Nagbalik na ang Panginoon | Kapag Nagbalik ang Panginoon, Paano Siya Magpapakita sa Sangkatauhan?
Dumating na ang mga huling araw, at marami sa mga mananampalataya ang
naghahangad sa pagbabalik ng Panginoon at dalhin sila sa kaharian ng
langit. Ngunit alam ba ninyo kung papaano magpapakita ang Panginoon sa
atin kapag Siya ay bumalik? Magiging ganoon ba gaya ng iniisip natin, na
magpapakita Siya nang bukas, direktang bumababa sakay ng ulap? Sinasabi
ng Makapangyarihang Diyos, "Nais mo bang makita si Jesus? Nais mo bang
mabuhay kasama si Jesus? Nais mo bang marinig ang mga salitang sinambit
ni Jesus? ... Sa anong paraan babalik si Jesus? Naniniwala kayo na si
Jesus ay babalik na nasa ibabaw ng puting ulap, ngunit ito ang tanong Ko
sa inyo: Ano ang tinutukoy ng puting ulap na ito? Sa napakaraming
alagad ni Jesus na naghihintay sa Kanyang pagbalik, kanino Siya bababa?"
"Kapag nakita ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa
langit sa ibabaw ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko
ng Araw ng pagkamatuwid. ... Ibabadya nito ang pagtatapos ng plano sa
pamamahala ng Diyos, at mangyayari kapag ginantimpalaan ng Diyos ang
mabubuti at pinarusahan ang masasama. Sapagkat nagwakas na ang paghatol
ng Diyos bago pa makakita ng mga palatandaan ang tao, kapag pagpapahayag
lamang ng katotohanan ang naroon" (Ang Salita ay Nagpapakita sa
Katawang-tao).
Rekomendasyon:
Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento