Mga Klasikong Salita Mula sa Diyos:
Ang kabuuan ng Aking plano sa pamamahala, isang plano na sumasaklaw ng anim na libong taon, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa pasimula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na tinatawag ding Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw. Ang aking gawain sa tatlong kapanahunang ito ay nagkakaiba sa nilalaman ayon sa kalikasan ng bawat kapanahunan, ngunit sa bawat yugto ito ay tumutugma sa mga pangangailangan ng tao—o, upang maging mas tumpak, ito ay tinutupad batay sa mga panlilinlang na ginagamit ni Satanas sa Aking pakikipagdigma laban dito.
Ang layunin ng Aking gawain ay upang talunin si Satanas, upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, upang ilantad ang lahat ng mga panlilinlang ni Satanas, at sa gayon ay iligtas ang buong lahi ng tao, na namumuhay sa ilalim ng sakop nito. Ito ay upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan habang ibinubunyag ang di-matiis na pagiging kakila-kilabot ni Satanas. Lalong higit pa, ito ay upang turuan ang Aking mga nilalang na kumiling sa pagitan ng mabuti at masama, upang makilala na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng bagay, upang makita nang malinaw na si Satanas ay kaaway ng sangkatauhan, ang pinakamababa sa mababa, ang siyang masama, at upang makita, nang may katiyakang walang-pasubali, ang pagkakaiba sa pagitan ng mabuti at masama, katotohanan at kasinungalingan, kabanalan at karumihan, at kung ano ang dakila at kung ano ang hamak. Sa ganitong paraan, ang mangmang na sangkatauhan ay makakayang maging saksi sa Akin na hindi Ako ang tumitiwali ng sangkatauhan, at tanging Ako lamang—ang Panginoon ng sangnilikha—ang makapagliligtas sa sangkatauhan, ang makapagbibigay sa tao ng mga bagay na ikasisiya nila; at kanilang malalaman na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng bagay at si Satanas ay isa lamang sa Aking mga nilikha at nang naglaon ay kumalaban sa Akin. Ang Aking anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ay nahahati sa tatlong yugto upang makamit ang mga sumusunod na resulta: upang mapahintulutan ang Aking mga nilalang na maging Aking mga saksi, upang malaman ang Aking kalooban, upang makita na Ako ang katotohanan.
mula sa “Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ganyan ang pamamahala ng Diyos: upang ipasa ang sangkatauhan kay Satanas—isang sangkatauhan na hindi kilala kung ano ang Diyos, kung ano ang Lumikha, kung paano sambahin ang Diyos, at kung bakit kinakailangang magpasakop sa Diyos— at bigyang-kalayaan ang kasamaan ni Satanas. Pagkatapos, paisa-isang hakbang na binabawi ng Diyos ang tao mula sa mga kamay ni Satanas, hanggang ang tao ay ganap na sumasamba sa Diyos at tinatanggihan si Satanas. Ito ang pamamahala ng Diyos. Ang lahat ng ito ay parang kathang-isip na kwento; at tila ito'y nakakalito. Nararamdaman ng mga tao na ito ay tila isang kathang-isip na kuwento, at iyon ay dahil wala silang pahiwatig kung gaano katindi ang nangyari sa tao sa nakalipas na ilang libong taon, mas lalo nang hindi nila alam kung ilang kuwento ang nangyari sa kalawakan ng sansinukob na ito. At karagdagan dito, iyon ay dahil hindi nila mapahalagahan ang mas kahanga-hanga, mas nakapagsasanhi-ng-takot na mundong umiiral sa kabila ng materyal na mundo, ngunit kung saan pinipigilan sila ng kanilang mortal na mga mata na makakita. Pakiramdam dito ay hindi mauunawaan ng tao, at iyon ay dahil ang tao ay walang pagkaunawa sa kabuluhan ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan at kabuluhan ng gawain ng pamamahala ng Diyos, at hindi nauunawaan kung ano ang lubos na ninanais na Diyos na magyari sa tao. Ito ba ay isang sangkatauhang katulad kina Adan at Eba, na di magawang pasamain ni Satanas? Hindi! Ang pamamahala ng Diyos ay upang makamtan ang isang pangkat ng mga tao na sumasamba sa Diyos at nagpapasakop sa Kanya. Ang sangkatauhang ito ay ginawang masama ni Satanas, ngunit hindi na nakikita si Satanas bilang kanyang ama; nakikilala niya ang pangit na mukha ni Satanas, at tinatanggihan ito, at lumalapit sa harap ng Diyos upang tanggapin ang Kanyang paghatol at pagkastigo. Alam niya kung ano ang pangit, at kung gaano ito kasalungat ng kung ano ang banal, at kinikilala niya ang kadakilaan ng Diyos at ang kasamaan ni Satanas. Ang sangkatauhang tulad nito ay hindi na maglilingkod kay Satanas, o sasamba kay Satanas, o idadambana si Satanas. Iyon ay dahil sila ay isang pangkat ng mga tao na tunay na nakamit ng Diyos. Ito ang kahalagahan ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan.
mula sa “Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan at inilagay sila sa lupa, na Kanyang pinangunahan hanggang sa araw na ito. Pagkatapos ay iniligtas Niya ang sangkatauhan at nagsilbi bilang isang handog para sa kasalanan ng sangkatauhan. Sa katapusan ay kailangan pa rin Niyang lupigin ang sangkatauhan, iligtas nang buo ang sangkatauhan at ibalik sila sa kanilang orihinal na wangis. Ito ang gawain na Kanyang pinag-aabalahan mula sa simula hanggang sa katapusan—ang pagpapanumbalik sa tao sa kanyang orihinal na larawan at sa kanyang orihinal na wangis. Itatatag Niya ang Kanyang kaharian at ibabalik ang orihinal na wangis ng tao, ibig sabihin na ibabalik Niya ang Kanyang awtoridad sa lupa at ibabalik ang Kanyang awtoridad sa gitna ng buong sangnilikha. Naiwala ng tao ang kanyang pusong takot sa Diyos matapos na gawing masama ni Satanas at naiwala ang tungkulin na dapat mataglay ng isa sa mga nilalang ng Diyos, at naging isang kaaway na suwail sa Diyos. Namuhay ang tao sa ilalim ng sakop ni Satanas at sumunod sa mga utos ni Satanas; kaya, walang paraan ang Diyos na kumilos sa gitna ng Kanyang mga nilikha, at lalo pang hindi nagawang makamit ang takot mula sa Kanyang mga nilikha. Ang tao ay nilalang ng Diyos, at kinakailangang sumamba sa Diyos, nguni’t ang tao ay tunay na tumalikod sa Diyos at sumamba kay Satanas. Naging idolo si Satanas sa puso ng tao. Kaya naiwala ng Diyos ang Kanyang katayuan sa puso ng tao, na ibig sabihin ay naiwala Niya ang kahulugan ng Kanyang paglikha sa tao, kaya’t upang ibalik ang kahulugan ng Kanyang paglikha sa tao ay dapat Niyang ibalik ang tao sa orihinal nitong wangis at alisin sa tao ang kanyang masamang disposisyon. Upang mabawi ang tao mula kay Satanas, kailangan Niyang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging sa ganitong paraan maaari Niyang unti-unting ibalik ang orihinal na wangis ng tao at ibalik ang orihinal na tungkulin ng tao, at sa katapusan ay mapanumbalik ang Kanyang kaharian. Ang kahuli-hulihang pagkawasak niyaong mga anak ng pagsuway ay isasakatuparan din upang tulutan ang tao na sambahin ang Diyos nang mas mabuti at mamuhay sa mundo nang mas maayos. Yamang nilalang ng Diyos ang tao, gagawin Niyang sambahin Siya ng tao; dahil ibig Niyang ibalik ang orihinal na tungkulin ng tao, panunumbalikin Niya itong lubos, at nang walang anumang halo. Ang kahulugan ng pagpapanumbalik ng Kanyang awtoridad ay ang gawin ang tao na sambahin Siya at gawin ang tao na sumunod sa Kanya; ang ibig sabihin nito ay gagawin Niya na ang tao ay nabubuhay dahil sa Kanya at gagawin na mamatay ang Kanyang mga kaaway dahil sa Kanyang awtoridad; ito ay nangangahulugan na gagawin Niya ang bawa’t huling bahagi Niya na manatili sa gitna ng sangkatauhan at nang walang anumang pagtutol ng tao. Ang kaharian na ninanais Niyang maitatag ay ang Kanyang sariling kaharian. Ang sangkatauhan na inaasam Niya ay isa na sumasamba sa Kanya, isa na ganap na sumusunod sa Kanya at mayroong Kanyang kaluwalhatian. Kung hindi Niya ililigtas ang masamang sangkatauhan, ang kahulugan ng Kanyang paglikha sa tao ay mauuwi sa wala; mawawalan Siya ng awtoridad sa tao, at ang Kanyang kaharian ay hindi na magagawang umiral sa lupa. Kung hindi Niya wawasakin ang mga kaaway na iyon na suwail sa Kanya, hindi Niya makukuha ang Kanyang ganap na kaluwalhatian, at hindi rin Niya maaaring itatag ang Kanyang kaharian sa lupa. Ito ang mga simbolo ng pagtatapos ng Kanyang gawain at ang mga simbolo ng pagtatapos ng Kanyang dakilang pagsasakatuparan: upang lubos na wasakin yaong mga nasa gitna ng sangkatauhan na hindi sumusunod sa Kanya, at upang dalhin yaong mga nagáwáng ganap tungo sa kapahingahan. Kapag ang sangkatauhan ay naibalik na sa kanilang orihinal na wangis, kapag nakakaya nang tuparin ng sangkatauhan ang kani-kanilang mga tungkulin, napapanatili ang kanilang sariling lugar at nasusunod ang lahat ng mga pagsasaayos ng Diyos, ang Diyos ay nakatamo ng isang grupo ng mga tao sa lupa na sumasamba sa Kanya, at naitatag na rin Niya ang isang kaharian sa lupa na sumasamba sa Kanya. Siya ay magkakaroon ng walang-hanggang tagumpay sa lupa, at yaong mga salungat sa Kanya ay malilipol magpasawalang-hanggan. Mapanunumbalik nito ang Kanyang orihinal na layunin sa paglikha sa tao; mapanunumbalik nito ang Kanyang layunin sa paglikha ng lahat ng mga bagay, at ito rin ang magpapanumbalik ng Kanyang awtoridad sa lupa, ng Kanyang awtoridad sa gitna ng lahat ng mga bagay at ng Kanyang awtoridad sa gitna ng Kanyang mga kaaway. Ang mga ito ang mga simbolo ng Kanyang kabuuang tagumpay. Simula roon ang sangkatauhan ay papasok sa kapahingahan at papasok sa isang buhay na sumusunod sa tamang landas. Ang Diyos ay papasok din sa walang-hanggang kapahingahan kasama ang tao at papasok sa isang buhay na walang-hanggan na pagsasaluhan ng Diyos at tao. Ang karumihan at pagsuway sa lupa ay mawawala, at gayundin ang pananaghoy sa lupa. Ang lahat ng sumasalungat sa Diyos sa lupa ay hindi na iiral. Tanging ang Diyos at yaong mga tao na Kanyang nailigtas ang mananatili; ang Kanyang nilikha lang ang mananatili.
mula sa “Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento