Ang Totoong Kahulugan ng Salita ng Diyos
ay Hindi Kailanman Nauunawaan
I
Di alam ng mga tao kung paano matamasa
takdang pagpapala nila sa mga kamay ng Diyos,
dahil di nila alam ang paghihirap o pagpapala.
Kaya di sila tunay sa paghangad sa Diyos.
Kung walang bukas,
sino sa inyo, pagtayo sa harap ng Diyos,
ang magiging kasing-puti ng pinaspas na niyebe,
tulad ng walang-dungis na lantay ng jade.
Tiyak na ang pag-ibig n'yo sa Diyos ay hindi
maipagpapalit sa masarap na pagkain
o maipagpapalit sa magarang kasuotan
o sa mataas na katungkulan na may kaakit-akit na kabayaran?
Maipagpapalit ba ito sa pagmamahal ng iba
o iiwan dahil sa mga pagsubok?
Tiyak na ang kapighatian ay di magdudulot
II
Walang taong tunay na nakauunawa
sa espadang nasa bibig ng Diyos.
Alam lang niya'y mababaw na kahulugan,
hindi alam ang malalim na kahulugan.
Kung tunay na nakita ng mga tao
ang tunay na talim ng espada ng Diyos,
magsisitakbo silang gaya ng mga daga,
pabalik sa kanilang lungga.
Sobrang manhid para malaman
wala silang pahiwatig ng lakas ng mga ito,
gaano hinahatulan kasamaan nila,
o gaano nahahayag ang kanilang kalikasan.
Batay sa hilaw na palagay sa salita ng Diyos,
karamihan ay may saloobing maligamgam.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento