Lahat ng bagay sa himpapawid at sa lupa
dapat sumailalim sa Kanyang kapamahalaan.
Lahat kailangan magpailalim na walang pagpili.
Ito ang atas ng Diyos at Kanyang awtoridad, awtoridad.
III
Gaano man kalaki ang isang bagay,
hindi nito malalampasan ang Diyos.
Naglilingkod lahat sa Maylalang ng sangkatauhan,
walang naglalakas ng loob na lumaban
o humingi ng kung anu-ano sa Diyos.
Tao, isang nilalang ng Diyos,
dapat gawin din ang kanyang tungkulin.
Kahit amo o tagapamahala ng lahat ng bagay,
gaano man kataas ang kalagayan n'ya,
s'ya'y maliit pa rin na tao
sa ilalim ng pamamahala ng Diyos.
Isang hamak na tao lang, isang nilalang ng Diyos,
'di kailanman s'ya mas tataas sa Diyos, sa Diyos.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento