Sabi ng Makapangyarihang Diyos:
“Bagaman hindi maaaring balewalain ang pag-iisip ng tao, mas hindi
maaaring kunsitihin ng tao na baguhin ang sangkap ni Kristo.
Isinaalang-alang ninyo si Kristo bilang isang imortal, isang pantas,
ngunit walang kumikilala kay Kristo bilang isang mortal na may maka-Diyos
na sangkap. Samakatuwid, marami sa mga taong nananabik nang araw at
gabi upang makita ang Diyos ay talagang kaaway ng Diyos at hindi kaayon
sa Diyos. Hindi ba ito isang kamalian sa parte ng tao? Kahit ngayon,
iniisip niyo pa rin na ang inyong paniniwala at katapatan ay
magsisilbing karapat-dapat na makita ang mukha ni Kristo, ngunit
pinapayuhan ko kayong sangkapan ang inyong sarili sa mas konkretong mga
bagay! Dahil sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap, marami sa mga
nakakilala kay Kristo ay nabigo; lahat sila’y ginagampanan ang papel ng
mga Fariseo. Ano ang dahilan ng inyong kabiguan? Ito mismo’y dahil
ipinapalagay ninyo na may isang mapagmataas, kahanga-hangang Diyos.
Ngunit ang katotohanan ay ang bagay na hindi gusto ng tao. Hindi lamang
di-mapagmataas si Cristo, bagkus Siya ay partikular na maliit; hindi
lamang Siya isang tao ngunit isang ordinaryong tao; hindi lamang wala
Siyang kakayahang umakyat sa langit, hindi rin Niya kayang kumilos nang
malaya sa lupa. Kung kaya ang mga tao ay pinakitunguhan Siya bilang
isang ordinaryong tao; ginagawa nila ang kagustuhan nila kapag sila ay
kasama Niya, at nagsasalita ng walang ingat na salita sa Kanya, ang
lahat ng mga ito habang hinihintay pa rin ang pagdating ng “tunay na
Cristo.” Isinaalang-alang ninyo ang Cristong dumating na bilang isang
ordinaryong tao at ang Kanyang salita ay tulad ng sa isang ordinaryong
tao. Samakatuwid, hindi niyo pa natatanggap ang anumang bagay mula kay
Cristo at sa halip ay inilantad nang buo ang inyong kapangitan sa
liwanag.”
Rekomendasyon:
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento