Kidlat ng Silanganan

菜單

Nob 11, 2017

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Sa Pagkakatawang-tao Lamang ng Diyos Magiging Katiwala Niya Ang Tao


Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Sa Pagkakatawang-tao Lamang ng Diyos Magiging Katiwala Niya Ang Tao


Kapag ibinibaba ng Diyos ang sarili Niya,
Siya'y nagkakatawang-tao't nananahan sa tao,
saka lang sila maaring maging,
kanyang katiwala't matalik na kaibigan.
Paano magiging katiwala ng Diyos ang tao
kung ang Diyos ay espiritu, angat at mahirap arukin?
Tanging sa pagkakatawang-tao lamang ng Diyos
mauunawaan ng tao ang kalooban Niya at matamo Niya.

Diyos nagwiwika't gumawa sa katawang-tao,
kabahagi sa tuwa, dusa ng tao,
buhay sa mundo nila, tanggol at gabay nila,
nilinis sila, nang kaligtasan Niya'y matamo nila.
Paano magiging katiwala ng Diyos ang tao
kung ang Diyos ay espiritu, angat at mahirap arukin?
Tanging sa pagkakatawang-tao lamang ng Diyos
mauunawaan ng tao ang kalooban Niya at matamo Niya.

Sa gayon, kalooban ng Diyos ay mabatid ng tao
at nagiging katiwala N'ya; ito lamang ay praktikal.
Kung Diyos ay di-nakikita't nahahawakan ng tao,
p'anong tao'y katiwala N'ya? 'Di ba't walang saysay ang doktrinang ito?
Paano magiging katiwala ng Diyos ang tao
kung ang Diyos ay espiritu, angat at mahirap arukin?
Tanging sa pagkakatawang-tao lamang ng Diyos
mauunawaan ng tao ang kalooban Niya at matamo Niya.
Sa pagkakatawang-tao lamang ng Diyos magiging katiwala Niya ang tao.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:

1.Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan

2.Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...