Kidlat ng Silanganan

菜單

Dis 22, 2018

Tagalog Worship Songs|Ang Paghatol ng Salita ng Diyos Ay Upang Iligtas ang Tao




Tagalog Worship Songs|Ang Paghatol ng Salita ng Diyos Ay Upang Iligtas ang Tao


I
Kahit na nagsabi ang Diyos ng maraming salita sa inyo
ng pagkastigo, ng paghatol,
'di nagawa ang mga ito sa inyo,
oo, 'di nagawa sa inyo.
Dumating ang Diyos para sa gawain N'ya at magsalita.
Kahit na maaaring mahigpit ang Kanyang mga salita,
sinasabi ang mga ito sa paghatol
sa inyong kasamaan, pagka-mapanghimagsik.
Ang layunin ng Diyos sa ganitong paggawa
ay para hindi magdulot ng pinsala sa tao,
kundi iligtas ang tao mula sa sakop ni Satanas.
Mahigpit ang mga salita ng Diyos
upang tumulong na makamit ang mga resulta.
Sa pamamagitan lang ng ganitong paggawa
makikilala ng sangkatauhan ang kanilang sarili,
makakawala sila sa mapanghimagsik nilang disposisyon.
Kahit na ang mga salita ng Diyos ay maaaring mahigpit,
sinasabi ang mga ito para sa kaligtasan ng tao,
dahil nagsasabi lang Siya ng mga salita,
'di pinaparusahan laman ng tao.
Tinutulungan ng mga salitang 'to
ang taong mabuhay sa liwanag,
malaman na ang liwanag ay umiiral at mahalaga,
malaman na ang mga ito ay kapaki-pakinabang sa tao,
at malaman na ang Diyos ang kaligtasan.
II
Ang gawain ng mga salita ay may dakilang kahulugan:
Maaaring malaman ng tao at kaya isinasagawa ang katotohanan,
natatamo ang mga pagbabago,
nakikilala sarili nila at gawain ng Diyos.
Itong paggawa lang sa pagsasalita
ang makapagtataguyod sa relasyon
sa pagitan ng Diyos at tao.
At mga salita lang makapagpapaliwanag sa katotohanan.
Ito ang pinakamabuting paraan para malupig ang tao.
Bukod sa pagsasabi ng mga salita,
walang makatutulong sa tao para mas lalong malaman
ang lahat ng katotohanan at ang lahat ng gawain ng Diyos.
Nagsasabi ang Diyos sa huling yugto ng gawain N'ya
para ihayag mga 'di alam na katotohanan, mga hiwaga,
gawing matamo ng tao ang tunay na daan, ang buhay,
at nang sa gayon, mapalugod ang kalooban ng Diyos.
Kahit na ang mga salita ng Diyos ay maaaring mahigpit,
sinasabi ang mga ito para sa kaligtasan ng tao,
dahil nagsasabi lang Siya ng mga salita,
hindi pinaparusahan laman ng tao.
Tinutulungan ng mga salitang 'to
ang taong mabuhay sa liwanag,
malaman na ang liwanag ay umiiral at mahalaga,
malaman na ang mga ito ay kapaki-pakinabang sa tao,
at malaman na ang Diyos ang kaligtasan.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Tagalog christian songs mp3 free download

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...