Sino ang nanirahan sa Aking
bahay? Sino ang nanindigan para sa Aking kapakanan? Sino ang nagdusa sa
Aking ngalan? Sino ang nangako ng kanyang salita sa Aking harapan? Sino
ang sumunod sa Akin hanggang sa kasalukuyan at gayon ay hindi nawalan
ng malasakit? Bakit lahat ng mga tao ay malamig at walang pakiramdam?
Bakit Ako ay iniwan ng sangkatauhan? Bakit napagod sa Akin ang
sangkatauhan? Bakit walang kasiyahan sa mundo ng tao? Habang nasa Zion,
nalasap ko ang kasiyahang nasa langit, at habang nasa Zion Ako ay
nagtamasa ng pagpapalang nasa langit. Muli, Ako’y namuhay sa gitna ng
sangkatauhan, nalasap Ko ang kapaitan sa mundo ng tao, nakita Ko sa
Aking sariling mga mata ang lahat ng mga iba’t ibang mga kalagayan na
umiiral sa gitna ng mga tao. Walang kamalay-malay, ang tao ay nagbago
kasabay ng Aking pagbabago, at sa ganitong paraan lamang siya ay
dumating sa kasalukuyang panahon. Ako ay hindi humihiling na gawin ng
tao ang anumang bagay para sa Akin, at hindi Ko rin kinakailangan ang
kanyang pagpaparami sa Aking pangalan. Nais ko lamang sa kanya ay maayon
sa Aking plano, na hindi sumusuway sa Akin o nagdudulot ng marka ng
kahihiyan sa Akin, at upang madala ng umaalingawngaw na pagpapatotoo sa
Akin. Sa mga tao, mayroong mga taong nagdala sa Akin ng mahusay na
patotoo at niluwalhati Ang Aking pangalan, ngunit paano ang mga gawain
ng tao, ang pag-uugali ng tao ay posibleng makapagpasaya sa Aking puso?
Paano niya posibleng matugunan ang Aking pagnanais o matupad ang Aking
kalooban? Sa mga bundok at tubig sa ibabaw ng lupa, at ang mga bulaklak,
damo, at mga puno sa lupa, walang sinuman ang nagpapakita ng mga gawa
ng Aking mga kamay, wala ni isang umiiral para sa Aking pangalan. Ngunit
bakit hindi maabot ng tao ang mga pamantayan ng Aking hinihiling?
Maaari bang dahil ito sa kanyang kasuklam-suklam na kababaan? Maaari
bang dahil ito sa Aking pagpapa-angat sa kanya? Maaari bang masyado
Akong malupit sa kanya? Bakit ang tao ay laging sobrang natatakot sa
Aking mga hinihiling? Ngayon, bukod sa napakaraming tao sa kaharian,
bakit ba kayo ay nakikinig lamang sa Aking tinig ngunit hindi nais na
makita ang Aking mukha? Bakit tumitingin lamang kayo sa Aking mga salita
na hindi sinusubukang itugma ang mga ito sa Aking Espiritu? Bakit
patuloy niyo Akong pinaglalayo sa ibabaw ng langit at sa ibaba ng lupa?
Maaari bang Ako, kapag Ako ay nasa lupa, ay hindi ang parehong Ako kapag
ako ay nasa langit? Maaari bang Ako, kapag Ako ay nasa langit, ay hindi
makababa sa lupa? Maaari bang Ako, kapag Ako ay nasa lupa, ay hindi
karapat-dapat na dalhin sa langit? Tila bang Ako, kapag Ako ay nasa
lupa, ay isang mababang-loob na nilalang, na parang Ako, kapag ako ay
nasa langit, ay dinakilang nilalang, at para bang mayroong namamalagi sa
pagitan ng langit at lupa na isang hindi matawirang bangin. Ngunit sa
mundo ng mga tao tila sila ay walang nalalaman sa mga pinagmulan ng mga
bagay na ito, ngunit ang lahat ay nagsama-sama upang sumalungat sa Akin,
na tila ang Aking mga salita ay may tunog lamang at walang kahulugan.
Ang lahat ng tao ay gumugol ng pagsisikap sa Aking mga salita,
nagsasagawa ng pagsisiyasat sa kanilang sarili sa Aking panlabas na
anyo, ngunit lahat sila ay humantong sa pagkabigo, nang walang anumang
mga resulta na maipakita, ngunit sa halip ay pinabagsak ng Aking mga
salita at hindi na maglakas-loob na muling tumayo.
Kapag sinubok Ko ang pananampalataya ng sangkatauhan, walang kahit
isang tao ang may kakayahang maging totoong saksi, walang kahit sinuman
ang may kakayahang mag-alay ng lahat ng sa kanya; sa halip, ang tao ay
laging nagtatago at tumatangging buksan ang kanyang sarili, na tila bang
aagawin Ko ang kanyang puso. Kahit si Job ay hindi tunay na nanindigan
sa ilalim ng pagsubok, o kaya siya ay naglabas ng matatamis sa gitna ng
paghihirap. Ang lahat ng kayang gawin ng sangkatauhan ay ang maglabas ng
malabong pahiwatig ng kaluntian sa init ng tagsibol; siya ay hindi
kailanman nanatili sa ilalim ng malamig na pasabog ng taglamig. Buto’t
payat sa estado, ang tao ay hindi makakatupad sa Aking layunin. Sa lahat
ng sangkatauhan, walang sinuman ang magagawang maglingkod bilang modelo
para sa iba, dahil ang mga tao ay magkakapareho at hindi naiiba sa
bawat isa, na may kaunting pagkilala sa isa’t isa. Dahil sa kadahilanang
ito, kahit na ngayon ang mga tao ay hindi pa rin ganap na kilala ang
Aking mga gawa. Tanging kapag ang Aking kaparusahan ay bumaba sa buong
sangkatauhan ang mga tao ay, hindi alintana sa kanilang mga sarili,
magkaroon ng kamalayan sa Aking mga gawa, at kung wala ang Aking paggawa
ng anumang bagay o nag-uudyok sa sinuman, ang mga tao ay lalapit upang
kilalanin Ako, at sa gayong paraan makikita ang Aking mga gawa. Ito ang
Aking plano, ito ay ang aspeto ng Aking mga gawa na nakikita, at ito ang
dapat malaman ng mga tao. Sa kaharian, ang hindi mabilang na mga
bagay-bagay ng paglikha ay nagsimula upang pasiglahin at mabawi ang
kanilang buhay. Dahil sa mga pagbabago sa lagay ng lupa, ang mga
hangganan sa pagitan ng isang lupa at ng isa pa ay nagsimulang lumipat.
Noong una, Aking hinulaan: Kapag ang lupa ay nahati mula sa lupa, at ang
lupa ay maging-isa sa lupa, ito ang panahong wawasakin Ko ang mga
nasyon nang pira-piraso. Sa oras na ito, babaguhin Ko ang lahat ng
paglikha at paghihiwalayin ang buong sansinukob, sa gayong paraan
ilalagay sa kaayusan ang sansinukob, babaguhin ang kanyang lumang estado
patungo sa bago. Ito ang Aking plano. Ito ang Aking mga gawa. Kapag ang
mga bansa at ang mga tao ng daigdig ay bumalik lahat sa harap ng Aking
trono, agad Kong kukunin ang lahat ng kasaganaan ng langit at ibigay ito
sa mundo ng tao, kaya’t, salamat sa Akin, ito ay mapupuno nang walang
kapantay na kasaganaan. Ngunit habang ang lumang mundo ay patuloy na
umiiral, itataboy Ko ito pabalik sa Aking galit sa mga bansa nito,
lantarang ipapahayag ang Aking utos ng pamamahala sa buong sansinukob,
at bibisitahin ng kaparusahan ang sinumang lumabag sa mga ito:
Sa oras na Ako ay tumingin sa sansinukob upang magsalita, ang buong
sangkatauhan ay maririnig ang Aking tinig, at sa gayon ay makikita ang
lahat na mga gawa na Aking isinaboy sa buong sansinukob. Silang mga
sumasalungat sa Aking kalooban, iyon ay upang sabihin, sa mga tututol sa
Akin sa mga gawa ng tao, ay babagsak sa ilalim ng Aking kaparusahan.
Kukunin Ko ang napakaraming bituin sa mga kalangitan at gagawin silang
bago, at salamat sa Akin ang araw at ang buwan ay magiging bago—ang
kalangitan ay hindi na gaya ng dati; ang hindi mabilang na mga bagay sa
mundo ay magiging bago. Lahat ay magiging ganap sa pamamagitan ng Aking
mga salita. Ang madaming mga bansa sa loob ng sansinukob ay muling
hahatiin at papalitan ng Aking bansa, upang ang mga bansa sa ibabaw ng
lupa ay mawawala magpakailanman at maging isang bansa na sumasamba sa
Akin; lahat ng bansa sa lupa ay mawawasak, at titigil sa pag-iral. Sa
mga tao sa loob ng sansinukob, ang lahat ng mga kasama sa diyablo ay
pupuksain; lahat ng sumasamba kay Satanas ay ilalapag sa Aking lumiliyab
na apoy—iyon ay, maliban sa mga nasa loob ng agos, ang lahat ay
magiging abo. Kapag kinastigo Ko ang maraming tao, ang mga nasa
relihiyosong mundo ay, sa magkakaibang antas, babalik sa Aking kaharian,
nilupig ng Aking mga gawa, dahil makikita nila ang pagdating ng ang
Isang Banal na nakasakay sa puting ulap. Ang lahat ng sangkatauhan ay
susunod sa kanilang sariling uri, at makatatanggap ng parusa na naiiba
sa kung ano ang kanilang ginawa. Yaong mga nanindigan laban sa Akin ay
malilipol; para naman sa yaong hindi Ako isinama sa kanilang gawain sa
lupa, sila’y, dahil sa kung paano nila pinalaya ang kanilang mga sarili,
patuloy na iiral sa lupa sa ilalim ng pamamahala ng Aking mga anak at
ng Aking bayan. Ipapahayag Ko ang Aking sarili sa hindi mabilang na mga
tao at sa hindi mabilang na mga bansa, tumutunog mula sa Aking sariling
tinig sa ibabaw ng lupa upang ipahayag ang pagkumpleto ng Aking dakilang
gawain para sa buong sangkatauhan upang makita ng kanilang sariling mga
mata.
At sa paglalim ng Aking tinig, pinagmamasdan Ko rin ang estado ng
sansinukob. Sa pamamagitan ng Aking mga salita, ang mga hindi mabilang
na mga bagay ng paglikha ay ginawang bago lahat. Ang langit ay
nagbabago, at ang mundo ay nagbabago rin. Ang sangkatauhan ay nailantad
sa kanilang tunay na anyo at, dahan-dahan, ang bawa’t isa’y ayon sa
kanilang mga uri, ang mga tao ay hinahanap ang kanilang mga landas na
hindi sinasadya pagbalik sa sinapupunan ng kanilang mga pamilya. Sa
ganito, Ako ay lubos na malulugod. Ako ay malaya sa pagkagambala, at ang
Aking dakilang gawain ay magiging ganap, ang lahat ay walang alam, ang
hindi mabilang na mga bagay ng paglikha ay babaguhin, ang lahat ay
walang kamalayan. Nang ginawa Ko ang mundo, Aking pinaganda ang lahat ng
bagay ayon sa kanilang uri, ginawa ang lahat nang may nakikitang anyo
na nagtitipon ayon sa uri nito. Dahil sa malapit nang dumating ang
pagtatapos ng Aking plano sa pamamahala, Aking ibabalik sa dating estado
ng paglikha, Aking ibabalik ang lahat ng bagay sa orihinal, malalim na
babaguhin ang lahat ng bagay, nang sa gayon ang lahat ng bagay ay
bumalik sa pinagmulan ng Aking plano. Ang oras ay dumating na! Ang
huling yugto ng Aking plano ay malapit nang matupad. Ah, maruming lumang
mundo! Ikaw ay dapat nang bumagsak sa ilalim ng Aking mga salita! Ikaw
ay dapat hindi na umiral ayon sa Aking plano! Ah, ang napakaraming mga
bagay ng paglikha! Kayong lahat ay makakakuha ng bagong buhay sa loob ng
Aking mga salita, kayo ngayon ay may Pinakamakapangyarihang Panginoon!
Ah, dalisay at walang dungis na bagong mundo! Ikaw ay siguradong muling
mabubuhay sa loob ng Aking kaluwalhatian! Ah, Bundok Zion! Huwag na
muling manahimik. Ako’y nagbalik nang matagumpay! Mula sa gitna ng
paglikha, sinisayat Kong mabuti ang buong mundo. Sa lupa, ang
sangkatauhan ay nagsimula ng isang bagong buhay, nagkamit ng bagong
pag-asa. Ah, ang Aking bayan! Paanong hindi kayo babalik sa buhay sa
loob ng Aking liwanag? Paanong hindi kayo tatalon sa kagalakan sa ilalim
ng Aking patnubay? Ang lupain ay humihiyaw sa kagalakan, ang tubig ay
tahimik na may masayahing pagtawa! Ah, ang muling nabuhay na Israel!
Paanong hindi ka makakaramdam ng karangalan sa halaga ng Aking paunang
patutunguhan? Sino ang umiyak? Sino ang humagulgol? Ang Israel noong
panahon ay huminto na, at ang Israel sa araw na ito ay bumangon, tumayo
at tumitindig nang matayog, sa mundo, ay bumangon sa mga puso ng lahat
ng sangkatauhan. Ngayon ang Israel ay tiyak na makukuha ang pinagmulan
ng pag-iral sa pamamagitan ng Aking mga tao! Ah, nakamumuhing Ehipto!
Tiyak hindi mo pa rin kayang manindigan laban sa Akin? Paano mo nagawang
samantalahin ang Aking awa at sumubok na makatakas sa Aking
kaparusahan? Paanong hindi ka iiral sa loob Aking kaparusahan? Ang lahat
ng Aking iniibig ay tiyak na mabubuhay nang walang hanggan, at ang
lahat ng mga taong lumaban sa Akin ay tiyak na paparusahan Ko nang
walang hanggan. Sapagka’t ako’y ang naninibughong Diyos, hindi Ko basta
patatawarin ang mga tao sa lahat ng kanilang ginawa. Babantayan ko ang
buong lupa, at, magpapakita sa Silangan ng mundo nang may kabanalan,
kamahalan, poot at kaparusahan, ihahayag ko ang Aking sarili sa
napakaraming hukbo ng sangkatauhan!
Marso 29, 1992
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Ang pinagmulan:Ang Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento