Kidlat ng Silanganan

菜單

Peb 24, 2020

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Sana'y Palagi Kang Manatili sa Aking Puso"


Tagalog  Worship Songs | "Sana'y Palagi Kang Manatili sa Aking Puso"


I
Manatili Ka sa piling ko sa tagsibol at taglagas,
lumakad Kang kasama ko sa init at lamig.
Ang pagmasdan, Iyong malungkot na mukha,
puso ko'y lubhang nagdadalamhati.

II
Di ko kailanman nalalaman Iyong pag-iisa,
'di naaaliw ang sakit Mong nadarama.
Nakaharap sa Inyong taos-pusong mga payo,
maraming beses matigas aking ulo.

Palagi Kitang sinasaktan, lagi Kitang binibigo.
'Di ko alam hanggang sumapit Iyong pagtutuwid.
Katabi Mo ako, pasan Mo'y 'di ko napapagaan.
Pa'no nalalaman ng isang manhid ang 'Yong pagdurusa?

Sa tamis ng pag-ibig, tunay na nadarama, 
puso Mo'y tunay.
Sino kayang gaganda pa sa'Yo, 
sinong higit na iginagalang!
Laging kasama Mo,
sa 'Yo'y di kailanman ako hihiwalay.
Nawa'y makita galak sa'Yong mukha, 
nawa'y manatili Ka sa puso ko.

III
Para sa aking mga pagnanasa, para sa laman,
nalimutan ko, katotohana't moralidad.
Kapag nalulula ako sa panghihinayang,
ang Iyong puso'y akin nang nasasaktan.

IV
Walang nakakaunawa sa Iyong kalungkutan.
Masama, dumaraing ako sa mga pagdurusa.
Sa kasakiman, humihiling ako sa 'Yo.
Sa mga alalahanin, sinong karamay Mo?

Palagi Kitang sinasaktan, lagi Kitang binibigo.
Di ko alam hanggang sumapit Iyong pagtutuwid.
Katabi Mo ako, pasan Mo'y 'di ko napapagaan.
Pa'no nalalaman ng isang manhid ang 'Yong pagdurusa?

Sa tamis ng pag-ibig,
tunay na nadarama, 
puso Mo'y tunay.
Sino kayang gaganda pa sa'Yo,
sinong higit na iginagalang!
Laging kasama Mo,
sa 'Yo'y di kailanman ako hihiwalay.
Nawa'y makita galak sa'Yong mukha,
nawa'y manatili Ka sa puso ko.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin


Manood ng higit pa: Tagalog Prayer Song

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...