Kidlat ng Silanganan

菜單

Dis 14, 2018

Ang Patotoo ng isang Cristiano|Ang Mapait na Bunga ng Kayabangan

Hu Qing Lungsod ng Suzhou Lalawigan ng Anhui

Nang makita ko ang mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Gusto ninyo na mga naglilingkod bilang mga lider na laging magkaroon ng mas higit na kahusayan, na maging angat kaysa sa lahat, na makanahap ng mga bagong pamamaraan upang makita ng Diyos kung gaano ang kakayahan mo talaga. ... Lagi mo gustong magpakitang-gilas; hindi ba’t ito mismo ang kapahayagan ng isang mapagmataas na kalikasan?” (“Kung Wala ang Katotohanan Madaling Saktan ang Damdamin ng Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo), Naisip ko sa sarili ko: Sino ang may sapat na tapang na sumubok makakita ng mapanlikhang bagong panlilinlang? Sino ang hindi nakaaalam na hindi pinahihintulutan ng pag-iisip ng Diyos ang pagkakasala ng tao? Tiyak na hindi ako maglalakas-loob! Naniniwala ako mismo na mayroon akong puso ng paggalang sa Diyos, at sa aking paggawa ay hindi ako naglakas-loob na subukang maghanap ng mga panlilinlang. Gayunpaman, sa paghahayag ng Diyos lamang ng mga katotohanan napagtanto ko na ang pagsisikap na makakita ng mga bagong panlilinlang ay hindi iyong ginagawa ng isang tao o hindi --- ito ay buong itinatakda ng isang mapagmataas na kalikasan.

Hindi pa nagtatagal, natuklasan kong may isang simbahan na may isang pinunong hindi sapat. Siya ay natutulog sa panahon ng mga pagtitipon at walang mabait na kalikasan, habang ang kanyang kapares ay may maraming mga responsibilidad. Kaya, ninais kong palitan ang pinunong ito ng simbahan at hayaang ang kanyang kapares ang gumawa ng gawain ng pinuno ng simbahan. Gayunpaman, nag-aalala ako na gagawin nitong maging negatibo, mahina, at tumigil sa kanyang pananampalataya ang pinuno ng iglesya, o guluhin niya ang mga bagay sa simbahan. Pagkatapos ng mahabang pagninilay-nilay, naisip ko ang isang ‘matalinong plano.’ Lihim kong hahayaan ang kanyang kapares na akuin ang buong saklaw ng trabaho; ang lahat ng bagay na inayos ng iglesia ay aalagaan ng kanyang kapares, at ang pinuno ng simbahan ay magiging isa lamang tau-tauhan. Kaya hindi ako naghanap sa Diyos ni tumingin sa mga kaayusan at mga prinsipyo ng gawain. Ginawa ko lang ito pagkatapos ipaalam sa kapares ng pinuno ng distrito at sa pastor ng distrito. Pagkatapos nito, nagmagaling ako sa sarili, naniniwalang totoong matalino ako at talagang may karunungan sa aking trabaho. Naisip ko: Kung alam ng pinuno ang tungkol dito, tiyak na sasabihin niya na may kakayahan ako sa aking trabaho, at malamang na maiisip niyang ako ay itaas sa tungkulin. Nguni’t hindi ko naisip na nang sabihin ko sa pinuno tungkol dito, sasabihin niya: “Ito ay ikaw na sumusubok maghanap ng mga bagong panlilinlang. Saan sa mga pagsasaayos ng gawain sinabi na maaaring gawin mo ito? Ang isang hindi sapat na pinuno ay maaaring mapalitan, nguni’t hindi natin maaaring isagawa ang gawain ayon sa ating sariling kalooban at isantabi ang mga alituntunin ng simbahan. Ito ay seryosong paglaban sa Diyos. ...” Matapos marinig ang mga salitang ito mula sa pinuno, ako ay nagulat. Talagang hindi ko naisip na hindi sinasadyang makakita ako ng mga bagong panlilinlang. Ang pinaniwalaan kong isang 'matalinong plano’ ay totoo palang seryosong paglaban sa Diyos, at talagang nahiya ako nang humarap sa mga katotohanan. Sa oras na iyon, wala akong magawa kundi isipin ng mga pananalita ng Diyos: “Halimbawa, kung may pagmamataas at kapalaluan sa iyong loob, magiging imposibleng hindi kalabanin ang Diyos, ngunit sa halip magagawa mong kalabanin Siya. Hindi mo ito gagawin nang sinasadya; gagawin mo ito sa ilalim ng paghahari ng iyong kalikasang mapagmataas at palalo. Dahil sa iyong pagmamataas at kapalaluan magagawa mong hamakin ang Diyos, magagawa mong tingnan ang Diyos bilang walang halaga…” (“Tanging sa Paghahangad sa Katotohanan Maaaring Makamit ang mga Pagbabago sa Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo) Totoo ito. Nang maharap sa usaping ito, hindi ko hinanap ang Diyos, ni hindi ko isinasaalang-alang ang mga prinsipyo ng iglesiya. Kumilos ako ayon sa aking sariling kalooban lamang. Nakita ko ang aking mapagmataas at makasariling kalikasan, na wala akong puso ng paggalang sa Diyos, at ang Diyos ay hindi nagtataglay ng isang puwang sa aking puso. Sa oras na iyon lamang napagtanto ko na ang paghahanap ng mga bagong mga paglalang ay hindi isang bagay na aking lakas-loob o hindi na gagawin, nguni’t ito ay isang bagay na itinatakda ng aking sariling mapagmataas na kalikasan. Kung hindi ko nakilala ang aking sariling mapagmataas na kalikasan, hindi ko kailanman mapipigilan ang sarili ko. Maaaring isang araw gawin ko ang isang bagay na lalaban sa Diyos na makakaramdam Siya ng suklam at galit. Sa panahong iyon lamang nalaman ko na ang paglilingkod sa Diyos ay hindi isang simpleng bagay. Kung wala akong katotohanan, kung walang pagbabago sa disposisyon, kung hindi ko nakikilala ang sarili kong mapagmataas na kalikasan, maaari masaktan ko nang di-sinasadya ang kalooban ng Diyos. Talagang labis na mapanganib! Salamat sa paliwanag ng Diyos, naunawaan ko mula sa pangyayaring ito kung bakit ang sambahayan ng Diyos ay nangangailangan na muli at muli kaming magtrabaho ayon sa mga kaayusan at prinsipyo ng gawain. Ito ay dahil ang kalikasan ng tao ay palaging mapagmataas at lahat tayo ay naghahangad na magpasikat, upang ‘maihantad’ ang ating sariling mga kakayahan para makita ng Diyos, kaya madalas nating nilalabanan ang Diyos at sinasaktan ang Kanyang disposisyon. Sa pamamagitan lamang ng tapat na pagtatrabaho ayon sa mga kaayusan ng gawain mapoprotektahan natin ang ating mga sarili.

O Diyos! Salamat sa pagbubunyag ng aking mapagmataas at makasariling kalikasan. Mula sa araw na ito pasulong, tiyak na ituturing ko ito bilang isang babala at higit ko pang pagsisikapang alamin ang sarili ko. Magtratrabaho ako nang mahigpit na ayon sa mga kaayusan sa gawain. Ako ay tunay na magiging isang taong may matwid, sumusunod sa mga alituntunin, at may puso ng paggalang sa Inyo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...