Kidlat ng Silanganan

菜單

Okt 6, 2019

Tagalog Christian Song | "Dinala na ng Diyos ang Kanyang Kaluwalhatian sa Silangan"


Tagalog Prayer Songs | "Dinala na ng Diyos ang Kanyang Kaluwalhatian sa Silangan"


Ibinigay ng Diyos luwalhati Niya sa Israel

at inalis ito mula roon,

dala ang mga Israelita't lahat ng tao sa Silangan.

Lahat sila'y inakay ng D'yos sa liwanag

nang sila'y muling magkasama't makisama sa liwanag,

'di na kailangang hanapin, hanapin ang liwanag.

Hahayaan ng Diyos ang lahat

ng naghahanap na makitang muli ang liwanag

at ang kaluwalhatian Niya sa Israel,

makita ang Diyos na bumaba sa puting ulap

sa gitna ng mga tao,

makita ang mga puting ulap, makita ang mga kumpol ng prutas,

makita si Jehova Diyos ng Israel, Diyos ng Israel,

makita ang Maestro ng mga Judio,

makita ang inaasam na Mesiyas,

at buong hitsura Niyang

inusig ng mga hari sa buong panahon.

Gagawin ng Diyos ang gawain ng sansinukob

at magsasagawa ng mga dakilang gawa,

ipinakikita buong luwalwalhati Niya't mga gawa sa tao

sa mga huling araw.

Ipapamalas ng Diyos

ang kanyang buong mukha ng luwalhati

sa mga naghintay sa Kanya nang maraming taon,

sa mga nananabik na dumating Siya sa puting ulap,

sa Israel na nananabik na Siya'y magpakitang muli,

sa buong sangkatauhang umuusig sa Diyos.

Nang malaman ng lahat

na matagal nang kinuha ng Diyos luwalhati

Niya't dinala ito sa Silangan.

Ito'y hindi sa Judea pagka't mga huling araw dumating na!

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:Tagalog praise and worship Songs 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...