Kidlat ng Silanganan

菜單

Ago 29, 2019

Tagalog Praise Songs|Kaharian ni Cristo'y Nasa Tao Na

Papuri,Masaya,Kaharian


Tagalog Praise Songs|
Kaharian ni Cristo'y Nasa Tao Na

Diyos na nagkatawang-tao
nagpapakita sa Silangan,
tulad ng Araw ng katuwiran.
Kita na ng tao tunay na liwanag.
Diyos na matuwid, maringal,
mapagmahal, maawain,
mapagkumbabang dumarating sa mga tao,
nagpapahayag ng katotohana't gumagawa sa kanila,
Ang Diyos ay nasa ating harapan!

Buong mundo, nagagalak at masaya!
Tabernakulo Niya'y nasa tao na.
Mundo'y natutuwa't sumasamba!
Tinutupad kalooban N'ya,
Kaharian ni Cristo'y nasa lupa na.
Nakita na natin ang Diyos na ating kinauhawan,
Hinahanap natin katotohana't liwanag,
dumating na ang mga ito sa tao.
Mahal mo ang Diyos tulad ko,
maliligtas na ang tao.
Tao'y sumusunod,
mga bansa'y sumasamba sa Kanya
Makapangyarihang Diyos dala'y katotohana't paghatol,
ipinapakita, matwid Niyang disposisyon.

Buong mundo, nagagalak at masaya!
Tabernakulo Niya'y nasa tao na.
Mundo'y natutuwa't sumasamba!
Tinutupad kalooban N'ya,
Kaharian ni Cristo'y nasa lupa na.
Sa paghatol, pagkastigo,
pagsubok ng Kanyang salita,
grupo ng mananagumpay Kanyang nililikha.
Mga salita Niyang maringal,
hinahatula't dinadalisay ang tao,
winawasak panahon ng kadiliman
Naghahari ang katuwiran!

Buong mundo, nagagalak at masaya!
Tabernakulo Niya'y nasa tao na.
Mundo'y natutuwa't sumasamba!
Tinutupad kalooban N'ya,
Kaharian ni Cristo'y nasa lupa na.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...