"Noong Kapanahunan ng Biyaya, nagsalita si Jesus tungkol sa matatalinong birhen. Tungkol saan ang hiwagang ito? Ano ang kahulugan ng katagang matalinong birhen? Ang pinakamahalaga ay na nakikilala niya ang tinig ng Diyos. Kapag naririnig niya ito, iniisip niya, ‘Bakit ko iniisip na ang mga bagay na sinasabi ng Anak ng tao na ito ay mga salita ng Diyos? Bakit mukhang taglay Niya ang tinig ng Diyos? Mga bagay ito na hindi masasabi ng tao. Ito ay tinig ng Diyos. Kaya kailangan akong maniwala sa Kanya. Siya ang Cristo. Ito ang Diyos na nagkatawang-tao.’ Tingnan mo, ito ang dahilan kaya siya matalino. Ngayon, bakit hangal ang mga hangal na birhen? Iyo’y dahil iniisip nilang, ‘Hindi ba tao lang ito? Hindi ba ito ang Jesus ng Nazaret? Hindi ba normal na tao lang ito? Paano siya naging Diyos? Hindi kami maniniwala sa kanya. Naniniwala kami sa Diyos sa langit.’ Nakita mo, hindi nila nauunawaan ang mga espirituwal na bagay, hindi ba? Naniniwala ang mga taong ito na sila mismo ay tama at nasa tama sila. Ang resulta ay na hinuhuli ng Diyos ang matalino sa sarili nilang katusuhan. Hindi ba matalino ka? Hindi ba hindi ka naniniwala sa tao? Ngayon, nagkatawang-tao na ang Diyos. Naging tao na Siya. Kung hindi ka naniniwala, mapupuksa ka, at masasawi. Kung iniisip mo na matalas ang utak mo at matalino ka, niloloko mo ang sarili mo."
mula sa “Ang mga Nakakatugon Lang sa Pamantayan sa Pagtupad sa Kanilang mga Tungkulin ang Maliligtas at Magagawang Perpekto” sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay (Ⅸ)
"Ang Panginoong Jesus ay nagpropesiya sa Biblia na sa oras ng Kanyang pagbabalik ay magkakaroon ng dalawang uri ng mga tao, ginamit Niya ang matatalinong dalaga at mga mangmang na dalaga bilang isang talinghaga para sa lahat ng mga mananampalataya sa Kapanahunan ng Biyaya: Lahat ng nakaririnig sa tinig ng Diyos ay matatalinong dalaga; lahat ng hindi nakaririnig sa tinig ng Diyos, na nakikinig at itinatatwa pa rin ito at hindi ito pinaniniwalaan, ang mga ito ang mga mangmang na dalaga. Sa palagay ba ninyong lahat ang mga mangmang na dalaga ay dadalhin? Siyempre hindi, tama? Kung gayon paano mahahayag ang mga mangmang at matatalinong dalagang ito? Sa pamamagitan ng paggamit ng salita ng Diyos."
mula sa Mga Sermon at Paliwanag tungkol sa Pagpasok sa Buhay
"Yaong mga kasundo at kaisa ng puso ni Cristo ang mga haligi ng kaharian ni Cristo. Sila ang magkakaroon ng kapangyarihan sa kaharian ni Cristo at magpapatotoo, mula simula hanggang wakas, at pupuri kay Cristo. Naiintindihan mo? (Naiintindihan ko.) Sa Kapanahunan ng Biyaya, ano ang ipinropesiya ni Jesus? ‘Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya’ (Mateo 25:6). Sino yaong mga sasalubong sa kasintahang lalaki? Sila ang matatalinong birhen. Matapos salubungin ng matatalinong birhen ang kasintahang lalaki, ang mangyayari ay: ‘Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko’ (Pahayag 3:20). Anong klaseng piging ito? Ito ang piging sa kasal ng Cordero. Dito, binabanggit sa talata ang ‘kasal,’ ‘matalinong birhen’ at ‘pagdalo sa mga piging.’ Ito ba ang pananalita ng sangkatauhan? Gumagamit ang Diyos ng praktikal na halimbawa, para ilarawan kung paano dadalhin ang mga hinirang na tao ng Diyos sa Kanyang harapan para dumalo sa isang piging. Ngayon, hinggil sa matatalinong birhen, masasabi na ba na lahat ng sumasalubong sa pagbalik ng Panginoon ay kababaihan? (Hindi.) Ang ilan ay kalalakihan at ang ilan ay kababaihan. Kung gayon bakit ginamit na analohiya ang matatalinong birhen? Ito ang Diyos na nagkatawang-tao na gumagamit ng pananalita ng tao. Ito ay isang analohiya. Kung nagsalita ang Espiritu ng Diyos, hindi Niya gagamitin ang mga salitang ito. Hindi Niya gagamitin ang pananalitang ito. Sinambit ito ni Jesus. Si Jesus ang Diyos na nagkatawang-tao. Alam Niya ang mga bagay ng tao. Marami Siyang naranasang sitwasyon ng tao. Samakatwid, ginagamit Niya ang mga bagay ng tao bilang angkop na analohiya para ilawaran ang pagdalo sa isang piging sa kaharian ng langit. Sa paggawa nito, mas nauunawaan ito ng tao. Tama ba? (Tama.) Ngayon, ano ang kahulugan ng ‘birhen’? Ang birhen ay ginagamit bilang metapora para ilarawan ang kadalisayan ng pananampalataya ng tao. ‘Nananalig ako sa Diyos, susunod ako sa Diyos at susunod ako kay Cristo. Magiging tapat ako kay Cristo. Hindi ako kasapi ng anumang relihiyon at hindi ako kabilang sa sekular na mundo.’ Ito ay matalinong birhen, hindi ba? (Oo.) Kung kabilang ka sa sekular na mundo o sa anumang relihiyon, maituturing ka bang birhen? (Hindi.) Kung nakasal ka na sa ilang panginoon, hindi ka birhen. Kung kasal ka sa iisang panginoon lang, birhen ka. Sa ngayon, yaong mga tapat kay Cristo ay maituturing na mga birhen. Kung kay Cristo ka lang tapat at si Cristo lang ang mahal mo at wala nang iba, maituturing kang matalino at malinis na birhen, tama? (Oo.) ‘Iilan lamang at madalang ang mga tapat kay Cristo.’ Ganito iyon noong Kapanahunan ng Biyaya. Ngayon, sa Kapanahunan ng Kaharian, gusto ng Diyos na gumawa ng isang klase ng mga tao. Sa aklat ng Pahayag, hinuhulaan doon na gagawa ang Diyos ng 144,000 mananagumpay. Ito ay mga taong tapat kay Cristo. Nililinis sila sa pamamagitan ng paghatol sa harap ng luklukan ni Cristo at sa pinakahuli, nagiging kaisa sila ni Cristo at masugid na sumusunod kay Cristo. Wala silang nalalampasan ni isang hakbang. Ito ang klase ng mga mananagumpay na gagawin ng Diyos sa mga huling araw."
mula sa Mga Sermon at Pagbabahagi tungkol sa Pagpasok sa Buhay (Serye 153)
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Ang parabula ng sampung dalaga na sinabi ng Panginoong Jesus ay isang paalaala sa atin sa mga huling araw. Inaasahan ng Diyos na maaari tayong maging matalinong mga birhen upang matanggap ang pagbabalik ng Panginoon.
Ang parabula ng sampung dalaga na sinabi ng Panginoong Jesus ay isang paalaala sa atin sa mga huling araw. Inaasahan ng Diyos na maaari tayong maging matalinong mga birhen upang matanggap ang pagbabalik ng Panginoon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento