Ang mga yaon ba na sumasaksi sa Aking mga salita ay
talagang tinatanggap ang mga iyon? Talaga bang kilala ninyo Ako? Tunay
bang natutunan ninyo ang pagsunod? Taos-puso ba ninyong ginugugol ang
inyong mga sarili para sa Akin? Talaga bang sumasaksi kayo sa Akin nang
matibay at di-sumusuko sa harap ng malaking pulang dragon? Ang inyo bang
katapatan ay tunay na nanghihiya sa malaking pulang dragon? Tanging sa
pamamagitan ng pagsubok ng Aking mga salita na makakamit Ko ang Aking
layunin na pagdadalisay sa iglesia at pagpipili sa mga yaon na totoong
nagmamahal sa Akin. Sapagka’t sa paano pang paraan Ako maaaring
maunawaan ng sinuman? Sinong makauunawa sa Aking kamahalan, sa Aking
poot, at sa Aking karunungan sa pamamagitan ng Aking mga salita?
Tatapusin Ko kung ano ang Aking sinimulan, subali’t Ako pa rin ang
Siyang sumusukat sa mga puso ng mga tao. Sa katotohanan, walang sinumang
tao ang lubos na nakauunawa sa Akin, kaya ginagabayan Ko sila ng mga
salita, at pinangungunahan sila tungo sa isang bagong kapanahunan sa
ganitong paraan. Sa katapusan tatapusin Ko ang lahat ng Aking gawain sa
pamamagitan ng Aking mga salita, at dadalhin yaong mga totoong
nagmamahal sa Akin pabalik sa Aking kaharian, upang mamuhay sa harap ng
Aking trono. Ang katayuan ay hindi tulad noong dati, at ang Aking gawain
ay nakapasok sa isang bagong panimulang punto. Yamang ganoon nga,
magkakaroon ng isang bagong pamamaraan: Yaong mga nagbabasa ng Aking
salita at tinatanggap ito bilang kanilang mismong buhay ay ang mga tao
ng Aking kaharian. Yamang sila ay nasa Aking kaharian, sila ay ang Aking
bayan sa kaharian. Sapagka’t sila ay ginagabayan ng Aking mga salita,
kahit na sila ay tinatagurian bilang Aking bayan, sila ay hindi
kailanman sa ibaba ng Aking “mga anak”. Bilang Aking bayan, lahat ay
dapat maging tapat sa Aking kaharian at tuparin ang kanilang mga
tungkulin, at yaong mga sumusuway sa Aking mga atas sa pangangasiwa ay
dapat tumanggap ng Aking pagpaparusa. Ito ang Aking babala sa lahat.
Yamang isang bagong pamamaraan ang ginagamit ngayon, lahat nang mula
sa nakaraan ay hindi na kailangang sabihing muli. Gayun pa man, nasabi
Ko na ang mga salitang ito: Kung ano ang Aking nasabi ay dapat na
ibilang, kung ano ang ibinilang ay dapat na matapos, at ito ay hindi
maaaring mabago ng sinuman; ito ay walang-pasubaling totoo. Kung ito man
ang nasabi Ko sa nakaraan o kung ano ang sasabihin Ko sa hinaharap,
lahat ay magkakatotoo, at lahat ng sangkatauhan ay makikita ito. Ito ang
prinsipyo sa likod ng gawain ng Aking mga salita. Yamang ang pagbubuo
ng iglesia ay nakamit na, ito ngayon ay hindi na kapanahunan ng
pagtatayo ng iglesia, kundi ang kapanahunan kung kailan ang kaharian ay
matagumpay na naitayo. Gayun pa man, yamang kayo ay nasa lupa pa rin,
ang inyong mga pagtitipon ay mananatiling kikilalanin bilang ang
“iglesia”. Magkagayon man, ang esensya ng iglesia ay hindi na gaya ng
kung ano ito dati, at ito ay nagpakita ng totoong tagumpay. Samakatuwid,
Aking sinasabi na ang Aking kaharian ay nakababa sa lupa. Walang
maaaring makatarok sa ugat ng Aking mga salita, ni mauunawaan man nila
ang layunin sa likod ng mga yaon. Habang Ako ay nagsasalita ngayon, kayo
ay maaaring nakararanas ng isang pagkakita. Marahil ay may ilan na
biglang bubulalas sa pag-iyak; ang iba ay maaaring nakadarama ng
pagkatakot na ito ang paraan na Ako ay nagsasalita. Ang iba ay maaring
nagpapanatili ng isang makalumang pangmalas sa bawa’t kilos Ko; ang iba
ay maaring nagsisisi sa kanilang mga hinaing o paglaban sa Akin; ang iba
ay maaring nagbubunyi sa loob, sapagka’t sila ay hindi kailanman
nalihis mula sa Aking pangalan, at ngayong araw ay napanauli; marahil
ang ibang mga tao ay nalito sa Aking mga salita noong matagal nang
nakaraan, at sila ay nakabitin sa pagitan ng buhay at kamatayan,
pinanghinaan ng loob at nakatungo, at wala nang pagnanais na marinig ang
mga salitang Aking sinasabi kahit na gumamit pa Ako ng ibang paraan ng
pagpapahayag. Maaring may ilan na lubhang matapat sa Akin kaya’t sila ay
hindi kailanman dumaing, hindi kailanman nag-alinlangan, at ngayon ay
lubos na mapalad upang makatamo ng paglaya at makaramdam ng di-mabigkas
na pagpapasalamat sa Akin sa kanilang mga puso. Bawa’t isa ay
sumasailalim sa mga kategoryang ito sa iba’t ibang mga antas. Subali’t
yamang ang nakaraan ay ang nakaraan, at ngayon ay ang kasalukuyan,
walang pangangailangan upang hangarin pa ang nakaraan, o mag-alala
tungkol sa hinaharap. Sa mga tao, yaong mga sumasalungat sa realidad at
hindi gumagawa ng mga bagay-bagay ayon sa Aking paggabay ay hindi
makararating sa isang mabuting wakas, at magdadala lamang ng kaguluhan
sa kanilang mga sarili. Sa lahat ng mga bagay na nagaganap sa
sansinukob, walang anuman na hindi Ako ang may huling kapasyahan. Anong
umiiral na wala sa Aking mga kamay? Lahat ng Aking sinasabi ay
nangyayari, at sa mga tao, sinong naroroon na makapagpapabago sa Aking
isipan? Maaari kayang ito ay ang tipan na ginawa Ko sa lupa? Walang
makahahadlang sa Aking plano; Ako ay palaging naroroon sa Aking gawain
gayundin sa plano ng Aking pamamahala. Sinong tao ang maaaring makialam?
Hindi ba’t Ako ang Siyang personal na gumawa ng mga pagsasaayos na ito?
Sa pagpasok tungo sa katayuang ito ngayon, ito ay hindi pa rin
lumilihis mula sa Aking plano o kung ano ang Aking patiunang nakita; ito
ay itinakda Ko nang lahat sa matagal nang panahon. Sino sa kalagitnaan
ninyo ang maaaring makatarok sa Aking plano para sa hakbang na ito? Ang
Aking bayan ay makikinig sa Aking tinig, at ang bawa’t isa sa mga yaon
na totoong nagmamahal sa Akin ay magbabalik sa harapan ng Aking trono.
Pebrero 20, 1992
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Ang pinagmulan:Ang Unang Pagbigkas
Rekomendasyon:
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento