Kidlat ng Silanganan

菜單

Set 27, 2018

Awit ng Pagsamba |“Ang Diwa ni Cristo ay ang Diyos” (Tagalog song)


Awit ng Pagsamba | “Ang Diwa ni Cristo ay ang Diyos” (Tagalog song)


I
Diyos na nagkakatawang tao'y tinatawag na Cristo,
ang Cristong makapagbibigay ng katotohana'y Diyos.
Hindi kalabisang sabihin nang gayon.
Dahil angkin N'ya ang diwa ng Diyos.
Angkin N'ya ang disposisyon ng Diyos at dunong sa gawa N'ya,
na di-maabot ng tao.
Yaong tinatawag ang sarili na Cristo
pero di magawa ang gawain ng Diyos ay mga mandaraya,
'di katagala'y babagsak lahat.
Sapagka't kahit tinatawag nila ang sarili na Cristo,
ala silang taglay alinmang diwa ni Cristo.

II

Si Cristo ay di lang pagpapakita ng Diyos sa lupa,
ngunit ang katawang-tao mismo ng Diyos,
habang tinatapos ang Gawain N'ya sa mga tao, sa mga tao.
Ang katawang taong ito'y di mapapalitan ninuman.
Kayang dalhin ang Gawain ng Diyos sa lupa.
Hinahayag disposisyon ng Diyos,
kinakatawan ang Diyos at nagtutustos ng buhay sa tao.
'Di maipaliwanag ng tao, ang pagiging tunay ni Cristo,
Diyos lamang ang may sagot at ang magpapasya.
Kaya, kung talagang nais mong makita ang daan ng buhay,
dapat mo munang kilalanin,
na sa pagpunta sa mundo ng tao
na ibinibigay N'ya sa tao ang daan ng buhay.
Sa mga huling araw na dumarating S'ya sa mundo
para ibigay sa tao ang daan ng buhay.
Sa pagpunta niya sa mundo binigay niya daan ng buhay sa tao.
Hindi ang nakaraan.
Nangyayari ito ngayon.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


Magrekomenda nang higit pa:Tagalog Christian Songs with Lyrics

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...