Kidlat ng Silanganan

菜單

Abr 19, 2019

Awit ng papuri | Ang Diwa ni Cristo ay Nalalaman sa Gawa't Pagpapahayag Niya


*¨*•.¸¸✿ .•*¨*•.¸¸ ❀*¨*•.¸¸✿ .•*¨*•.¸¸ ✿❀*¨*•.¸¸✿ .•*¨*•.¸¸ ✿

Awit ng papuri|
Ang Diwa ni Cristo ay Nalalaman sa Gawa't Pagpapahayag Niya

Ang diwa ni Cristo ay nalalaman sa
gawa't pagpapahayag Niya.
May isang pusong totoo, ginaganap Niya 'yong pinagkatiwala,
sinasamba ang Diyos sa langit
at hinahanap ang kalooban ng Ama.
Nalalaman 'to sa diwa't natural na pagbubunyag Niya.
Natural na pagpapahayag Niya'y hindi panggagaya,
o mula sa mga taong pag-aaral ng tao.
Ang mga ito'y hindi natututunan, bagkus ito'y likas.
Ang mga ito'y hindi natututunan, bagkus ito'y likas.

Maaaring ikaila ng tao ang gawa,
pagpapahayag at pagkatao Niya,
o ang normal na buhay Niya bilang tao,
pero hindi ang Kanyang pusong tunay
 'pag sinasamba ang Diyos sa langit.
Walang magkakaila pagparito Niya'y
upang tupdin ang kalooban ng Ama.
O ang sinsiridad Niyang hanapin ang Diyos Ama.
Maaaring 'di kanais-nais ang Kanyang larawan sa pandama,
ang pananalita Niya'y maaaring di kagila-gilalas,
gawa Niya'y maaaring hindi nakakayanig sa langit at lupa,
tulad ng inaakala ng imahinasyon ng tao.
Pero Siya nga si Cristo, na tumutupad sa kalooban ng Ama,
may tunay na puso, ganap na pagsuko
at pagsunod hanggang kamatayan.
Ito'y dahil ang diwa Niya'y yaong diwa ng Cristo.
Katotohanang ito'y mahirap paniwalaan ngunit umiiral.
Katotohanang mahirap paniwalaan ngunit umiiral.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Rekomendasyon:Tagalog Christian Songs mp3 Free Download

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...