Kidlat ng Silanganan

菜單

Hun 8, 2018

Kristianong Awitin | Mamahalin Ko ang Diyos Magpasawalang-hanggan


═══════════❀.❋.❀════════════❀.❋.❀═══════════

I O Diyos! Mga salita Mo'y nagpabalik sa akin sa Iyo. Tanggap ko na sanayin sa Iyong kaharian araw at gabi. Kayraming pagsubok at sakit, kayraming mga paghihirap. Malimit ako ay umiyak at ramdam puso'y nasugatan, at maraming ulit nahulog sa bitag ni Satanas. Nguni't 'di Mo ako iniwan kailanman. Inakay Mo 'ko sa maraming hirap. Iningatan sa maraming panganib. Ngayo'y batid ko na iniibig Mo ako.

II O Diyos! Inakay mo ako sa isang bagong buhay. Lasap Iyong mga salita, naunawaan ko Iyong kalooban. Salita mo'y humatol at kumastigo, at nilinis aking katiwalian. Sa pagsubok, natutunan kong sundin Ka. Sa salita ng Diyos ako'y lumago, Diyos aking nakilala. Tungkuli'y gagawin bilang patunay at pagluwalhati sa Iyo. Iibigin Kita magpakailanman. Pagpalain man o isumpa, magsasaya ako sa habag Mo. Iibigin kang tunay, 'di Ka hahayaang maghintay. Ibibigay sa'Yo dalisay na pag-ibig, tamasahin aking pag-ibig. Ibibigay lahat ng aking pag-ibig, hahayaan Kang kamtin aking pag-ibig. Iibigin Ka habang panahon, nais ko ay masiyahan Ka.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Rekomendasyon:

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal

Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...