Kidlat ng Silanganan

菜單

Dis 19, 2018

Kidlat ng Silanganan—Pagbigkas ng Diyos|Ika-labintatlong Pagbigkas

Sa inyong kasalukuyang kalagayan masyado kayong nanghahawak sa mga pagkaintindi ng sarili, at medyo malubha ang inyong relihiyosong panggagambala. Hindi ninyo kayang kumilos sa espiritu, hindi ninyo maaaring maunawaan ang gawain ng Banal na Espiritu, at tinatanggihan ninyo ang bagong liwanag. Hindi mo makita ang araw sa maghapon dahil bulag ka. Hindi mo maunawaan ang mga tao, hindi mo kayang iwanan ang mga magulang mo, kulang ka sa espirituwal na kaunawaan, hindi mo alam ang gawain ng Banal na Espiritu, at wala kang ideya kung papaano kumain at uminom ng Aking salita. Suliranin ito na hindi mo alam kung papaano kumain at uminom sa sarili mo. Sumusulong ang gawain ng Banal na Espiritu sa isang kagila-gilalas na bilis bawat araw. May bagong liwanag araw-araw, at may bago at sariwang mga bagay araw-araw, pero hindi mo naiintindihan. Sa halip, gusto mong gumawa ng pananaliksik, at tinitingnan ang mga bagay sa pamamagitan ng pananaw ng iyong sariling mga kagustuhan na hindi maingat na isinasaalang-alang ang mga ito at nakikinig ka nang tuliro. Hindi ka masigasig na nananalangin sa espiritu, hindi ka tumitingin sa Akin o higit na nagbubulay-bulay sa Aking mga salita. Kaya ang tanging mayroon ka ay mga sulat. mga utos at mga katuruan. Dapat alam mo kung papaano kumain at uminom ng Aking salita at madalas lumapit sa harapan Ko dala ang Aking salita.

Hindi makabitaw sa kanilang mga sarili ang mga tao sa ngayon, lagi nilang iniisip na sila yaong mga tama. Nalulubog sila sa kanilang sariling maliit na mundo at hindi sila nagiging mga taong nasa tama. Kung magpipilit sila sa pagkakaroon ng isang di-tamang pakay kung gayon tiyak na hahatulan sila, at kung malubha ito kung gayon maaalis sila. Dapat higit na magsikap sa pagkakaroon ng nagpapatuloy na pakikisama sa Akin at hindi basta nakikisama sa kaninumang gusto. Dapat may isang pagkaunawa sa mga taong kung kanino nakikisama at nagbabahagi tungkol sa mga espirituwal na usapin sa buhay, tanging kung gayon matutustusan ng buhay ang iba at pinupunan ang kanilang mga kakulangan. Hindi dapat gumamit ng tonong nagsesermon sa kanila, na pangunahin ang maling posisyon na magkaroon. Sa pakikisama dapat may isang pagkaunawa sa mga espirituwal na usapin. Dapat may karunungan at makayang maunawaan kung ano ang mga nasa puso ng ibang tao. Dapat maging isang taong nasa tama kung maglilingkod ka sa iba at dapat nakikibahagi kung ano ang mayroon ka.
Ang maselang bagay ngayon ay makaya mo ang pakikisama sa Akin, na makipag-usap nang mabuti sa Akin, kumain at uminom sa iyong sarili, at maging malapit sa Diyos. Dapat maunawaan mo kaagad ang mga espirituwal na usapin at makayang makita ang nasa kapaligiran at kung ano ang nakaayos sa mga paligid mo. Kaya mo bang maunawaan kung ano Ako? Lubhang kailangan na kumain at uminom ka upang mapunan[a] kung ano ang kulang mo at nabubuhay sa Aking salita! Kilalanin ang Aking mga kamay at huwag magreklamo. Kung gagawin mo at humiwalay, maaaring mawala sa iyo ang pagkakataong matanggap ang biyaya ng Diyos. Simulan sa pagiging malapit sa Akin: Ano ang kulang sa iyo, papaano ka mapapalapit sa Akin at nauunawaan ang Aking puso? Mahirap para sa mga tao na mapalapit sa Akin dahil hindi nila mabitawan ang sarili. Laging pabagu-bago ang kanilang disposisyon, tumatakbong mainit at pagkatapos malamig, at nagiging mayabang sila at nasisiyahan sa kanilang mga sarili sa sandaling nakakuha sila ng isang munting tikim ng katamisan. Hindi pa nagigising ang ilang tao; Gaano karami sa sinasabi mo ang naglalaman kung ano ka? Gaano karami nito ang pagtatanggol sa sarili, o panggagaya sa iba o pagsunod lang sa mga tuntunin? Ang dahilan kung bakit hindi mo maaaring maintindihan o maunawaan ang gawain ng Banal na Espiritu ay dahil hindi mo alam kung papaano mapalapit sa Akin. Sa panlabas palagi kang nagmumuni-muni hinggil sa mga bagay-bagay, umaasa sa mga pagkaintindi ng sarili at sa iyong isip; lihim kang nagsasaliksik at nakikibahagi sa ilang maliliit na pakana, at ni hindi mo ito maihayag sa lahat. Ipinapakita nito na hindi mo tunay na nauunawaan ang gawain ng Banal na Espiritu. Kung talagang naiintindihan mo na ang isang bagay ay hindi nanggagaling mula sa Diyos, bakit hindi ka nangangahas na manindigan at tanggihan ito? Gaano karami ang maaaring manindigan at magsalita para sa Akin? Hindi ka nagpapakita ng anumang gulugod ng batang lalaki.
Ang lahat na naisaayos ngayon ay para sa layunin ng pagsasanay sa inyo upang lumago kayo sa inyong buhay, upang gawing malinaw at matindi ang inyong espiritu, upang buksan ang inyong mga espirituwal na mata at makilala ninyo ang mga bagay na galing sa Diyos. Ang galing sa Diyos ay nakakatulong sa iyo na maglingkod na may kapangyarihan at pasanin at maging matatag sa espiritu. Ang mga bagay na hindi galing sa Akin ay hungkag lahat; walang ibinibigay sa iyo ang mga ito, nagdudulot ang mga ito na lumubog ang iyong espiritu at mawalan ka ng iyong pananampalataya at maglagay ng agwat sa pagitan mo at Ako, ginagawang bitag ka ng sarili mong isip. Maaari mong mahigitan ngayon ang lahat sa sekular na mundo kapag nabubuhay ka sa espiritu, pero ang mabuhay sa isip mo ay pagiging nakuha ni Satanas at walang patutunguhan ito. Napakasimple nito ngayon: Tumingin sa Akin sa iyong puso at kaagad magiging malakas ang iyong espiritu, magkakaroon ka ng landas na isasagawa at gagabayan Ko ang bawat hakbang mo. Ibubunyag sa iyo ang Aking salita sa lahat ng panahon at sa lahat ng dako. Saanman o kailanman, o gaano man kasalungat ang kapaligiran, malinaw Kong ipakikita sa iyo at ibubunyag sa iyo ang Aking puso kung tumitingin sa Akin sa iyong puso; sa ganitong paraan tatakbo ka sa daang nasa harapan at hindi kailanman maliligaw. Sinisikap ng ilang tao na kapain ang kanilang dinaraanan[b] mula sa labas at hindi kailanman sa loob ng kanilang espiritu. Madalas na hindi nila maaaring maunawaan ang gawain ng Banal na Espiritu. Kapag nakikisama sila sa ibang tao, mas nalilito lang sila na walang landas para masundan at hindi nila alam kung ano ang dapat gawin. Ang gayong tao ay hindi alam kung ano ang masakit sa kanila; maaaring mayroon silang maraming bagay at maaaring mukha silang nasisiyahan sa loob, pero iyan ba’y may anumang pakinabang? Talaga bang mayroon kang landas para masundan? Mayroon ka bang anumang pagpapalinaw at kaliwanagan? Mayroon ka bang anumang bagong mga pananaw? May nagawa ka na bang pagsulong or pag-atras? Maaari ka bang makaalinsabay sa bagong liwanang? Wala kang pagsunod; ang pagsunod na madalas mong binibigyang diing may pagmamalaki ay walang iba kundi usap-usapan lang. Naipamuhay mo ba ang isang masunuring buhay?
Gaano kalaki ang hadlang ng sariling pagkamakatuwiran ng tao, pagkakampante, kasiyahan sa sarili at pagmamataas? Sino ang sisisihin kapag hindi ka makapasok sa realidad? Dapat suriin mong maigi ang iyong sarili para makita kung ikaw ay taong nasa tama. Ginagawa ba ang mga mithiin mo na Ako ang nasa isip? Titindig ba ang iyong mga salita at pagkilos at Aking presensiya? Sinusuri Ko ang lahat ng iyong mga kaisipan at palagay. Hindi ka ba nakokonsensiya? Naglalagay ka ng balatkayo para makita ng iba at mahinahong umaasta ng pagkamakatuwiran sa sarili; ginagawa ito para ipagsanggalang ang sarili mo. Ginagawa mo ito para ikubli ang iyong kasamaan, at naghahanap pa nga ng mga paraan upang itulak ang kasamaang iyan sa iba pa. Anong kataksilan ang naninirahan sa puso mo! Isipin ang lahat na nasabi mo; hindi ba’t para sa iyong kapakanan na natakot ka na ang sarili mong kaluluwa ang masasaktan at kaya ikinubli mo si Satanas, at pagkatapos ninakawan mo ang iyong mga kapatid ng kanilang pagkain at pag-inom? Anong masasabi mo para sa iyong sarili? Iniisip mo ba na sa susunod makakaya mong mapunan ang pagkain at pag-inom na nakuha ni Satanas ngayon? Kaya nakikita mo ito na malinaw ngayon, ito ba’y isang bagay na mapagtatakpan mo? Maaari mo bang mabawi ang nasayang na panahon? Dapat masigasig ninyong sinusuri ang inyong mga sarili para makita kung bakit walang pagkain at pag-inom sa mga huling ilang pagtitipon at sino ang nagdulot ng kaguluhang ito . Dapat isa isang nagtitipon hanggang maging malinaw ito. Kung hindi matinding napipigil ang gayong tao, hindi maiintindihan ng kapatiran, at pagkatapos muli lang itong mangyayari. Hindi bukas ang iyong mga espirituwal na mata at napakarami sa inyo ang bulag! At yaong mga hindi nakakakita ay pabaya tungkol dito. Hindi sila naninindigan at nagsasalita at sila, rin, ay bulag. Yaong mga nakakakita pero hindi nagsasalita ay mga pipi. Marami rito ang mga may kapansanan.
Hindi naiintindihan ng ilang tao kung ano ang katotohanan, kung ano ang buhay, kung ano ang daan, at hindi nila nauunawaan ang espiritu. Itinuturing nila ang Aking salita na walang iba kundi kasabihan lang, at masyadong mahigpit ito. Hindi nila nauunawaan kung ano ang tunay na pasasalamat at papuri. Hindi kayang maunawaan ng ilang tao ang mga maselan at pangunahing bagay, sa halip, nauunawaan lang nila ang pangalawahin. Ano ang ibig sabihin na gambalain ang pamamahala ng Diyos? Ano ang ibig sabihin na gibain ang pagtatayo ng iglesia? Ano ang ibig sabihin na gambalain ang gawain ng Banal na Espiritu? Ano ang isang kampon ni Satanas? Dapat malinaw na maunawaan ang mga katotohanag ito at hindi lang malabong ipagwalang-bahala. Ano ang dahilan na walang pagkain at pag-inom sa panahong ito? Ipinapalagay ng ilang tao na dapat malakas na purihin ang Diyos ngayon, pero papaano nila dapat purihin Siya? Nararapat bang umawit sila ng mga himno at sumayaw para purihin Siya? Hindi ba ibinibilang ang ibang paraan bilang papuri? Dumadalo sa mga pagtitipon ang ilang tao na may pagkaunawa na ang nagdiriwang na papuri ang paraan upang purihin ang Diyos. May ganitong mga pagkaunawa ang mga tao, at hindi nila binibigyang pansin ang gawain ng Banal na Espiritu, na ang kinalalabasan nito ay mayroon pa ring mga paggambala. Walang pagkain at pag-inom sa pagtitipong ito; nakapagsasabi ang lahat na magiging nagsasaalang-alang sila sa pasanin ng Diyos at ipinagtatanggol ang patotoo ng iglesia. Sino ba talaga ang nagsaalang-alang sa pasanin ng Diyos? Itanong sa sarili: Ikaw ba’y isa na nagpakita ng pagsasaalang-alang para sa pasanin ng Diyos? Maaari ka bang magsagawa ng pagkamakatuwiran para sa Diyos? Maaari ka bang manindigan at magsalita para sa Akin? Maaari mo bang matatag na isagawa ang katotohanan? Ikaw ba’y may sapat na lakas ng loob na makibaka laban sa lahat ng gawa ni Satanas? Makakaya mo bang isantabi ang iyong mga damdamin at ilantad si Satanas para sa kapakanan ng Aking katotohanan? Maaari mo bang pahintulutan ang Aking kalooban na maisakatuparan sa iyo? Naihandog mo ba ang iyong puso kapag dumating ang kritikal na panahon? Ikaw ba’y isa na isinasagawa ang Aking kalooban? Tanungin ang sarili at mag-isip tungkol dito nang madalas. Ang mga kaloob ni Satanas ay nasa loob mo at ikaw ang dapat sisihin para diyan dahil hindi mo nauunawaan ang mga tao at bigong makilala ang lason ni Satanas; inaakay mo ang iyong sarili sa kamatayan. Lubusang nalilinlang ka ni Satanas hanggang sa puntong kung saan ganap kang nalilito; lasing ka sa alak ng kahalayan at humahapay ka paroo’t parito hindi nakakayang manghawak ng matatag na pananaw at walang landas ng pagsasagawa. Hindi ka kumakain at umiinom nang tama, mabangis kang lumalaban at nakikipag-away, hindi mo alam ang tama sa mali at sinusunod sinuman ang nangunguna—mayroon ka bang anumang katotohanan? Ipinagtatanggol ng ilang tao ang kanilang mga sarili at nakikilahok pa sa panlilinlang, nakikisama sila sa iba pero iyan ay nag-aakay sa kanila sa isang walang patutunguhan. Mula sa Akin ba nakukuha ng mga taong ito ang kanilang layunin, mithiin, pangganyak, at pinagmulan? Sa palagay mo kaya mapupunan mo ang kapatiran sa nawawalang pagkain at pag-inom nila? Maghanap ng ilang tao sa pakikisama at tanungin sila, at hayaang silang magsalita para sa sarili nila: Sila ba ay natustusan ng anuman? O nakainom sila ng isang kabusugan ng maruming tubig at napuno ng basura at ngayon ay wala silang landas upang sundan? Hindi ba’t magigiba niyan ang iglesia? Nasaan ang pag-ibig na nasa mga kapatiran? Lihim kang nagsasaliksik kung sino ang tama at sino ang mali, pero bakit hindi ka nagdadala ng pasanin para sa iglesia? Karaniwan na napakahusay mo sa pagsigaw ng mga pananalita, pero kapag nangyayari ang mga bagay sa katunayan paligoy-ligoy ka tungkol sa mga ito. May ilan taong nakauunawa pero tahimik na bumubulong lang samantalang ang iba’y nagsasalita kung ano ang nauunawaan nila pero walang sinuman pa ang nagsasalita. Hindi nila alam kung ano ang nagmumula sa Diyos at kung ano ang gawain ni Satanas. Nasaan ang inyong mga panloob na damdamin tungkol sa buhay? Hindi mo basta maaaring maunawaan ang gawain ng Banal na Espiritu at hindi nakikilala ang gawain ng Banal na Espiritu at mahirap para sa iyo na tumanggap ng mga bagong bagay. Tinatanggap mo lang ang mga relihiyoso at mga sekular na bagay, na umaayon sa mga pagkaintindi ng mga tao. Samakatuwid, walang-patumangga kang lumalaban. Gaano karaming tao ang maaaring maunawaan ang gawain ng Banal na Espiritu? Gaano karami ang tunay na nagdadala ng pasanin para sa iglesia? Nauunawaan mo ba ito? Ang pag-awit ng mga himno ay isang paraan upang magpuri sa Diyos, pero hindi mo malinaw na nauunawaan ang katotohanan ng pagpupuri sa Diyos at mahigpit ka sa paraan mo sa pagpupuri sa Kanya. Hindi ba’t sarili mong pagkaunawa iyan? Palagi kang walang tigil na nangunguyapit sa sarili mong mga pagkaunawa at hindi mo kayang magtuon sa kung ano ang gagawin ng Banal na Espritu ngayon, hindi kayang maramdaman kung ano ang nararamdaman ng iyong mga kapatid, at hindi kayang hanapin ang kalooban ng Diyos sa tahimik na paraan. Pikit-mata mong ginagawa ang mga bagay at inaawit ang mga kanta nang mainam, pero ang resulta ay ganap na kaguluhan. Talaga bang pagkain at paginom iyan? Nakikita mo ba kung sino ang talagang nagdudulot ng mga paggambala? Hindi ka pangunahing nabubuhay sa espiritu, pero sa halip ay nanghahawak sa ibat ibang pagkaunawa—sa papaanong paraan iyan pagdadala ng pasanin para sa iglesia? Makikita ninyo na ang gawain ng Banal na Espiritu ay sumusulong nang mas mabilis pa nga ngayon, kaya hindi ba kayo nabubulagan kung mahigpit kayong nanghahawak sa inyong sariling mga pagkaunawa at tinututulan ang gawain ng Banal na Espiritus? Hindi ba iyan tulad ng isang langaw na umuuntog sa mga pader at humuhugong sa paligid? Kung magpupumilit ka sa paraang ito maisasantabi ka.
Yaong mga ginagawang ganap bago ang sakuna ay masunurin sa Diyos. Nabubuhay silang umaasa kay Cristo, sumasaksi kay Christ, at dinadakila Siya. Sila ang matatagumpay na batang lalaki at mabubuting kawal ni Cristo. Maselan ito ngayon na payapain mo ang iyong sarili at mapalapit sa Diyos at nakikisama sa Kanya. Kung hindi mo kayang mapalapit sa Diyos, nanganganib ka na mabibihag ni Satanas. Kung kaya mong mapalapit sa Akin at nakikisama sa Akin, ibubunyag sa iyo ang buong katotohanan, at magkakaroon ka ng isang pamantayan upang sundan para sa iyong buhay at mga pagkilos. Dahil ikaw ang isa na malapit sa Akin, hindi kailanman iiwan ng salita Ko ang tabi mo, at hindi ka lilihis mula sa salita Ko sa buhay mo; hindi magkakaroon si Satanas ng paraan upang samantalahin ka, at sa halip mapapahiya ito at tatakas sa pagkatalo. Kung titingnan mo sa labas kung ano ang kulang sa loob mo, maaaring may mga pagkakataon kung kailan matatagpuan mo ang ilan sa ito, pero ang nakararami nito ay magiging mga alintutunin at maaaring hindi ito isang bagay na kailangan mo. Dapat bitiwan mo ang iyong sarili at mas kumain at uminom ng salita Ko at malaman papaano magbulay-bulay sa salita Ko. Kung may isang bagay kang hindi nauunawaan, lumapit sa Akin at madalas makisama sa Akin; sa ganitong paraan, kung ano ang nauunawaan mo ay magiging tunay at totoo. Dapat simulan mo sa pagiging malapit sa Akin. Kritikal ito! Kung hindi, hindi mo malalaman papaano kumain at uminom. Hindi ka maaaring kumain at uminom sa sarili mo—ang tayog mo ay talagang napakaliit.
Talababa:
a. Wala sa orihinal na teksto ang “na mapunan.”
b. Wala sa orihinal na teksto ang “kanilang dinaraaanan.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...