Kidlat ng Silanganan

菜單

Nob 20, 2018

Kristianong Awitin|Tularan ang Panginoong Jesus

Panginoon,Jesus


I

Tinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,

ang pagtubos sa lahat ng tao

sa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N'ya,

nang walang pansariling layunin o plano.

Nakasentro Siya sa plano ng Diyos.

Sa Ama sa langit, S'ya'y nanalangin,

hinahanap ang kalooban Niya.

S'ya'y naghahanap at laging nananalangin.

Kung tulad ni Jesus isusuko n'yo ang lahat sa Diyos

at tatalikuran n'yo ang laman,

pagtitiwalaan N'ya kayo ng mga tungkulin

para mapaglingkuran n'yo S'ya.

II

Nanalangin S'ya't ang sabi, "Diyos Ama!

Maganap ang kalooban Mo.

Wag kumilos ayon sa mga layon Ko,

kumilos para matupad ang plano Mo.

Bakit Ka magmamalasakit sa taong mahina,

na parang langgam sa Iyong kamay?

Nais Ko lang gawin ang kalooban Mo.

Gawin Mo Sa'kin ang nais Mo."

Kung tulad ni Jesus isusuko n'yo ang lahat sa Diyos

at tatalikuran n'yo ang laman,

pagtitiwalaan N'ya kayo ng mga tungkulin

para mapaglingkuran n'yo Siya.

III

Sa daan patungong Jerusalem,

puso ni Jesus namighati.

Pero salita Niya'y tinupad, humayo

kung saan sa krus Siya'y ipapako.

Sa wakas Siya sa krus ay ipinako,

naging larawan ng makasalanang laman,

tinapos ang gawain ng pagtubos,

nangibabaw sa tanikala ng kamatayan.

Kung tulad ni Jesus isusuko n'yo ang lahat sa Diyos

at tatalikuran n'yo ang laman,

pagtitiwalaan N'ya kayo ng mga tungkulin

para mapaglingkuran n'yo Siya.

IV

Nabuhay si Jesus nang tatlumpu't tatlong taon,

lahat ginawa para masiyahan ang Diyos,

hindi inisip ang matatamo o mawawala

kundi ang kalooban ng Diyos Ama.

Ang paglilingkod ng Panginoong Jesus

ay laging ayon sa kalooban ng Diyos.

Kaya ang gawain ng pagtubos

karapat-dapat N'yang gampanan.

Walang-hangganang pagdurusa'y tiniis N'ya,

maraming beses Siyang tinukso ni Satanas.

Nguni't kailanma'y hindi S'ya nanghina.

Sa tiwala't pag-ibig, atas ito ng Diyos sa Kanya.

Kung tulad ni Jesus isusuko n'yo ang lahat sa Diyos

at tatalikuran n'yo ang laman,

pagtitiwalaan N'ya kayo ng mga tungkulin

para mapaglingkuran n'yo Siya.

At sa ganitong mga pagkakataon lamang

masasabi n'yong ginagawa n'yo ang kalooban N'ya,

ginagawa n'yo ang mga utos N'ya,

na tunay kayong naglilingkod sa Diyos.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...