Kidlat ng Silanganan

菜單

Okt 20, 2018

Mga Pagbigkas ni Cristo-Tungkol sa Mga Hakbang ng Gawain ng Diyos

      
     Mula sa labas, tila ang mga hakbang ng gawain ng Diyos sa kasalukuyang yugtong ito ay natapos na, at parang naranasan na ng sangkatauhan ang paghatol, pagkastigo, paghampas, at kapinuhan ng Kanyang mga salita, at tila sumailalim na sila sa mga hakbang kagaya ng pagsubok sa mga taga-serbisyo, ang kapinuhan sa mga panahon ng pagkastigo, ang pagsubok ng kamatayan, ang pagsubok ng mga pagkakaiba, at ang mga panahon ng[a] pag-ibig sa Diyos. Bagamat sumailalim ang mga tao sa matinding pagdurusa sa bawat hakbang hindi pa rin nila naunawaan ang kalooban ng Diyos. Kagaya ng pagsubok sa mga taga-serbisyo, kung ano ang matatamo ng mga tao mula roon, kung ano ang nauunawaan nila mula rito, at kung ano ang resultang gusto ng Diyos sa pamamagitan niyon—nananatiling hindi malinaw sa mga tao ang tungkol sa mga usaping ito. Tila sa bilis ng takbo ng gawain ng Diyos, na alinsunod sa kasalukuyang tulin ang mga tao ay tiyak na hindi makaaagapay. Maaaring makita mula rito na una munang ibinubunyag ang mga hakbang na ito ng Kanyang gawain sa sangkatauhan, at hindi Niya kinakailangang makarating sa isang antas na makakayang isipin ng mga tao sa alinman sa mga hakbang, ngunit sinusubukan Niyang gamitin ito upang linawin ang isang usapin. Para gawing perpekto ng Diyos ang isang tao upang tunay Niyang makamit, kailangan Niyang ipatupad ang mga hakbang na ipinaliwanag sa itaas. Ang layunin sa pasasagawa ng gawaing ito ay upang ipakita sa mga tao kung anong mga hakbang ang kinakailangang ipatupad ng Diyos upang gawing perpekto ang isang grupo ng mga tao. Kaya, sa pagtingin mula sa labas, ang mga hakbang ng gawain ng Diyos ay natapos na, ngunit sa pinakadiwa opisyal pa lamang Niyang sinimulan ang pagperpekto sa sangkatauhan. Ito ay isang bagay na dapat malinaw na makita ng mga tao—na ang mga hakbang sa Kanyang gawain ay natapos na, hindi ang Kanyang gawain ay natapos na. Ngunit ang pinaniniwalaan ng mga tao mula sa kanilang mga pagkaintindi ay ang mga hakbang ng gawain ng Diyos ay nabunyag sa sangkatauhan, at yaon ay walang pag-aalinlangan na ang Kanyang gawain ay natapos na. Ang paraang ito ng pagtingin sa mga bagay ay lubos na mali. Ang gawain ng Diyos ay hindi kaayon sa mga pagkaintindi ng mga tao, ito ay isang ganting-pagsalakay laban sa mga pagkaintindi ng mga tao sa bawat pagkakataon, at ang mga hakbang ng Kanyang gawain ay pangunahin nang hindi kaayon sa mga pagkaintindi ng mga tao; ipinakikita nito ang karunungan ng Diyos. Maaaring makita rito na ang mga pagkaintindi ng mga tao ay nakasisisra sa bawat pagkakataon, at ang lahat ng maaaring maisip ng mga tao ay mga bagay na gustong gantihan ng Diyos. Ito ay isang pananaw mula sa totoong karanasan. Ang tanging iniisip ng mga tao ay napakabilis na gumagawa ang Diyos, at iniisip nila na kapag wala pa rin silang anumang pagkaunawa at nalilito at nag-aalinlangan pa rin ang gawain ay natapos nang hindi nalalaman ng mga tao. Ang bawat hakbang ng Kanyang gawain ay sa ganitong paraan. Karamihan sa mga tao ay naniniwala na ang Diyos ay nakikipaglaro sa mga tao, ngunit ang layunin sa likod ng gawain na Kanyang ginagawa ay hindi gayon. Ang Kanyang paraan sa paggawa ay sa pamamagitan ng pagninilay, unang paggawa mula sa isang pangkalahatang antas, pagkatapos ay papunta sa mga detalye, at pagkatapos noon ay pagpipino sa mga detalyeng ito. Ang mga ito ay nakasosorpresa sa mga tao. Ang tanging gusto ng mga tao ay linlangin ang Diyos, at iniisip nila na kung makakaraos lamang sila magagawa nilang makarating sa punto kung saan mapalulugod nila Siya, ngunit sa katotohanan, paano mangyayaring ang Diyos ay mapalulugod dahil sa pagtatangka ng mga tao na makaraos lang? Ang Diyos ay gumagawa sa pamamagitan ng pamamaraan ng pag-sorpresa sa mga tao at hulihin sila nang hindi namamalayan para makamit ang pinakadakilang mga resulta at upang ipaalam nang mabuti sa mga tao ang Kanyang karunungan at maunawaang mabuti ang Kanyang pagiging matuwid, kamahalan, at ang Kanyang hindi masasaktang disposisyon.

    Opisyal nang sinimulan ng Diyos ngayon ang pagperpekto sa mga tao. Upang gawing ganap, kailangang sumailalim ang mga tao sa pagbubunyag, paghatol, at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, at maranasan ang mga pagsubok at kapinuhan ng Kanyang mga salita (kagaya ng pagsubok sa mga taga-serbisyo). Bilang karagdagan, kailangang magawang matagalan ng mga tao ang pagsubok ng kamatayan. Iyon ay, ang sinuman na tunay na ipinatutupad ang kalooban ng Diyos ay nagagawang maglabas ng papuri mula sa kaibuturan ng kanilang mga puso sa gitna ng paghatol ng Diyos, pagkastigo, at mga pagsubok, at nagagawang lubos na sundin ang Diyos at kalimutan ang mga sarili, kaya iniibig ang Diyos na may isang puso ng katapatan, may isang paninindigan, at kadalisayan; ang gayon ay isang taong ganap, at ito rin ang gawain na gustong gawin ng Diyos, at siyang kung anong gustong isakatuparan ng Diyos. Hindi makaguguhit ng konklusyon nang basta-basta ang mga tao tungkol sa mga pamamaraan ng paggawa ng Diyos, at makakaya lamang nilang hangarin ang pagpasok sa buhay. Ito ang saligan. Huwag mong busisiin nang madalas ang mga pamamaraan ng paggawa ng Diyos; hahadlangan lamang nito ang inyong mga inaasahan sa hinaharap. Gaano na karami ang inyong kasalukuyang nakita sa Kanyang pamamaraan ng paggawa? Paano ka ba naging masunurin? Gaano na karami ang iyong nakamit mula sa bawat pamamaraan ng paggawa? Nakahanda ka bang gawing perpekto ng Diyos? Handa ka bang maging isang taong ganap? Ito ang mga bagay na dapat na lubos na malinaw sa inyo. Ang mga ito ay ang mga bagay na dapat ninyong pasukin.


 Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...