Sa sandaling ang mga tao ay magpadalus-dalos habang tinutupad ang kanilang mga tungkulin, hindi nga nila alam kung paano danasin ito; sa sandaling maging okupado sila sa mga bagay, ang kanilang espirituwal na mga katayuan ay nababagabag; hindi nila mapanatili ang isang normal na kalagayan. Paano maaaring maging ganito? Kung hihilingin sa iyo na tuparin ang isang kaunting gawain, ikaw ay nalilihis sa kalakaran, nagiging maluwag, hindi lumalapit sa Diyos at nalalayô sa Diyos. Pinatutunayan nito na ang mga tao ay hindi nakababatid kung paano ang makaranas. Kahit na anuman ang gawin mo, marapat na unawain mo muna kung bakit talaga ginagawa mo ito at kung ano ang katangian ng bagay na ito. Kung ito ay ilalagay sa kategorya na pagtupad sa iyong tungkulin, samakatuwid ay dapat mong pagnilay-nilayin: Paano ko ba dapat gawin ito? Paano ko ba dapat tuparin ang aking tungkulin nang mabuti para di ko ito ginagawa nang walang kainteres-interes? Ito ay isang bagay kung saan ay nararapat kang lumapit sa Diyos. Ang paglapit sa Diyos ay paghahanap ng katotohanan sa bagay na ito, ito ay paghahanap ng daan ng pamumuhay, ito ay paghahanap ng kalooban ng Diyos, at ito ay paghahanap kung paano masisiyahan ang Diyos. Ito ang mga pamamaraan para mapalapit sa Diyos habang abala ka; ito ay hindi pagsasagawa ng isang relihiyosong seremonya o isang panlabas na pagkilos; ito ay isinasagawa para sa layong kumilos alinsunod sa katotohanan matapos hanapin ang kalooban ng Diyos. Kung lagi mong sinasabing "Salamat sa Diyos, salamat sa Diyos" gayong wala kang anumang bagay na ginagawa, ngunit kapag mayroon kang ginagawa, isinasagawa mo pa rin ito ayon sa iyong sariling kalooban, ang ganitong uri ng pasasalamat ay isang panlabas na kilos. Kapag tumutupad ka ng iyong tungkulin o may ginagawang isang bagay, nararapat na isipin mo palagi: Paano ko tutuparin ang tungkuling ito? Ano ang intensyon ng Diyos? Sa pamamagitan ng mga bagay na ito, magiging malapit ka sa Diyos, at sa pamamagitan ng paglapit sa Diyos, hinahanap mo ang mga prinsipyo at katotohanan upang magawa ang mga bagay, hinahanap mo ang kalooban ng Diyos mula sa loob mo at hindi mo iniiwan ang Diyos sa lahat ng ginagawa mo. Ito ang isang taong tunay na naniniwala sa Diyos. Ngayon kapag may dumating na ilang bagay sa mga tao, anuman ang totoong kalagayan, iniisip nila na magagawa nila ang ganito’t ganoon, ngunit ang Diyos ay wala sa kanilang mga puso, at ginagawa nila ito ayon sa kanilang mga sariling intensyon. Kahit na ang kahahantungan ng pagkilos ay angkop o hindi, o kung ito ay alinsunod sa katotohanan o hindi, sila ay nagmamatigas lamang at kumikilos ayon sa kanilang mga pansariling intensyon. Karaniwan sa wari ay Diyos ang nasa kanilang mga puso, ngunit kapag abala sila sa ibang bagay, ang Diyos ay wala sa kanilang mga puso. May ilang tao na nagsasabi: "Hindi ako napapalapit sa Diyos sa mga bagay na ginagawa ko; dati ay nahirati ako sa pagganap ng mga seremonyang relihiyoso, at sinubukan kong mapalapít sa Diyos, ngunit ito ay walang ibinunga; hindi ako mapalapit sa Kanya.” Wala ang Diyos sa puso ng ganitong uri ng tao, sarili lamang niya ang nasa kanyang puso at hindi niya maisagawa ang katotohanan sa mga bagay na kanyang ginagawa. Ang hindi paggawa ng mga bagay alinsunod sa katotohanan ay paggawa ng mga bagay ayon sa iyong sariling kalooban, at ang paggawa ng mga bagay ayon sa iyong sariling kalooban ay paglisan sa Dios; kung kaya, ang Diyos ay wala sa iyong puso. Ang mga kaisipang pantao ay karaniwang maganda at matuwid sa tingin ng mga tao at tila ang mga ito ay hindi gaanong lumalabag sa katotohanan. Sa pakiwari ng mga tao ang paggawa sa ganitong paraan ay pagsasagawa ng katotohanan, na sa palagay nila ang paggawa sa ganitong paraan ay pagpapasailalim sa Diyos. Sa totoo lang, ang mga tao ay hindi tunay na naghahanap sa Diyos at hindi nananalangin sa Diyos tungkol dito. Hindi sila nagsusumikap na gawin ito nang mabuti upang maging kasiya-siya sa kalooban ng Diyos, ni nagsusumikap na gawin ito nang napakainam ayon sa Kanyang mga hinihingi. Wala sa kanila ang ganitong totoong kalagayan, at wala sila ng ganoong pagnanais. Ito ang pinakamalaking kamalian ng mga tao sa kanilang pagkilos, dahil sa naniniwala ka sa Diyos, ngunit wala sa iyong puso ang Diyos. Paano ito hindi naging isang kasalanan? Paano ito hindi naging pandaraya sa iyong sarili? Ano ang magiging epekto ng pagpaniwala sa ganitong paraan? Nasaan ang praktikal na kabuluhan ng paniniwala sa Diyos?
Ang Diyos ay labis na di nasisiyahan sa isang partikular na bagay na ginawa mo; kung ikaw ay nagninilay-nilay sa sarili habang ginagawa ang bagay na ito: Paano titingnan ng Diyos ang bagay na ito kung ito ay iniharap sa Kanya? Magiging masaya ba ang Diyos o maiinis Siya kung malaman Niya ang tungkol sa bagay na ito? Posible kayang kasuklaman ito ng Diyos? Hindi mo naman hinangad iyon, di ba? Kahit na pinaalalahanan ka ng mga tao, maaari mo pa ring isipin na walang halaga ang bagay na ito at kaya hindi nito nilabag ang mga prinsipyo at kaya hindi ito kasalanan. Ang resulta, sinirà mo ito at ginalit mo ang Diyos nang labis sa punto na kinasusuklaman ka. Pag-isipan mo nang mabuti ang mga bagay nang sa gayon ay hindi mo pagsisihan ang mga ito; ito ang narapat na sundin mo. Kung ginusto at sinuri mong mabuti ang bagay na ito bago kumilos, kung gayon hindi ba sana ay maiintindihan mo ang bagay na ito?? Bagaman kung minsan ang mga katayuan ng tao ay hindi mabuti, kung mataimtim na sisiyasatin at hahanapin ang lahat ng bagay na kailangang isagawa sa presensya ng Diyos, samakatuwid ay maaaring wala sanang anumang malalaking pagkakamali. Nahihirapan ang mga taong umiwas sa mga pagkakamali sa pagsasagawa ng katotohanan. Kung alam mo kung paano gawin ang mga bagay nang alinsunod sa katotohanan kapag ginawa mo ang mga ito, ngunit hindi mo isinakatuparan ang mga ito alinsunod sa katotohanan, kung gayon ang problema ay hindi ka pala magustuhin sa katotohanan. Ang isang taong hindi magustuhin sa katotohanan ay hindi mababago ang disposisyon. Kung hindi mo maunawaan nang wastung-wasto ang kalooban ng Diyos at hindi alam kung paano isagawa, samakatuwid ikaw ay marapat na makipag-usap sa iba. Kung walang sinumang nakakaramdam na naliliwanagan sila sa isang bagay, samakatuwid ay dapat mong isagawa ang pinakamakatwirang solusyon; ngunit kung iyong matuklasan sa katapusan na mayroong kamalian sa pagpapatupad sa ganitong paraan, samakatuwid ay dapat mong iwasto ito kaagad, at hindi ibibilang ng Diyos ang kamalian bilang isang kasalanan. Sapagkat ang iyong hangarin ay tama sa oras ng pagpahayag ng bagay na ito sa pagkilos, at ikaw ay kumikilos alinsunod sa katotohanan, hindi ka lamang naliliwanagan, at mayroong ilang kamalian sa iyong mga pagkilos; ito ay isang pangyayari na nagpapagaan. Gayunpaman, maraming mga tao ngayon ang umaasa na lamang sa kanilang sariling lakas sa pagtatrabaho at nagtitiwala sa paggamit ng kanilang sariling utak upang magawa ang ganito’t ganoon, at bihira nilang pagnilay-nilayan: Ang pagkilos ba sa ganitong paraan ay alinsunod sa kalooban ng Diyos? Ikasisiya kaya ng Diyos kung gawin ko ito sa ganitong paraan? Pagkatiwalaan kaya ako ng Diyos kung gawin ko ito sa ganitong paraan? Maisasagawa ko ba ang katotohanan kung gagawin ko ito sa ganitong paraan? Kung marinig ito ng Diyos, masabi kaya Niya, "Nagawa ang bagay na ito nang tama at naaangkop! Ituloy mo lang!”? Magagawa mo ba na suriin nang mataimtim ang lahat ng bagay tulad nito? Magagawa mo bang maging metikuloso sa lahat ng bagay? O dapat mong pagnilayan kung ikinamumuhi ng Diyos ang paraan ng iyong pagsagawa niyon, sa kung ano ang pakiramdam ng lahat ng iba pa tungkol sa iyong paraan ng pagsagawa niyon, kung iyon ba ay ginagawa mo batay sa iyong sariling kalooban, o upang bigyang-kasiyahan ang iyong sariling mga kagustuhan…. Dapat na pag-isipan mo itong mabuti, maging mapagtanong, at lalo pang magsaliksik at ang mga kamalian ay mababawasan unti-unti. Ang paggawa ng mga bagay sa ganitong paraan ay nagpapatunay na ikaw ay isang taong tunay na naghahanap ng katotohanan at ikaw ay isang taong sumasamba sa Diyos, sapagkat ikaw ay gumagawa ng mga bagay na alinsunod sa landas na hinihingi ng katotohanan.
Kung ang pagkilos ng isa ay lumalayo sa katotohanan, samakatuwid siya ay katulad ng isang taong hindi mananampalataya. Ito ay ang uri ng taong walang Diyos sa kanyang puso, na humihiwalay sa Diyos, at ang ganitong uri ng tao ay tulad ng isang upahang manggagawa sa pamilya ng Diyos na nagtatrabaho para sa kanyang amo at tumatanggap ng kaunting kabayaran, at pagkatapos siya ay nawala na. Hindi ito isang tao lamang na naniniwala sa Diyos. Hindi ba't nabanggit noong una, "Ano ang magagawa mo upang makamit ang pagsang-ayon ng Diyos"? Nabanggit na ito, tama? Ang pagsang-ayon ng Diyos ang unang bagay na dapat mong pag-isipan at pagsumikapan; ito ang narapat na prinsipyo at saklaw ng iyong pagkilos. Ang dahilan na dapat mong matiyak kung ang iyong ginagawa ay umaalinsunod sa katotohanan ay sapagkat kung alinsunod sa katotohanan, samakatuwid ay umaalinsunod nang tiyak sa kalooban ng Diyos. Hindi sa dapat mong matiyak kung ang bagay ay tama o mali, o kung ito ay alinsunod sa kagustuhan ng bawat isa, o kung ito ay alinsunod sa iyong sariling mga kagustuhan. Sa halip, ito ay upang matiyak kung ito ay alinsunod sa katotohanan, kung pakikinabangan ng gawain at mga kapakanan ng iglesia. Kung isasaalang-alang mo ang mga aspetong ito, sa gayon ay mas lalo kang nakaayon sa kalooban ng Diyos sa iyong mga gawain. Kung hindi mo isasaalang-alang ang mga aspetong ito at aasa lamang sa iyong sariling kalooban sa iyong paggawa, kung ganoon ay garantisadong gagawin mo ang mga ito nang hindi tama, sapagkat ang kalooban ng tao ay hindi ang katotohanan at mangyari pa ay hindi pagtalima sa Diyos. Kung nais mong sang-ayunan ng Diyos, kung gayon ay dapat kang kumilos ayon sa katotohanan, sa halip na ayon sa iyong sariling mga intensyon. Ang ilang mga tao ay gumagawang patago ng mga bagay na mapanlinlang o gumagawa ng ilang pribadong bagay. Kapag tapós na sila, sasabihin ng mga kapatid na lalaki at babae na ang mga bagay na kanilang ginawa ay lumilitaw na hindi naaangkop, ngunit hindi nila kikilanin ang mga ito sa ganitong paraan. Ipinapalagay nila na ito ay isang personal na bagay at walang kinalaman sa gawain ng iglesia, walang kinalaman sa pananalapi ng iglesia at walang kinalaman ang mga tao sa iglesia, kung kaya ito ay hindi maibibilang na paglabag sa saklaw ng katotohanan at hindi dapat makialam ang Diyos sa bagay na ito. Ang ilang bagay ay tila mga pribadong bagay sa tingin mo at walang kinalaman ang anumang prinsipyo o katotohanan. Gayunpaman, mula sa pananaw ng mga kapatid, kapag ginawa mo ang bagay na ito, tila nagiging napakamakasarili mo at wala kang pagsasaalang-alang sa gawain ng pamilya ng Diyos at kung paano nito maaapektuhan ang pamilya ng Diyos at inyong isinasaalang-alang lamang ang inyong sariling kapakinabangan. Isinasangkot na nito ang kaayusan ng mga taong banal at sangkot ang mga isyu ng kalikasan ng tao. Ang inyong ginagawa ay walang kinalaman sa mga kapakinabangan ng iglesia at walang kinalaman sa katotohanan, ngunit ang inyong ginagawa ay lumalabag sa moral ng kalikasan ng tao at sa katapusan, ito ay hindi umaalinsunod sa katotohanan. Kahit ano pa ang iyong ginagawa, kahit gaano man ito kalaki, at tinutupad mo man ang iyong tungkulin sa pamilya ng Diyos, o ito ay pribadong bagay sa iyo, dapat mong isaalang-alang kung ang bagay na ito ay alinsunod sa kalooban ng Diyos, kung ang bagay na ito ay marapat na gawin ng isang taong may kabaitan, at kung ikasisiya ng Diyos ang iyong ginagawa o hindi. Kailangan mong magnilay-nilay tungkol sa mga bagay na ito. Kung gagawin mo ito, samakatuwid ay isa kang tao na naghahanap ng katotohanan at isang tao na naniniwala nang tunay sa Diyos. Kung tinatrato mo nang mataimtim ang bawat bagay at bawat katotohanan sa ganitong paraan, sa gayon ay magagawa mong pagbaguhing-anyo ang iyong disposisyon. Iniisip ng ilang tao na ginagawa nila ang isang bagay nang personal, kaya hindi nila pinapansin ang katotohanan, iniisip nila: Isa itong pribadong bagay, at gagawin ko ito ayon sa aking kagustuhan. Ginagawa nila ito sa kahit anong paraan na makapagpapaligaya sa kanila, at sa kahit anong paraan na pakikinabangan nila; hindi sila nagbibigay ng kahit konting pagsasaalang-alang kung paano ito nakakaapekto sa pamilya ng Diyos at hindi nila isinsaalang-alang kung alinsunod ito o hindi sa kaayusan ng mga taong banal. Sa wakas, kapag tapos na sila sa bagay na ito, maitim ang kalooban nila at hindi maginhawa; wala silang kaginhawahan ngunit hindi nila alam kung paano ito nangyari. Ito ba ay hindi isang karapat-dapat na pagganti sa masama? Kung ginagawa mo ang mga bagay na hindi sinasang-ayunan ng Diyos, kung gayon ay nagkakasala ka sa Diyos. Kung ang mga tao ay hindi magustuhin sa katotohanan, at gumagawa kadalasan ng mga bagay na nasasalalay sa kanilang sariling kalooban, kung gayon ay masasaktan nila nang madalas ang Diyos. Ang ganitong uri ng mga tao ay karaniwang hindi sinasang-ayunan ng Diyos sa kanilang ginagawa at kung hindi sila magbabago, hindi sila malayong maparusahan.
Karagdagang informasiyon: Ano ang katotohanan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento